057

533 13 6
                                    

3 R D  P E R S O N

"C-chan" gulat na tawag sakanya ni ely at napatayo pa.

Ngumiti naman si chan. 

"I-ikaw pala yon" mahina niyang sabi ng magkaharap na sila. Nanatili namang nanonood yung tatlo.

Napatungo si ely bago magsalita. "O-oo."

Nagulat si ely ng hilahin siya ni chan at niyakap.

Ng matapos ang yakapan nila, nagpaalam naman si chan kung pwede bang mag-usap muna silang dalawa ng sila lang, pumayag naman sila soonyoung.

Habang pinapanood nila seungkwan si chan at ely na naglalakad palayo, napatingin naman ang dalawa kay soonyoung.

"Bakit di mo pinigilan?" tanong ni seungkwan.

"Di ka manlang magiging kontrabida?" tanong naman ni seokmin.

Napabungtong hininga naman si soonyoung bago sumagot. "Alam niyo, ang tunay na pagmamahal, mas inuuna mo ang kasiyahan ng taong mahal mo kaysa sa sarili mo." sabi niya at ngumiti. "Ayokong maging selfish kaya papabayaan ko na si ely kay chan. Isa pa, ano bang laban ko kay chan kung siya naman ang mahal ni ely diba? kaya mas ayos ng ganito" 

"Puta, pagkatapos mag-emote ni ely, ikaw naman?!" inis na tanong ni seungkwan kasi nakita niyang naluluha si soonyoung.

"Tara walwal?" suggest ni seokmin at nabatukan siya ni seungkwan.

"Tara" sabi ni soonyoung at pinunasan ang luha niya.

"Tangina, bat ba kasi uso ang one-sided love?" inis na tanong ni soonyoung pero hindi sumagot sila seungkwan.

Sa kabilang dako, kinuha ni alysia ang kanyang telepono habang umiiyak.

"Pa" bungad niya.

"Bakit ka napatawag anak?" Tanong ng kanyang tatay. "Teka, bakit ka umiiyak?" Gulat niyang tanong.

"P-pa, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

"Sige anak, tungkol saan ba? At bakit ka ba umiiyak? Anong nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong sa kanyang anak.

Lalong umiyak si alysia dahil naalala niya si elysian. Sobra siyang naaawa sa kanyang kambal.

"T-tungkol po saamin ni elysian" sabi niya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

"Sige, saan tayo magkikita?" Tanong niya.

"Sa cafe nalang po malapit sa bahay ninyo" sabi ni alysia at nagpaalam na.

Ng makarating na siya sa cafe, nakita niya ang tatay niya.

"Bakit ka ba umiiyak anak? May masakit ba sayo?" Nag-aalala niyang tanong. Ng makaupo sila, nagsalita si alysia.

"Pa, gusto ko na po ulit maging si alysia. Gusto ko na po ulit ibalik ang totoo naming pangalan" seryosong sabi ni alysia. Nagulat naman ang kanyang tatay.

"Pero anak, pano ang career mo? Naabot mo na yung pangarap mo oh! Ano pa bang pagkukulang?" Inis na tanong ng kanyang tatay. Nagsimula naman ulit umiyak si alysia.

"Pa, ang sakit lang kasi isipin na naabot mo nga yung pangarap mo, pero hindi naman sayong pangalan ang hawak mo" inihilamos naman niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha. "N-nung nagfanmeet nung isang araw, maraming pumuri sakin lalo na't dito ako nakatira dati."

"Oh edi maganda! Maraming pumuri say—" naputol ang sasabihin ng kanyang tatay dahil nagpatuloy si alysia sa pagsasalita.

"Pero pa! Hindi talaga ako ang pinupuri nila! Kundi ang totoong elysian! Diba hindi naman ako yung batang nagligtas sa isang batang lalaki nung time na nagkasunog? Kasi nung time na yon, nasa ospital ako dahil inatake ako ng sakit ko. Pa, naging successful na ko. Pwede bang magpahinga na ko?" Mahabang sabi niya. Napatahimik naman ang kanyang ama.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ng kanyang ama at tumango naman si alysia. "Call elysian then"


Short update coz y not hihi ( ͡° ͜ʖ ͡°) lapit na matapos sHoX. Di ko alam ilalagay ko sa epilogue HAHAHAH.

Ps. Kainis si watty, ayaw ipublish tong chap na to bwiset

Poser? | DinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon