05.13.18
HEWLETT
"Kailan kaya siya magigising?"
"Horasa Zurem!" (Magandang binibini)
"Gisingin mo kaya siya?"
"Kanina pa siya natutulog."
Nagising ako dahil sa mga hindi pamilyar na boses na narinig ko. Sino ba ang lapastangang pumasok sa kwarto ko? Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at unti-unting lumilinaw ang paningin ko.
"Chlea, gising na siya!"
Huh? kailan pa naging purple with touch of pink ang kwarto ko? As far as I know kulay black and white ang theme ng kwarto ko. At huuuuh? Bakit may mga pink roses ang nakapalibot sa kulay purple na kulambo ko? Wait---what?! Kailan pa ako nagkaroon ng kulambo? Napabangon ako bigla nang marealize kong hindi ko kwarto ito.
Teka nasaan ako?
"Zurem, ashtagi. Mabuti at nagising kana."
(Zurem - Binibini
Ashtagi -Salamat)Napalingon ako sa may-ari ng malambing na boses. Nakangiti ang isang napakagandang babae sa gilid ko.
Nakapusod ang kulay pula nitong buhok at may nakalaylay na kaunting hibla sa magkabilang gilid ng kanyang pisngi. Kulay pula rin ang kanyang singkit na mata. Mahaba ang kulay pulang pilik-mata, matangos ang ilong at mapula ngunit natural ang kulay sa kanyang labi. She's wearing a simple red dress, above the knee lang ang haba nito. Napapalibutan din ng mga silver dust ang telang banda sa kanyang dibdib. Lumilitaw ang kanyang napakasimpleng ganda.
Teka? Sino siya? And, what the hell is she's talking about?
"Excuse me?" I asked. Nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng pagsimangot.
"Paumanhin binibini ngunit ganyan ba ang inyong pananalita sa mundo ng mga tao?" My jaw dropped.
What the?! Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? For pete's sake! Nasaan ba ako?
"Excuse me miss, please drop the act now! Where on earth am I?" I asked irritatedly. Masyadong malalim ang kanyang pananalita. Sumasakit ang ulo ko.
Wala akong matandaan!
"Duwe ashtagi, Zurem. Ngunit hindi ako o kami nakakaintindi ng iyong lenggwahe." Napalingon naman ako sa isang pang babae.
(Duwe Ashtagi - Paumanhin)
Hindi ko siya napansin kanina.
Nakalugay ang kanyang kulay blue curly hair na aabot sa kanyang bewang. Kulay blue rin ang kanyang mga mata at kanyang pilik mata. She also has a pointed nose and blue-colored lips? Teka may sakit ba siya? Suot niya naman ay isang bistida na gaya ng sa naunang babae ngunit kulay asul lamang 'to.
"Nasaan ako?" naiinis kong tanong sa kanila. Nagkatinginan muna silang dalawa, para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata.
"Hindi mo ba naaalala, binibini? Dinala ka dito ni Odore Suna dahil nawalan ka daw ng malay sa labas ng Fantasia Academia." sagot ng red girl.
Wait, Fantasia Academia?
"Huh? What are you talking about? Ang tinatanong ko ay kung nasaan ako?"
Ngumiti muna ang blue girl bago sumagot.
"Nandito ka sa kwarto namin ni Chlea. Sa loob ng Fantasia Academia."
WHAAAAT?!
TEKAAA? NASAAN AKO? SAANG LUPALOP NAMAN AKO NG EARTH!