064

575 11 10
                                    

3 r d  p e r s o n


Dali-daling pumunta sila chan sa hospital kung saan dinala ang magkambal. Sobrang kinakabahan si chan dahil sa mabilis na pangyayari.

Galit na galit din siya sa taong dumakip kay alysia at dinamay pa pati ang kambal nito.

Oo, mahal ni chan si ely, hindi na niya maitanggi iyon maski sa kanyang sarili.

"Putangina!" Mura ni chan habang patakbong tumatakbo papasok sa hospital.

"Kumalma ka muna chan! Aish" sabi ni seungcheol na kasama ni chan.

"Paano ako kakalma kung napahamak sila ely?!" Inis na sigaw ni chan at sinabunutan ang sarili.

"C-chan!" Rinig niyang sigaw sa kaliwa niya kaya napatingin siya. Naandoon si seokmin na basa ang mata.

Tumakbo si chan papunta doon, papunta sa emergency room kung saan kasalukuyang inooperahan sila ely.

Dumating din ang tatay ng dalawang magkambal at parang wala sa katinuan. Syempre, sino ba namang magulang at gustong mapahamak ang kanyang anak.

"C-chan please w-wag kang ganyan" sabi ni soonyoung kay chan dahil sinasabunutan ni chan ang kanyang sarili, sinisisi ang kanyang sarili dahil hindi niya manlang nabantayan ang taong mahal niya.

"H-hindi! A-ako ang may kasalanan non! Kung t-tinanong ko sana siya a-at napigilan... Hindi mangyayati 'to" umiiyak na sabi ni chan at pilit sinasabunutan ang sarili.

"Shh walang may kasalanan dito chan.. Wala kang kasalanan" pilit namang pinapakalma ni soonyoung si chan kahit sa loob niya, gusto din niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi din niya naprotektahan ang pinakamatalik niyang kaibigan.

"Tangina! Mapapatay ko ang putanginang gumawa non sa mga anak ko!" Biglang sigaw ng tatay nila ely. Umiiyak na ito at sobrang kinakabahan dahil wala siyang alam sa nangyari, gulat na gulat siya ng malaman niyang nasa ospital ang mga anak niya at wala siyang kaalam-alam na dinakip pala ang kanyang mga anak.

"W-wag po kayong mag-alala... Magiging ayos po ang mga anak ninyo" sabi ni soonyoung at pilit na ngumiti. Tinanguan lamang siya ng tatay nila ely at yumuko nalang.

'Tangina, pano kung.. Pano kung hindi makayanan ni ely?! Pano kung... Mamatay siya?' Sabi ni chan sa kanyang isipan at lalo pang hinigpitan ang pagsabunot sa kanyang sarili. 'Pota, anong klaseng isip yan chan?! Ang gago mo aish' sabi niya ulit sa kanyang sarili at lalong naiyak.

Mga mahigit apat na oras silang naghintay sa labas ng emergency room. At hindi nawala sakanila ang takot at kaba.

Nagsitayuan sila ng makita nilang lumabas ang doktor. Bakas sa mukha niyang ang lungkot.

'Tangina' mura ni chan sa isipan niya.

"A-ano pong nangyari?!" Kinakabahang tanong ng tatay ni ely.

Tinanggal naman ng doktor ang mask na suot niya bago magsalita. "Luckily, maayos po ang operasyon ng isa" sabi niya at malungkot na ngumiti.

'Hindi naman siguro tama yung nasa isip ko diba?' Tanong ulit ni chan sa kanyang sarili habang umiiyak.

"A-ano pong nangyari sa isa?" Tanong naman ni soonyoung.

Lalong lumungkot ang mukha ng doktor at tumungo.

Mukhang alam na nila ang sagot.

"H-hindi nakayanan ng isa ang operasyong aming ginawa. P-pasensya na't hindi namin siya naligtas" sabi ng doktor at tumingin saamin.

"S-sino..?" Tanong niya. Hindi niya alam ang gagawin kung tama ang nasa isipan niya.

Nakatingin lahat sila sa doktor na kasalukuyang nakatungo. Sobra siyang nalulungkot dahil hindi naging successful ang operasyon ng isa.

"S-si alysia kang" natigil ang mundo nila chan sa narinig.

"S-si ely?" Tanong ni chan kay soonyoung, at malungkot lamang na tumango si soonyoung habang umiiyak. Wala na ding ibang nagawa si chan kundi ang umiyak.

Sometimes, the person who we really love the most can leave us without telling us goodbye. Siguro, dumating lang siya saatin upang magbigay ng lesson. Mga taong magiging dahilan ng pagpapakatatag natin, mga taong dahilan kaya tayo nagiging malakas.

Also, not all story have a happy ending. May mga storya talagang masaya sa umpisa, ngunit sobrang nakakalungkot naman sa huli. Ipinapakita lamang dito na hindi lahat ng storya ay puro saya lamang.

'Is this really the end of our story?' Tanong na lamang ni chan sa kanyang sarili habang umiiyak.

Ok di siya nakakaiyak. Bye HAHAHA.

Next chapter is the epilogue hehehe.

Poser? | DinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon