Snow's POV
"Aww hindi na tayo nakaabot sa Ferris Wheel" nakasimangot na sabi ni Thunder habang tininghala ang laki ng Ferris Wheel na nasa harapan namin. Inirapan ko sya habang yakap parin ang napanalunan kong teddy bear.
"So what?" Bulong ko at tumingin-tingin sa paligid. Ang dami paring tao kahit gabi na. Hindi ako nasanay sa ganito.
Kamusta na kaya si Ceijan? Ang pangit kasing isipin na nagsasaya ako dito habang nasa kulungan naman sya, naghihintay sakin na palayain sya. Wait, speaking of...
"Thunder... May tanong lang sana ako. Magtatrabaho parin ba ako bilang PA mo or whatsoever?" Tanong ko at tumingin naman sya sakin.
"P-PA?" Tanong nya at yumuko. Bigla nalang syang tumawa at sinapak ang sarili nya. Ang weird nya ah, nabaliw na ba?
"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.
"Wala! May naalala lang. Well, as for now, you can be my assistant when I started to go to my job" sabi nya kaya kinabahan ako bigla.
"P-Pero— hindi ba yun mahirap?" Tanong ko.
"Bakit naman kita pahihirapan?" Tinaasan ko sya ng kilay, "You're so cute. Of course it's not hard! Okay ganito, you'll stay by my side wherever I go. You'll bring my things and approach me after kong matapos sa kung ano mang etcheterang ipapagawa sakin.... Uhh wait, bakit nga pala topic natin to ngayon?"
"Kasi nagtanong ako?"
"Oh right! Let's not talk about that right now. What if.... Hmmmm" tumingin sya sa paligid na parang may hinahanap syang pupuntahang lugar.
"Thunder... May booth ako na gustong puntahan" sabi ko sakanya.
"Well, everything! Kahit saan, game ako!" Sabi nya kaya napangiti ako.
"Gusto kong pumunta a Horror House! Gabi ngayon kaya nakakatakot! Try natin!" Sigaw ko at hinawakan ang tshirt nya para hilain sya doon.
"W-w-w-wait lang Snow" sabi nya at inayos ang damit nya, "Seryoso ka ba?"
"Oo naman. Sure akong masaya doon! Tara na!" Sabi ko at lumingon sakanya pabalik, "Don't tell me takot ka?" Tanong ko.
"Takot? Takot!? Sa multo? Nage-exist ba yun?"
"Exactly! Kaya tara na" sabi ko at naunang pumila. Sumunod naman sya sakin at sumingit sa likod ko, "Ang daming tao, sure akong masaya to"
"Siguro nga" sabi nya at humawak sa balikat ko.
Seryoso akong gustong gusto kong pumunta dito dahil gusto kong magulat at sumigaw. Trip ko lang naman dahil mukhang masaya yun. Hindi ko akalaing matatakutin pala tong si Thunder. Astig ng dating pero takot sa multo.
"Tayo na" bulong ko kaya mas lalong humigpit ang hawak nya sa balikat ko.
Pinapasok na kami sa loob at dinikit naman nya ang sarili nya sakin. Tumawa ako ng walang tunog. Ang cute nyang matakot.
"A-Ang dilim" bulong nya, "P-Pwede bang flashlight dito?" Tanong nya.
"Anong flash—"
"AAAAAAHHH! SINO YUN!?" nagulat naman ako sa sigaw nya at sa kamay na humawak bigla sa paa ko. Grabe, ang sakit sa tenga ah.
"I think nagsisimula na" bulong ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"I hate the sounds—ang creepy ng tunog" bulong nya pabalik.
"Kasi nga para thrill—"
"MOMMYYYY!!!"
Nagulat ulit ako sa sigaw ni Thunder nang bigla kaming hinulugan ng manika galing sa taas. Imbes na magulat ako dito sa horror house na to, kay Thunder pa ako magugulat. Tangina.
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK II : The Love Collides
عاطفيةsa loob ng limang taon, unti-unting nagbabago ang mga buhay nila. pero ang pagmamahal na nabuo noong nakaraang limang taon ay nanatiling nakatago sa puso nila. magtatagpo parin ba ang pagmamahal na hindi pa naputol? balikan natin ang kwento nila ra...