CHAPTER 4 Family Dinner .2

300 19 3
                                    

Jaxie's POV

Pagdating namin sa bahay--or should i say mukhang mansion na tinitirhan nila, bumaba agad si Dhrey kaya tinanggal kona ang seatbelt ko at handa nang buksan ang pinto ng binuksan ito ni Dhrey, and fc ko no? Joke, bumaba na akoat nagpasalamat sakanya. Pumunta na kami sa may pinto nila at binuksan ito, tumambad sakin ang malaki nilang sala, at si DJ na naghihintay samin.

*Fastforward*

Nandito ang mom at dad ni DJ, nagmano na ako sakanila at ganun din ang ginawa ng magkapatid, umupo na kami sa upuan nila nung matapos kaming magmano kay tita at tito. Dinala na nila ang pagkain na niready nila para saamin, nagthankyou kami ni DJ sakanila. Nagsimula na kaming kumain at maya maya ay nagsalita si tita.

"Jax hija, buti naman at sumama ka dito para naman may kausap ako tungkol sa mga style ng damit sa shop ko sa mall." Galak na sabi ni tita, yes pag nandito ako sakanila ay di tita ang madalas kong kausap dahil sa mahilig din ako sa damit, kahit na nerd ako dati ay mapili din ako sa damit na susuotin, designer din ako pero mas mahal ko talaga ang pagluluto.

"Oo nga po tita, lately kasi napadalas yung pag out of town namin kaya ngayon nalang ako nkapunta dito." Sabi ko

"Oo nga hija pero its okay qt least nandito ka at masasamahan moko sa pagpili sa designs." Excited na sabi ni tita, kahit na mayaman pa sila, simple lang ang pamilya nila dito sa bahay nila.

"Buti naman hija at nakapunta ka ulit dito, nung nakaraang buwan ka lang nakapunta dito eh." Sabi naman ni tito Dan.

"Oo nga po tito miss kona po makipagkulitan kay Shashi at makipagkwentuhan sainyo." Si Shashi ang cute na cute na aso ni DJ isa syang maliit na shih tzu, sabi nya ay regalo daw ito ng kuya nya nung 17th birthday nya.

"Ah, oo nga pala hija, si Dhrey Jackson and unico hijo ko, kapatid ng bestfriend mo, wag kang mahuhulog sa charms neto ah?" Pabirong sabi ni tita.

"Ma!" Asar na sabi ni Dhrey
"Im just kidding Rey."
"Tsk!"

"Sungit mo talaga kuya." Sabat ni DJ oo nga pala nakalimutan ko nasa tabi ko pala siya.

Malapit na kaming matapos na puro kwentuhan at tawanan lang ang ginawa namin, ang saya talaga kasama ni tito at tit, pero mas masaya ako kapag magkasama kami ni mom at dad.

Tapos na akong kumain, tumayo na ako at nagpaalam na kay tita at tito, hinatid ako ni Dhrey sa bahay, habang nag dadrive sya ay nagsalita sya bigla.

"Close pala kayo ng mom at dad ko." Sabi nya, hindi ito tanong dahil sinabi nya talaga ito

"Hmm, yeah close kami ni tita Jeam at tito Dan, bakit?"

" wala lang napansin ko lang."

Pagtapos nyang sabihin yon ay napuno ulit ng katahimikan ang kotse nya, maya maya ay nasa bahay na agad kami, dali dali akong bumaba ng tumigil ang sasakyan nya, bago ako pumasok ng bahay ay nagpasalamat ako sa paghatid nya saakin.

Itutuloy...
_____________________

Sa mga nagbabasa po netong first ever story ko, salamat po, kung gusto nyo po nito give it a vote and wag po kakalimutan mag comment. Salamat!

#Chapter4Done

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inlove with the BADBOY Where stories live. Discover now