kaIBIGan

26 4 0
                                    

Kaibigan kita
Ngunit ika'y mahal na.
Minahal ka ng palihin
Para tayo'y maging magkaibigan pa rin.

Masakit mang isipin
Na para sayo ako'y
Isang katropa mo lang den.

Pero brad mahal kita eh.
Sinubukan kong pigilin at timpiin
Ngunit puso'y tumibok pa rin.

Sinubukang baliwalain na ika'y
Hindi magiging akin.

Ngunit tol wala eh ako'y nahulog na ng tuluyan sayo.

Bestfriend mo ako pero gusto
Kong malaman mong ako'y may gusto sayo
At hinihiling ko na sana ay maging tayo.

Mahal kita di bilang kaibigan ko,
Di bilang katropa ko at hindi dahil kapatid ang turing ko sayo.

Pero mahal kita dahil gustong ika'y maging aken na.

Ngunit oo nga pala
Kaibigan mo nga lang pala ako
At kailanman ay hindi magiging tayo.

Pero brad mahal na kase kita
At kahit anong pilit ang gawin ako'y nahulog
Na talaga.

Pero tol wag magalala dahil alam kong
May gusto kang iba.

Pero sana malaman mong ako'y
Andito lang at handang ibigan ka.

Kaya sana man lang ay malaman mong
Gusto kita.

Ngunit oo nga pala ako'y
Iyong kaibigan lang.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon