E L Y S I A N"C-chan" tawag ko sakanya habang naglalakad kami. Hindi ko maiwasan na mailang dahil magkahawak kami ng kamay.
"Namiss kita" biglang sabi niya kaya nagulat ako.
"Alam mo bang matagal ko ng alam na ikaw si alysia yoon? Yung alysia yoon na chinachat ako at poser ni elysian kang" sabi niya at natawa. "Sa daldal banaman ni seungkwan"
"Tangina, sinabi niya?!" Gulat kong tanong. Bwisit na seungkwan yan.
Tumango naman si chan habang natatawa. Sa oras na yon, ramdam kong komportable kami sa isa't isa.
"Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni chan. Tumango naman ako. "Sure ka?" Tanong niya ulit at tumungo ulit ako. "Weh?"
"Kulit ng lahi mo" sabi ko sakanya at pabirong umirap. Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko.
"Kapag nalulungkot ka, sabihin mo sakin okay?" Sabi niya at tumango naman ako.
Shet, namiss ko dinosaur ko.
Nagkwentuhan pa ulit kami ni chan. Wala eh, dinadaldal ako. Namiss ko talaga tong dinosaur ko huhu.
Medyo nawala na din yung lungkot na nararamdaman ko. Pinaparamdam kasi sakin ni chan na may nagmamahal pa rin sakin.
Puta, kaya mahal ko to eh.
Habang nagtatawanan kami, biglang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.
Di ko to kilala is calling..
Answer | Decline
"Bakit?"
"P-pwede ba tayong mag-usap ngayon?"
"Tungkol saan? T-teka, umiyak ka ba?"
"Tungkol s-sating dalawa. May pag-uusapan tayo nila papa"
"O tapos papagalitan nanaman ako? Sasabihing kailangan kong ipagpatuloy yung pagpapanggap? Sorry pero kung—"
"Ely.. Nagdesisyon na ko"
"Ha?"
"Pumunta ka dito sa diamond cafe ng mapag-usapan natin ng ayos"
"S-sige"
"Salamat"
Call ended
00:47—
Nagpunta kaming dalawa ni chan sa cafe. Oo sinama ko si chan, desisyon niya eh.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko ng makalapit kami ni chan sa pwesto nila aly. Gulat namang napatingin si papa sakin—o saamin.
"Sino iyang lalaking iyan?" Seryosong tanong sakin ni papa at napalunok naman ako.
Magsasalita na sana ako pero nagulat ako ng akbayan ako ni chan.
"Kaibigan niya po ako pero gusto ko po siya" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Eh bakit hindi mo pa nililigawan?" Tanong ng aking magaling na ama.
"Kasi po hindi pa po ako nakakahingi ng permiso sa kanyang magulang—sa inyo po" sabi ni chan at ngumiti. Kingina, i feel so attacked.
"Sige, pag-uusapan natin iyan mamaya" sabi ni papa at ngumiti kay chan. Luh, anyare?
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko ng kakaupo na kami ni chan sa upuan. Kaharap namin ni chan si aly at si papa.
"Ely, payag ka bang ibalik na ang tunay nating pangalan? Wala ng pagkukunwari" sabi ni aly at nagulat naman ako.
"P-pero paano yung pangarap mo?" Tanong ko. Syempre may part sakin na masaya kasi ayoko ng magpanggap. Pero may part saking nalulungkot kasi iniisip ko yung career ni aly.
Syempre, kahit insecure ako jan, mahal ko pa din yan. Kambal ko yan eh.
"Balak ko ng putulin yung kontrata sa agency na pinapasukan ko." Sabi ni aly at ngumiti. Nakakunot naman ang aking noo habang nakatingin sakanya. "A-ano kasi... Bukod sa ayoko ng maging si elysian, kailangan ko na din magpahinga. Baka lumala yung sakit ko" dagdag niya.
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Pero paano yung career ni aly? Sayang naman yun.
"P-pag-iisipan ko muna" sabi ko at tumayo na.
Pagkatapos namin mag-usap tungkol doon, hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko.
Tama naman siguro yung desisyon ni aly diba?
—
MaLaPiT nA sIyA mAtApOs ( ͡° ͜ʖ ͡°) naeexcite ako sa ending hikhok
BINABASA MO ANG
Poser? | Dino
Short Story[✿] sᴇᴠᴇɴᴛᴇᴇɴɢɪɴᴀ sᴇʀɪᴇs #2 "Sorry. I don't talk to strangers. I don't talk to a poser like you." -Lee Chan » which someone who's a poser messaged him. warning: full of insensitive jokes. please don't read if you're uncomfortable. thank you. Highe...