The Dilemma

1.1K 104 24
                                    

Hey guys! Kumusta po kayo? May mga nagbabasa pa ba nito? Anyway, gusto ko lang humingi ng pasensya dahil sobrang tagal bago ako nakapagsulat ulit. Medyo madami po kasing nagaganap sa aking buhay sa ngayon. Bukod sa trabaho, I've been in and out of the hospital kaya medyo nahirapan akong magsulat nung mga nakaraan. But I'm back. And hopefully, magtuloy-tuloy na ang maginhawang pakiramdam ko.

Eto na po. Without further ado. Sana magustuhan niyo ang maikling update na ito. Love you guys!

Enjoy reading!😘
**************************************
RJ wakes up early for a start. He smiles as his eyes landed on the balloons he brought to his room last night when he got home. Naalala niya ang mga nangyari nung nagdaang araw. Pumikit siya at nagdasal ng pasasalamat hindi lang dahil sa panibagong umagang binigyan siya ng buhay ng Panginoon, kundi pati na rin sa panibagong simula nila ni Nicki.

One month. One month and he feels like they've been through a lot already. Pero masaya ang puso niya at nag-uumapaw sa ligaya ang kanyang buong pagkatao dahil sa pagmamahal niya kay Nicki. At dahil alam niyang mahal din siya nito. Ang tanging hiling lang niya sa Maykapal, na mas maging matatag pa ang kanilang samahan sa mga darating pang pagsubok.

He rises up as soon as he finished his prayer and turns to his side to check the time. It's almost 6am . He looks at his window and sees that the sun is just beginning to show itself. Hindi man mahaba ang tulog niya dahil ilang ulit siyang nagpaikot-ikot sa kama kagabi kakaisip ng mga nangyari, pero magaan ang feeling niya. Puyat man pero masaya ang kanyang pakiramdam.

He begins to fix his bed with a smile never leaving his pretty face. He is nearly done when his phone starts ringing so he hurriedly picks it up from the bedside table and grins widely with the name that appears on the screen.

"Good morning, Ma!"

"Aba maganda yata ang gising ng binata ko at ang saya ng tono ng boses mo ha?"

"Syempre naman, Ma! Dapat palagi tayong masaya, diba?"

"Agree naman ako dyan, nak! Alam mo naman na yan ang pinakamahalaga para sa akin. Hindi man tayo biniyayaan ng yaman at hindi ko man maibigay ang lahat ng bagay sa inyo magkapatid, ang gusto ko palagi tayong mamuhay ng masaya. Nang walang galit sa puso. Kaya nga gusto ko magkaayos na kayo ng Papa mo diba?"

"Mama, akala ko ba masaya eh bakit nagdadrama kayo? Ayan na naman kayo eh. Wag na natin ipilit, Ma, hindi naman natin siya kailangan. Kita mo nga at makakagraduate na ako ng hindi humihingi ng kahit konting tulong sa kanya oh?"

"Sorry, nak! Hindi ko naman pinipilit eh. Nahihiya lang din kasi ako sayo. Kailangan mo pang magtrabaho dun sa resort ng Tito mo para makatapos eh nag-ooffer naman talaga ang Papa mo na pag-aralin ka. Kayong dalawang magkapatid."

"Mama, ginusto ko ito. Hindi natin siya kailangan. Pag nakapagtapos ako, ako na ang bahala sa inyong dalawa ni Ricci. Maghahanap ako agad ng magandang trabaho para tumigil ka na rin sa pagtitinda ng mga kakanin dyan sa atin. Para hindi ka na mapagod."

"Ikaw talaga napakasweet mo! Pinapaiyak mo si Mama eh! Pero keri ko naman ito, nak! Aba'y sanay naman ako sa ganito. Tsaka sarap na sarap kaya yung mga tiga-rito sa mga kakanin ko. Ubos-ubos palagi eh."

"Kahit na Ma, basta konting tiis na lang. Malapit na maka-graduate ang pinakapogi mong anak. Akong bahala sa inyo!"

"Hay, salamat sa lahat Ricardo! Syempre ikaw ang pinakapogi at si Ricci ang pinakamaganda noh? Sa akin kaya kayong dalawa nagmana!"

"That's right! Sayo lang kami nagmana! Kaya wag na natin pag-usapan yung hindi naman importanteng bagay at tao. Happy lang tayo, Ma!"

"Hay, oo nga naman. Namimiss ka na namin Ricardo! Bilisan mo na dyan at baka matrapik ka pa sa byahe."

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon