BABAE AKO

283 31 1
                                    

Babae ako

Minsan hindi ko na alam
Ang gagawin o sasabihin
Pero isa lang ang naisisgurado
Ika'y aking mamahalin
Tanga na kung tanga
Martyr na kung martyr
Eh sa mahal kita. Ano palag nila?
oo. Handa ako
Handa akong magpakabobo
Para lamang sa iyo.
Di ko alam kung bakit di ka makuntento
May mali ba sa aking pagkatao?
Dahil ba di kagandahan ang hugis ng aking mukha?
O sadyang ako ay mataba?
Pero itong panget at mataba na ito
Ay marunong makuntento at magpakatanga sa iyo
Sana isang araw mahalin mo ako
Oo mahalin at hindi lokohin.
Dahil malapit na akong sumuko
Sa paulit ulit mong panggagago
Ang sakit na pilit kong tinatago
Ay aking tinitiis para sayo
Ilang luha pa ba ang ilalabas ko?
Ilang gabi pa ba ang papalipasin ko?
Ilang araw pa ba ang titiisin ko?
Para lang mapansin mo?
O baka naman gusto mo pa akong lumuhod sa harap mo?
Sabihin mo lang at gagawin ko.
Ganun ako katanga sayo.

Pero tandaan mo
Lahat nagbabago
na parang bula na biglang naglalaho
Pati itong pagibig na laan sayo
Nagbago. Naglaho.
Tapos na. Tapos na ang iyong panloloko
Dahil ako'y sumuko
Pero bakit tila ika'y naghahabol?
Kailangan pala na ako'y di na sumunod sunod sayo
Para hanap hanapin mo
Nais mo pa palang ako'y lumayo
Para maibigan mo
Sana sinabi mo.
Sana sinabi mo para nagawa ko noon
Kahit kunwari
Kahit pilit
Para lang mahalin mo
Pero noon na yun
Iba na ako ngayon
Tapos na yung babaeng tanga sayo
Di na ako papaloko
Sa gagong tulad mo
Dahil ubos na ubos na ako
Inubos mo na ako
Lumuhod ka sa harap ko sabay sabing "bumalik ka na. Mahal kita"
Tumulo ang aking luha.
Pero di dahil sa saya o tuwa.
Kundi dahil sa pighati at awa.
Na sana noon mo pa ginawa
Na sana noon mo po binigkas
Noong di pa ako pagod
Noong di pa ako ubos
Pero sambit ko, "pasensya na. Pero di na ako iyo. Pagod na ako"
babae ako.
Di laruan mo.
Babae ako.
Mahal kita noon.
Pero babae ako
Babae lang ako.

Poetries Left Unsaid #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon