Chapter 7: First day of school 1.1

18 7 1
                                    

05.23.18

HEWLETT

"Handa kana ba, binibini?"

Napatingin ako kay Maxima at Chlea na nakatayo sa pinto. Nakasuot sila ng isang kulay puting long sleeves, may suot din sila na neck tie, kulay lila 'yon at may logo ng Fantasia Academia. Tinernuhan din ng kulay lilang palda na aabot lamang sa kanilang hita. Mahaba din ang kulay puting medyas na aabot sa ibaba ng tuhod, infairness, uso din pala ang sapatos dito kapag papasok ng school. Akala ko pa naman ay flat sandals lang ang alam nilang suotin. Ang pinagkaiba nga lang ay kulay violet ang sapatos na may 3 inches na takong.

Akala ko nga ay hindi babagay sa akin, dahil mukhang baduy pero naah! Ang kyuut! Oo, gano'n din ang suot ko, gaya ng suot nila. Ngayon ang first day of school 'ko' sa school nila. Sa mismong loob ng paaralan ng Fantasia Academia, yung palagi ko kasi pinaggagalaan ay parang dorm lang pala. Hayy! Akala ko school na.

"Oo handa na ako," ngiting ani ko sa kanila. Bahagya naman silang lumapit sa akin. Humarap muna ako sandali sa human sized na salamin at marahang pinagmamasdan ang sarili.

Nagulat ako nang biglang magliwanag ulit ang birthmark ko. Napatingin ako kina Chlea at Maxima mula sa repleksyon, nakangiti lamang sila sa akin.

"Normal lamang 'yan, binibini." Narinig kong boses mula sa aking isipan.

Boses 'yon ni Maxima.

"Panatilihin mong palaging sarado ang iyong isipan, binibini. Masyadong maingay at palaging hindi namin maunawaan ang mga nasa isipan mo." Natatawang sambit naman ni Chlea.

Napabuntong hininga nalang ako at napanguso. Itinuro na nila sa akin kung paano isarado ang isip. Isipin ko lang ang kulay black, oo black. As in kapag pumikit ka, blangkong kulay itim ang makikita mo. Hayy.

Bakit na naman kaya umiilaw ang birthmark ko?

Napaatras ako nang biglang lumiwanag ang kabuuan ko, pati sila Chlea at Maxima ay bahagyang napaatras din. Ano na naman bang nangyayari? Napalinga ako dahil sa nasaksihan ko, nagkaroon ng maraming glitters sa paligid. Kumikinang 'yon at napakaganda. Nang muli kong tignan ang sarili ko mula sa salamin ay nanigas ako.

Nagbago ang kulay ng buhok ko pati na rin ang mga mata ko.

"Lumabas na ang Mahi sa 'yong katawan, binibini." Paliwanag sa akin ni Chlea. Nakangiti siya, gaya ni Chlea ay gano'n din ang reaksyon ni Maxima tila natutuwa pa sila sa kanilang nasaksihan.

Ibig sabihin, kulay pink talaga ang kulay na nakatalaga sa akin? Wow! Magic.

"Sandali, may kulang sa 'yo." Bahagya akong iniharap ni Maxima sa kanya. Naguguluhang tinignan ko naman siya sa kabila no'n ay nginitian niya lamang ako.

Iwinagayway niya ang kanyang daliri. She pointed it to me. I froze, ang mga daliri niya ay kumikinang. Naglalabas ng mga glitters ang mga daliri niya. Teka, paanong--

"Ayan! Humarap ka muli sa salamin binibini."

Marahas niya akong iniharap sa salamin. Para bang excited na excited siyang ipakita sa akin kung anong magic ang ginawa niya. Napanganga ako nang makitang kumikinang na ang buhok ko, nakapusod na 'to at nakalaylay ang mga patilya sa magkabilang gilid. Bahagyang may mga pearl na nasa buhok ko at nagsisilbing panali sa aking buhok. May mga perlas din sa aking dalawang tainga at kwintas naman sa leeg.

"Napakaganda mo, binibini." They said in chorus.

"Sigurado akong matutuwa si Sean kapag nakita ka. Lavisane ashimera asinaste." Naguguluhang tinignan ko naman si Chlea.

(Lavisane ashimera asinaste - Mukha kasing nagugustuhan ka niya)

Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya. Parehas naman silang natawa at hinila na ako palabas ng kwarto. Hindi manlang nila inexplain kung anong ibig sabihin ng sinabi nila. Nagkibit-balikat nalang ako at sumabay sa paglalakad sa pasilyo.

Palabas na kami ng Asilani--tawag sa dorm nila dito. Grabe talaga, hindi ko akalain na malaki ang Fantasia Academia. Yung palasyo na nakita ko, dorm palang pala 'yon. Hayys! Paano pa kaya kung mismong school na ang makita ko? Ano kayang itsura no'n?

Huminto kami sa labas ng Asilani. Nagulat ako at napatakip ng bibig nang may tatlong mga humintong---

"UNICORN?!!" O to the M to the G!

This must be crazy! I really can't believe it! Unicorns really exist!

"Unicorn? Hahahaha, ayan ba ang tawag sa mundo ng mga tao, binibini? Ngunit hindi nabubuhay ang Yunaso sa inyong mundo, paanong mayroon kayo ng ganyan?" Nagtatakang tanong ni Maxima, pero bakas na bakas ang natatawang reaksyon niya.

Habang abala naman si Chlea paakyat sa Unicorn. Waah! Sasakay siya sa Unicorn! I want! I want!

"Hindi, sa mundo namin ay hindi totoo ang unicorn. Pang fairytale lang ang unicorn pero hindi ako makapaniwala na totoo ang mga unicorn! Omg!"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. May unicorn for pete's sake!

"Binibini, sumakay kana sa 'yong Yunaso, mula ngayon ay pag-aari mo na siya. Kung gusto mo ay bigyan mo na rin siya ng pangalan."

Napatingin ako sa nakangiting Chlea, nakasakay na siya sa Unicorn, ibig sabihin ay sa kanya na ang Unicorn na sinasakyan niya? Kulay pula ang sinasakyan niyang unicorn, bahagyang rainbow color naman ang buntot.

Teka, magkakaroon na ako ng unicorn? Oh my gosh! I really really really can't believe!

"Magsisimula na ang klase, binibini. Mauuna na kami, huwag kang mag-alala ihahatid ka ng 'yong Yunaso sa mismong Academia, may sasalubong sa 'yong isang maliit na Manuswe, siya ang magsisilbing gabay mo pagpasok ng Academia. Ang manuswe na 'yon ay pag-aari mo. Paalam!"

Paliwanag ni Maxima, kasabay no'n ang pagtakbo ng sinasakyan niyang kulay blue na unicorn, gaya ng unicorn ni Chlea ay rainbow color din ang buntot no'n at makinang.

Teka, wait? Iniwan nila ako?! What the fuck!

Inis akong napapikit at binuksan ang aking isipan, marahas kong pinapakiramdaman ang paligid.

"Walanghiya kayo, Maxima at Chlea! Humanda kayo kapag nakita ko kayo!" Malakas kong sigaw mula sa isipan ko.

Narinig ko naman ang paghalakhak nila, para bang dumadagungdong 'yon sa buong Academia.

Napatingin naman ako sa unicorn na nasa tabi ko, nakatingin 'to sa akin na para bang kilalang-kilala na niya ako. Waaah ang cute.
Hinaplos ko ang kanyang mukha, ang lambot ng balahibo niyang kulay pink. Oo, kulay pink siya at makinang. Naiinlove na ako sa unicorn na 'to. Masaya kong niyakap ang unicorn na 'to, huhu. Bakit ba kasi kayo nag-eexist. Ano bang magandang pangalan mo?

"Natutuwa ka masyado sa iyong Yunaso," nanigas ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Kasinglamig ng panahon ang boses niya.

"Sean."

Bahagya ko siyang nilingon, nakasakay siya sa kanyang kulay silver na unicorn. Mababakas ang lamig ng kanyang mga mata. Nakakatakot siya swear! Naalala ko tuloy no'ng ginawa niyang yelo ang mga kamay ko, nakoo! Baka gawin niya ang Ice sculpture ngayon.

"Sumakay kana sa 'yong Yunaso, mahuhuli kana sa klase."

Huling sambit niya bago niya ako iwanan. Napahinga ako ng maluwag. Buti nalang hindi niya ako ginawang sculpture, idol pa naman niya si Elsa, ayoko pang maging si Ana.

Ang sabi ni Chlea at Maxima kanina ay matutuwa sa akin si Sean kapag nakita niya ako, mukhang hindi naman. Gano'n pa rin naman ang reaksyon niya. Bakit ba feeling ko, ayaw niya sa presensya ko? Hayy.

"Mabuti pa, unicorn. Unicorn nalang ang itatawag ko sa'yo. Hihi! Tara na. Hatid mo ko sa school ha, wag mo ako iligaw." Sumampa na ako sa likod ng unicorn, muli kong siyang hinaplos, nagulat naman ako nang umilaw ang parang sungay niya sa ulo. Waah, kulay pink ang ilaw pero nawala din 'yon agad.

Sinagot niya kaya ang sinabi ko? Hayy.
Bahala na nga. Late na ako, sana naman hindi terror ang mga teacher dito. Sana lang talaga ay hindi gaya ng mga teacher sa previous school ko at sana rin, hindi na ako makicked-out.

**

Lavisane ashimera asinaste - Mukha kasing nagugustuhan ka niya.

Fantasia AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon