Laro

29 4 0
                                    

Tayong dalawa'y naglalaro ng tagu-taguan.
Ako ang nagtago at ikaw ang naghanap.
Ngunit hinanap mo nga ba talaga ako?

Oh nakalimutan mong tayo'y naglalaro dahil paningin
Mo'y tuluyan ng nabaling sa iba.

Bakit nga ba tayo naglalaro?
Kailangan pa ba nating laro?
Eh sa pagkakaalam ko ay mula dati'y naglalaro na tayo.

Nakakatuwang isipin na ako'y isa lang sa mga laruan mo.
Hindi pa ba kumpleto ang collection mo?
Nakakatawang isipin nagpakatanga ako at hinayaan na ako'y
Paglaruan mo.

Ako'y nagtago sa likod mo.
Nagbabakasaling ngayon ay makita mo.
Ngunit baket ganon?
Baket hindi mo pa rin ako nakita?

Bakit tila naging isang multo lang ako sa mga
Paningin mo.
Na tila ako'y hindi nakatayo sa likod at tila naging iyong anino.

Umasang ika'y lilingon at pagkita sakin ika'y ngingiti.
Ngunit lumipas ang ilang saglit ika'y nanatiling nakaharap pa rin.

Ako'y nagsimulang magtaka kung ano ba ang iyong nakikita.
Tumingin ako at nakita ang isang babaeng nakangiti sayo.

Bigla akong nakaramdam ng kirot dahil sa nakita ko.
Ika'y nakangiti ng sobrang tamis at ako'y nakasimangot ng sobrang pait.

Tadhana naman talaga oh.

Subukan nga nating ulit maglaro.
At ngayon naman ay habol- habulan na.
Ako ang maghahabol dahil ako'y sanay naman na.
Ikaw ay hinabol at hinabol ngunit ikaw naman ay tumakbo ng tumakbo.

Hindi ka ba napapagod?
Kanina pa tayo naglalaro ah bakit tila ayaw mong huminto?
Itigil na natin toh. At ako'y napapagod na.

Nagpahinga ng saglit at tumingin ako at nakitang tumatakbo ka pa ren.
Baket kaya?

Sinundan kita at nakita kong may hinahabol ka pala.

Nakita kong pagod na pagod ka at luha't pawis ay tumutulo na.
Wag mo na kasi siyang habulin aking mahal.
Ako'y andito naman at handang hindi makipaglaruan.

Ako'y tumayo sa harap mo sinasabing ika'y magpahinga naman.
Nakita ko ang lungkot sa iyong mga mata na nagsasabing ayaw mo pa.
Ngunit mahal ako ang nasasaktan sayo.

Hindi mo ba nakikita?
Hindi ko kinakaya na makita kang malungkot at hindi na katulad ng noon.

Ikaw ay ngumiti at niyakap ako.
Sa wakas nasabi kong nanalo ako sa larong ito.
Niyakap ka rin ng mahigpit at luha'y tumulo na mula sa mga mata.

Sana'y palagi tayong ganito aking mahal.
Walang halong laro at pagibig lamang.

Tayo'y nanatiling nakatayo at nagyayakapan.
Ngunit kaligayahan ay natapos ng siya'y dumating na naman.

Ika'y napalingon agad at siya namang iyong niyakap.

Oh maglaro ulit tayo ah.
Ako na naman ulit ang taya.
Hahabulin kita habang ikaw naman ay maghahabol sa kanya.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon