Sa tagal na ako'y nawala, nagpahinga
Ako'y naghanap ng kalinga
Ang dating relasyo'y di gumana, di tugma
Unang tanong ay kakayanin pa ba?Ilang linggo lamang ang lumipas
Aamining puso'y rumupok, walang kupas
Sa isang lalaki di aakalaing mayroon ilalabas
Sa lalaking di aakalain na mamahalin nang wagas.Maraming humadlang gaya ng iba
Ngunit naging matatag at kumapit lang sa Kaniya.
Nakilala ang Diyos nang sabay at yun ay ang pinakamasaya.
Sabi ko nga, 'ay eto na'Lumipas ang mga buwan
Away bati, at araw araw na magkatampuhan
Ngunit gabi'y di papalampasin
Na hindi ako napapaamo't nilalambing
Tila kabisadong kabisado ang bawat himbing
Pati sa aking pagtulog, ika'y nakatinginIlang buwan pang nakalipas
Ikaw at ang aking ama'y nagkrus ng landas
Napaamin tayo nang wala sa oras
Pero alam kong plano ito ng nasa itaas.Tuwing uwia'y lagi mo kong pinagluluto
Pinaramdam mo na ako'y prinsesa mo
Pati paghugas ng pinggan ay ginagawa
Bukod pa ang paglilinis na talaga namang tyinatyagaIsang taon na tayo, nakakatuwa
Ngunit parang higit pa sa isang taon ang iyong pag-unawa
Aaminin ko na mahirap akong mahalin
Pero bakit nagagawa mo parin?
Hindi ka sumuko
Kahit ilang beses ako kung tinotoyo
Kahit walang dalaw ay lagi kang inaaway
Sa personal, tawag maski sa chat, mata ko'y tinatarayHindi ako naging perpektong nobya
Ngunit napakapalad ko na ako sayo'y sumasaya
Ang mga problema, pag kasama ka'y naglalaho
Tila may mahika ka at di nagpapataloSalamat, Allan, sa pagkapit mo
Sa mga panahon na sakit ang dinaranas ko
Sa mga araw na lagi akong dismiyado
Sa mga oras na nalulungkot ako
Sa paraan na ito, masasabi ko
Na iba ka sa mga lalaking nakasalamuha ko.Ikaw ang una kahit na hindi.
Unang kumapit nang mahigpit, kahit di ikaw ang naunang kumapit.
Unang yumakap nang mahigpit, kahit pa di ikaw ang una kong higpit.
Unang humalik sa mga noo't pisngi, kahit pa iba ang nauna, nakakangiwi.Kahit pa hindi ikaw ang nauna sa maraming bagay
Pakiramdam ko ikaw naman ang unang nakapagbigay
Ng lahat ng dapat iparamdam habang ginagawa ang mga bagay.
Pakiramdam na hindi mo na nanaisin na ipatangay.Maraming mga paano at kailan sa isipan
Ngunit kapag sinabi ko sayo ay napapawi nang agaran
Marami akong pagkukulang sa relasyon na ito
Pero salamat, Allan, sa pananatili mo.Mahal na Mahal kita.
At ang sunod ng kabanatang ito
Sampung taon pa kung bibilangin ko
Pinapangako ko, ikaw ang nanaisin kong makasama sa harap ng Kaniyang trono.
At sa oras na iyon, hindi na natin iisipin ang mundo
Bagkus, iaalay natin ang lahat sa lumikha nito
Sabay nating sasabihin, "Lord, dahil Sayo, napagtagumpayan namin ito."
BINABASA MO ANG
Poetries Left Unsaid #Wattys2018
PoetryAng librong ito ay patungkol sa mga tula na may kwenta't kwento kaya halina't basahin mo nang mabigyan kaliwanagan ang utak mo na hindi lang basta ito tula kundi istorya na ginawang makahulugan gamit ang mga salitang makabuluhan malalalim ngunit bin...