Nicki's POV
I woke up to the sound of my alarm on the bedside table. I said my morning prayer, still half asleep, and thanked God that there were no nightmares or bad dreams that haunted me in my sleep. As i opened my eyes and rose from the bed, i heaved a deep breath and told myself, "Today's gonna be a great day, Nicki! Bangon bangon, ligo ligo!"
Today is the first day of our last year in college. And since ito na nga ang huling taon namin ni Sheens sa college, sinabi ko sa sarili kong sisimulan ko ito ng tama. And what better way to start it right than to have a positive disposition. No more tears, Nicki! Pinangako mo yan!
So habang nag-aayos ako sa harap ng salamin, naalala ko na naman yung usapan namin ni Sheena nung pauwi kami galing sa school matapos ang aming enrollment.
"Basta beshie ha, dapat itong last year natin sa college ang pinakamasayang year natin. Alam mo naman na nandito lang ako palagi para sayo diba? Kalimutan na natin yung nangyari nung Summer. Alam kong nahirapan ka at nasaktan ka kahit di mo sinasabi sa'kin. Partly, kasalanan ko rin yun eh. Kasi push ako ng push sayo nun. Di ko naman inexpect na maharot lang pala yung poging yun. Akala ko kasi siya na ang nilaan sayo ni universe, kasi ang daming signs nun besh eh. Hays! Kaya tutulungan kita, promise! Basta ha, focus lang tayo sa training at sa acads. Huling hirit na natin, dapat gumraduate tayo with flying colors para kabog!!!"
"Hay naku, ayan ka na naman sa universe mo eh! Pero sorry kung hindi ko na sinabi sayo. Kilala mo naman ako eh. Tsaka kilala rin kita. Alam kong ganyan ang iisipin mo eh, sasabihin mo it's your fault. Wala ka namang kasalanan dun eh. Ginusto ko rin naman yun Sheens. Bad call on my part kasi hindi ko pa ganun kakilala, bumigay na ko agad. Nadala kasi ako sa dimple, nakakainis! Oh well, charged it to experience na lang. Sabi ko naman sayo kanina diba? Okay na ko. Thanks for waking me up from a bad dream. Eto na, back to reality na ang beshie mo. Hindi ko naman na siya masyadong iniisip eh. Minsan lang talaga hindi ko maiwasan na pumasok siya sa panaginip ko, tulad kanina. Hays! Pero promise, simula sa araw na ito, training at acads na lang ang focus ko. Hindi ko na iisipin yung gagong yun."
"Hay salamat! Inamin mo din na siya ang laman ng panaginip mo. Ilang beses sa isang araw ka ba managinip besh? Ganun ba lahat ng panaginip mo?Umuungol?! Hahaha!"
"Hooooy! Sa dami ng sinabi ko yun lang napick-up mo?! Wag ka nga! Anong umuungol? Galit ako, okay? Hindi lang galit. GALIT! NA GALIT! NA GALIT!!!"
"Ibang klase ka pala magalet besh ha? Umuungol talaga eh! Hahahahaha! Huy beshie, dahan-dahan sa pagdrive, jusku! Oo na gets ko na ngang galit ka... relax na! Baka atakehin pa ko bago mo ko maihatid juskuka!"
"Hindi ako umuungol noh?! Pinaglaruan niya lang ako, Sheens! Ako naman naniwala agad. Bwisit kasi tong puso ko, mali-mali naman! Minsan na lang tumibok, sa maling tao pa! Ewan ko ba kung pano nangyari yun! Hulog na hulog ako besh eh! Mabuti na lang talaga at nakapag-isip pa ko ng tama nun at hindi ko pa binigay lahat sa kanya. Kundi siguro pakamatay na lang ako or malamang nabaliw na lang talaga ko."
"Gagu mo! Anong pakamatay?! Kung sipain kaya kita dyan?! Nics, walang ganun ha?! Nakakainis toh! Joke lang kasi yung umuungol! Pero kasi besh umungol ka talaga kanina eh. So hindi pala joke... Ano baaaa?! Hindi na ko makaconcentrate sa chika homaygahd ka! Relax na kasi... Ayoko pang mamatay, Looooord! Nicomaine wag mo ko idamay, syeeeet! Ambilis na ng takbo mo, baka mabangga tayo! Syeeeet talaga, Nics! Wag na nga natin pag-usapan yung pag-ungol mo tsaka si Mr.Sparks. Hindi ko na babanggitin! Promise! Huy beshie, gusto ko pang mabuhay!"
BINABASA MO ANG
Kismet
FanfictionThe Volleyball Player. The Lifeguard. The Conspiracy of the Universe. A few encounters brought them together in Boracay. But what happens next? Let's find out here as we follow Nicki and RJ's journey when the player goes back to Manila while the lif...