Chapter 6: Avinase

15 6 0
                                    

05.16.18

MAXIMA

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwalang lahat. Tahimik kaming limang nakaupo sa loob ng Daswe. Dito kami palaging nagpapalipas oras, kung panahon pa siguro na hindi pa dumarating si Hewlett ay masaya kaming nagkukwentuhan. Ngunit alam kong hindi na gano'n ngayon. Tahimik ang lahat, alam kong hindi rin sila makapaniwala na may gano'ng klaseng kapangyarihan si Hewlett. Noong unang pagpasok niya palang sa Fantasia, alam ko ng hindi siya isang Humana. Ramdam ko ang enerhiya sa kanyang katawan. Hindi ko lamang lubos akalain na ganoon palang klaseng kapangyarihan ang mayroon siya.

"Visane ashi maisna, hindi siya isang Humana!" naguguluhan pa ring tugon ni Virsia. Sabay-sabay naman kaming lumingon sa kanya.

(Visane ashi maisna - Hindi ako makapaniwala)

Hindi siya ang klase ng binibining na mahilig magsalita. Hindi siya madaldal at palaging tahimik lamang siya.

"Sinasabi ko na nga ba, isa rin siyang Fantalia. Noong unang makita ko pa lang ang kanyang sensi sa kanyang mukha, lumiwanag 'yon." umiiling ngunit nakangiting ani Chlea.

Alam ko, parehas kami. Nakita naming pareho ang pagliwanag ng sensi ni Hewlett habang himbing na himbing siya sa kanyang pagtulog. Hugis moniva 'yon, simbolo na isa siyang maharlika gaya namin. Nasa ibaba lamang ng kanang mata niya ang kanyang sensing moniva.

"Isa siyang Diwani," masaya kong ani sa kanila.

Tumango naman ang mga Zunako dahil sa sinabi ko. Alam ko, alam nilang lahat. Hindi lang talaga kami makapaniwala. Ang kapangyarihan na dala ni Hewlett ay hindi pangkaraniwan.

"Ngunit paanong hindi niya 'yon alam? Kanina nang pagmasdan ko siya ay tila gulat na gulat pa siya."

Nilingon namin ang pinanggagalingan ng boses na 'yon. Galing 'yon kay Zero. Hindi siya nakatingin sa amin kundi sa balkonahe, malalim ang kanyang iniisip na tila may gumagambala sa kanyang isipan. Hindi man halata sa kanyang pinapakitang ekspresyon ay bakat naman sa kanyang pananalita at boses ang pagtataka.

"Dahil namulat siya sa mundo ng mga tao." malamig ang boses na ginamit ni Sean sa kanyang pagsagot. "Hindi lamang siya isang Diwani, kundi isa siyang Avinase."

(Avinase - Tagapagmana ng reyna)

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Napatayo ako sa gulat dahil hindi inaasahan ang sinabi ni Sean. Isang Avinase si Hewlett?

Maari nga, maaring si Hewlett ang Avinase dahil nakita naman sa kanya ang iba't-ibang Mahi.

Kung gano'n, hindi maaring malaman ng mga taga-Mirazo at Mushna ito, dahil kung hindi....

"Baka mapahamak si Hewlett at tuluyan nang masira ang Fantasia Academia."

**

HEWLETT

"Baby, wake up. I'm here na." I heard familiar soft voice. Malambing ang boses na 'yon at napakamalumanay. Para bang musika sa aking pandinig. Narinig ko na ang boses na 'yon.

"Hewlett, baby. Wake up, Mommy is now here."

Mom?

Pilit kong idinidilat ang mga mata ko, pero may kung anong malakas na pwersa ang humihila pababa sa talukap ng aking mga mata. Para bang pagod na pagod ang buong sistema ko kaya kahit sarili kong mga mata ay hindi ko kayang maidilat.

"I'm sorry, Hewlett. Hindi ko inaasahang mangyayari 'to. Hindi pa sana ngayon. I'm sorry, sweetie." I heard her sobs. My mom was crying! Unti-unting nawawasak ang puso ko. Ayokong marinig siyang umiiyak! Mas gugustuhin ko pang marinig ang pagsigaw niya sa akin kaysa ang marinig siyang umiiyak. It hurts me.

"You need to stay here, it's for you. Don't hate me, sweetie. I'll be back. I love you." She mumbled. No! She can't leave me here! I want to be with her!

I want to scream, but my mouth was sealed. No! Mommy! I need you. Bring me back home!

"Zurem, awinasi ashte!"

(Awinasi ashte - Gumising ka)

Nagising ako at pilit na hinahabol ang aking paghinga. Animo'y sumabak ako sa karera dahil sa bilis at lakas ng pintig ng puso ko. It was a dream. It was a bad dream.

"Ayos ka lang ba, binibini?"

Marahas kong nilingon ang pinanggagalingan ng malamyang boses. Napahinga ako ng maluwag nang makita ang mga kaibigan ko. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Nandito sila. Nandito ang mga Diwani at Zunako.

Napatigil ako nang maalala ko ang lahat nang nangyari.

Hindi ba sila natatakot sa akin?

"I'm okay." I sighed. Narinig ko ang pagtikhim ni Zero at nagtataka ang reaksyon nito, doon ko lamang napagtanto ang sinabi ko. "Paumanhin, ang sinabi ko ay mabuti naman ang pakiramdam ko."

Bahagyang sabay-sabay napatango ang kani-kanilang mga ulo.

"Salamat naman, magpahinga ka ng mabuti. Mukhang naubos ang lakas mo. May masakit ba sayo?" Nakangiting tanong sa akin ni Chlea ngunit nababakas sa kanyang boses ang pag-alala.

Umiling ako sa kanya, kahit sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang bigat ng katawan ko at pakiramdam ko ay nilalagnat ako. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Ngumiti siya at umiling.

"Nagsisinungaling ka. Masakit ang katawan mo." Natatawang aniya.

Nanlalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Papaano niyang nalaman 'yon?

"Ang kakayahang mayroon si Chlea ay ang paggagamot. Kaya niya ring maramdaman ang nararamdaman ng isang Fantalia." Ani Maxima.

Nagtataka ko namang nilingon si Maxima habang tinatango ang ulo ko.

Paano niya naman nalaman ang nasa isip ko? Mind reader ba si Maxima? Like wth.

Nagsimulang haplusin ni Chlea ang kamay ko, nararamdaman kong unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Kasabay no'n ang bigat ng talukap ng mga mata ko.

"Lahat ng Diwani, Zunako at iba pang may matataas na kinatatayuan sa Fantasia Academia ay may kakayahang basahin ang isip ng mga Fantalia, lalo na kung iniiwang bukas ito." Nakangiting ani Caden.

Napa-'ahh' nalang ako sa sinabi ni Caden bilang pagsang-ayon. Ang galing! May mga gano'ng kakayahan pala ang mga fantalia. Kaya pala parang nababasa nila ang iniisip ko kasi nakakabasa sila ng isip ng iba p-- bahagyang nanlalaki ang mata ko. Sinasabi ba nilang--

"Oo, Hewlett. Hindi ka isang Humana, kundi isa kang Fantalia." Nagulat ako nang may marinig akong malakas na boses. Familiar 'yon at sigurado akong narinig ko na 'yon.

Nilinga ko ang paligid. Nakangiti silang apat sa akin, napadako ang tingin ko kay Sean. Napailing ako sa isip ko. Hindi. Hindi sa kanya ang boses na 'yon. Hindi nga siya nakatingin sa akin at isa pa, parang hindi ako welcome para sa kanya.

Hindi ako isang tao? Isa akong Fantalia? Ibig sabihin hindi nga ako isang normal na tao, pero lahat ba ng fantalia ay may mga powers gaya ko? Kaya ba meron akong mga kapangyarihan? Totoo ba lahat ng 'to? Kaya ba no'ng nakatira ako sa mundo ng mga tao ay parang hindi ko kayang makisalamuha sa kanila.

"Mabuti pa, magpahinga ka muna. Bukas ay sasama ka amin."

Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Maxima. Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko, kasabay ng paghihila pababa ng talukap ng mga mata ko.

**

Visane ashi maisna - Hindi ako makapaniwala
Sensi - balat/birthmark
Avinase - Tagapagmana ng reyna
Awinasi ashte - Gumising ka

Fantasia AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon