chapter 20 - mystery

801 45 22
                                    

"You know, I can't lie to you kuya"

"Good, now tell me—"

"He's my boyfriend"

"What?"

"Listen.. It's just that—"

"Did you just said... Boyfriend? You mean boy?"

"Kuya let me explain..."

"How? When? Where? Why?"

"Tell me, seryoso ka ba jan? Or joke?"

"H-Hindi ka galit?"

"why would I? It's your choice ayoko nang humadlang pa. You're an adult now Snow, hahayaan na kita. Pero once na sasaktan ka ng lalaking yun, punta ka sakin ah? Suggest ka ng revenge sakin, ako bahala"





"Thank you Kuya"

Snow's POV

"Kuya" napamulat ako at agad namang lumabas ang luhang namumuo sa mga mata ko.

Kuya Froze.

Naalala ko sya. Ang kapatid ko.

Pero sino? Sinong boyfriend ang sinasabi ko sa panaginip ko? Anong nangyayari sa panahong yun?

May boyfriend ako?

Nang luminaw ang paningin ko ay biglang bumungad sakin ang likuran ni Rafa— I mean Thunder. Napangisi ako. Hindi ko sasabihing tanga sya dahil sa lahat ng ginagawa nyang pagpapanggap, I think it's kinda good. Marunong syang lumusot sa mga hot seats... I'm impressed.

Pero sana alamin nya rin kung sino ang isang Rafael Hermosa. Kilalang kilala ko si Rafael kahit ilang taon lang kaming magkasama. Hindi typical na tao si Rafael at alam na alam ko ang pagkatao nya.

Thunder's smart pero may isang bagay na tanga sya. Hindi ko alam pero nawawalan sya ng oras na magisip dahil sakanyang pagiging desperate sa isang bagay. Who knows, hindi ko rin alam.

Mahinhin na tao si Rafael sa mga bagay o tao na hindi sya pamilyar. Si Thunder, isang taong positibo at confident sa ano mang bagay sa paligid nya. Hindi ganun si Rafael kaya I find it weird.

Hindi hahayaan ni Raf ang higaan nya pagkagising nya, hindi inaayawan ang pagluluto kahit may sakit man at hindi pa ata yun nakahawak ng rice cooker eh. May pagkaweird din na habit si Rafael na halos kagaya ni Vince. Kung si Vince ay kahit saan uupo, si Rafael naman ay kahit saan matutulog. Pag hindi nya higaan, mas pipiliin nyang matulog sa bubong kesa doon.

Hindi marunong magdrive si Rafael dahil bata palang, pinagbabawalan na sya ng Papa nyang magdrive. Napapansin ko namang may pagkamahina sya sa mga byahe... yung may kunting motion sickness sa sasakyan.

Hmm smart Thunder pero bakit? Bakit sya nakipagpalit kay Rafael? Bakit nya ako tinulungan na puntahan ang mga magulang ko? Pero teka, nasaan ba ako?

Napakurap ako nang bigla nalang syang naghubad ng damit kaya agad akong napabangon. Nagulat naman sya at napalingon agad sakin. Nagkatinginan pa kami bago ko tinakip sa mukha ko ang kumot at namula.

Bakit ba ang hilig ko mamula ngayon? Hindi man nya napansin pero kanina pa ako namumula nang dahil sakanya simula nung nalaman kong hindi sya si Rafael. At hindi ako nagsisinungaling nung sinabi kong nakakaturn on ang isang lalaking marunong magdrive. Okay, ang random nun :<

Hindi ko rin alam eh kingina yung dibdib ko. Dapat hindi ko na to maramdaman eh dahil palagi ko namang makita si Ceijan at mga katropa kong naghuhubad sa harapan ko. Tama, wala lang to.

[✔] BOOK II : The Love CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon