Thunder's POV
It's already Sunday and bukas concert na. Nandito ulit ako sa dance room para magpractice ng magiging sayaw namin. Imbes na sumayaw ay nakaupo lang ako sa sahig habang tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin.
Biglang bumukas ang pintuan at kasabay nun ang pagpasok ni Bane sa loob. Lumapit sya sakin atsaka tumabi para ibigay ang phone nya. Tiningnan ko ang screen at agad na binawi ito sakanya nang makita ang caller.
"Rafael???"
[Thunder...]
"S-Snow. Snow are you okay?"
Narinig ko naman ang iyak nya sa kabilang linya kaya agad akong naalarma. Hinintay ko syang magsalita.
[N-Natatakot ako]
"Hey... anong nangyayari? Are you really okay?"
[Pupunta ako jan, kahit anong mangyari sasama ka sakin. Ipangako mo Thunder]
"Snow..." napahawak ako sa ulo ko at pumikit. Naguguluhan na ako, ano bang nangyayari? "Yung GPS mo..."
"Hindi pwede. Mahahanap ako ni Ceijan, natatakot ako. Papatayin nya tayo kaya please Thun—"
Biglang namatay ang tawag kaya nataranta ako. Sinubukan kong tawagan ang number pero hindi ko na daw ito macontact pa. Tumayo ako at binigay kay Bane ang phone nya.
Shit, I don't honestly know what to do.
I'm not even certain kung totoo ba yung sinabi ni Snow about sa patayan.
"Thunder, may kailangan ka ba?" tanong ni Bane nang makita nya kong nakatayo parin habang nagiisip.
"I need a tea" sabi ko at agad naman syang tumayo para umalis ng dance room. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si William about sa security ng concert. Kung may mangyayari man sakin this Monday, kailangan ko muna ng safety. I have to be aware simula ngayon.
-
"Ang daming tao!! Kinakabahan ako!" sabi ni Grey habang tumalon-talon pa. Nakaupo naman ako sa couch ng dressing room habang kagat ang mga kuko ko sa daliri. Tiningnan ko ang oras at ilang minuto nalang magsisimula na ang concert ko. Hindi ko pa kayang magpakita sa mga fans ko and I'm still wondering about sa sinabi ni Snow. Kalat na sa buong coliseum ang mga seguridad but I'm still worried.
"Kuya Thunder!!" tawag sakin ng ibang members ng MOVE kaya binigyan ko lang sila ng maliit na ngiti.
"Nasaan si Ate Snow?" tanong ni Calel habang may hawak pang regalo sa kamay. Napakagat naman ako ng labi.
"B-Busy" sagot ko nalang at ramdam ko ang titig ni Grey. He knew about it too but as a happy-go-lucky guy, tinatago nya yung pag-aalala nya sa mga nangyayari.
Rain haven't called me yet. The last time na naguusap kami, he promised na pupunta sya sa concert ko dahil nilagay ko sila sa VIP. Pati narin si Sunny, wala na akong contact..
"May kutob talaga ako eh" bulong ko kay Grey at inakbayan naman nya ako. Hinagod nya ang likod ko at ngumiti sakin.
"Let's just forget about it. Enjoy your concert, minsan lang to" sabi nya kaya tumango nalang ako.
Sana nga kaya kong kalimutan ang bumabagabag sa isip ko.
Sunny's POV
I shouted his name almost alot of times nang magising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. He's a traitor and I regret trusting him. How come I'm that stupid?!
"COWARD LUMABAS KA!" sigaw ko pero alingawngaw ko lang ang tanging naririnig ko dito sa loob ng lugar na to. Sumandal ulit ako sa pader at yumuko.
Ang anak ko, si Rain, si Yvan.... and that fucking traitor. Lahat sila nasa isip ko. I don't know what to do at nabobobo na ako sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Ayoko pang mamatay. Not until I haven't seen Rain yet.
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK II : The Love Collides
Romancesa loob ng limang taon, unti-unting nagbabago ang mga buhay nila. pero ang pagmamahal na nabuo noong nakaraang limang taon ay nanatiling nakatago sa puso nila. magtatagpo parin ba ang pagmamahal na hindi pa naputol? balikan natin ang kwento nila ra...