Chapter 4: Zunako at Diwani

21 8 0
                                    

05.14.18

HEWLETT

"Ano ba talagang nangyari sa'yo kanina, binibini? Bakit kay tagal mo naman yata lumabas sa iyong aven?"

(Aven - Silid/kwarto)

Napatingin naman ako kay Maxima habang naglalakad palabas ng Academia. Marami ang napapatingin sa direksyon namin. Marahil ay nagulat sila dahil nagmukha na akong isang Fantalia.

"Wala naman. May ginawa lang ako." I replied. Hindi ko muna sasabihin sa kanila 'yon. Hindi ko alam, baka hindi nila paniwalaan ang mga nangyari. "Ah, Maxima. Malayo ba dito ang marke--boro?" tanong ko sa kanya bago niya buksan ang gate ng Academia.

Sumalubong naman sa amin ang napakaaliwalas na kulay berdeng mga halaman at puno. Para naman kaming nasa gitna ng gubat. Kung kulay kayumanggi lang siguro ang kulay ko ay baka pagkamalan akong isang puno.

Kanina ko pa din napapansin na parang sobrang daming glitters ang nagkalat sa hangin. Makinang at halos makulay ito. Napakaganda ng lugar na 'to.

"Oo, marahil ay maglalabing limang minuto bago tayo makarating sa boro mula sa Academia."

Whaaat? Wala bang tricycle dito? Like duhh? Asa namang makakapaglakad ako ng ganun kalayo. Kung palabas pa nga lang ng mismong gate mula sa palasyo---Academia ay halos sampung minuto pa dahil sa haba ng space at mga halaman ay napapagod na ako.

Napansin niya naman ang reaksyon ko, kaya narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Tinignan ko naman siya ngunit hindi pa man ako nagtatanong ay sumagot na siya.

"Sasakay naman tayo, binibini." she said bringing her innocent smile. I'm about to send her more questions when someone interrupted our chitchat.

"Akishana!" 

(Akishana - Sandali)

Four boys and two girls caught our attention. Nagatawanang tumakbo ang mga ito papalapit sa amin. One of the boys, was familiar. He's really familiar. Tatlong lalaki ang pilyong tumatakbo habang si Zunako ay pa-cool lamang na naglalakad. My heart suddenly thumping faster when our eyes met. Maybe because of the incident happened awhile ago.

The other boys weren't familiar yet.

Nakangiting kumaway sa akin ang tatlong lalaki at dalawang babae nang makarating sila sa tapat namin. Familiar ang isang babae dahil malamang ay si Chlea ito.

"Avane dunawa, zurem." nakangiting nagbow sa akin ang isang gwapong lalaki.

(Avane dunawa - Magandang umaga)

Maputi ang kutis ng balat nito, makapal ang kilay. Singkit ang mga kulay abong mata. Matangos ang ilong at mapula ang labi. Mukha ding malakas ang pangangatawan nito, kung nacharge ko lang sana ang cellphone ko ay magpapapicture na ako sa kanya. Tiyak na marami ang likes nito sa facebook at baka pagpiyestahan pa ng mga page dahil masasabing napakaperpekto ng lalaking ito. Dala-dala niya din ang kulay abong pananamit.

Nangunot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga sila maintindihan.

"Marahil ikaw na nga ang Humana na binanggit ni Odore Suna." muling sambit nito.

Natatawang tinignan naman ako ni Chlea at ni Maxima. Mukhang pinagtatawanan nila ako dahil alam nilang hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga katulad nilang Fantalia.

"Ang sabi niya ay Magandang umaga." natatawang sambit ni Chlea.

Napa 'Ahh' naman daw ako no'n. Oh ako na! Ako na OP sa lugar na 'to.

Fantasia AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon