MAHAL KITA

151 25 0
                                    

Itong tulang ito
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan
Sa kwento ba ng ating unang pagtatagpo
O sa kwento ng ating pag-iibigan?
Naalala ko pa noong una tayong magasaran
Ikaw itong talo dahil ika'y takot sa mga titig ko.
Hindi ko alam kung bakit sa dami nating magkakagrupo
Ikaw itong natipuhan ko
Ginayuma mo nga ba ako?
O nahumaling lang talaga ako sa mga mata mo
Tuwing kinakalaban ang mga titig ko
Pero natakot ako
Natakot ako noon na pag nalaman mo
Na ako'y may gusto sayo
Ako'y iwasan mo
Pero dahil sa isang kaibigan
Na aking pinagsabihan
Nalaman mo ang liham na pagtingin
Ang lihim na kailanman di ko pinagsisihan
Di ko inaasahan
Na pareho pala tayong nagkakagustuhan
Nakakatawa.
Na sa isang pagtitinginan
Nauwi sa pag-gugustuhan
Pero di diyan natatapos ang ating pagiibigan
Dahil umpisa palang yan
wala pa sa kalagitnaan
Noong tayo'y nagkaaminan
At nagkabukingan
Naalala ko pa na tayo noon ay may tampuhan
Nakakaloka ang ating pinagawayan
Dahil lang sa pagaasaran
Na pinipilit kita sa iba
Malay ko ba na ako'y gusto mo na
Di ko aakalain na sa hula ko
Laman pala ako ng kapalaran mo.
Nagulat ako.
Pero aaminin ko masaya ako
Kinikilig pa nga sa tuwing nirereplyan mo.
Lalo na kapag ikaw pa ang nauuna sating convo
At dinagdagan pa ng saya nung 'crush' ang tawag mo.
Kinikilig ako sayo.
Di ko namamalayan na ang kilig na dahil lang sa pagtingin ay lalong lumalim
Di ko napansin na ako'y nahuhulog na
Sana nga'y ako'y iyong saluhin
Dahil di ko alam ang gagawin
Kapag ikaw ay nawala pa sakin
naalala mo pa ba?
Noong nagpaalam ka kung pwede kang manligaw
ang sagot ko pa nga "hindi pa ba?"
Nagtititili sa buong kwarto
Pinipigilan ang ngiti
Ang saya.
Sana nga ay tuloy tuloy na
Hanggang sa dumating ang araw na sinagot na kita.
Ginamit ko pa ang paggawa ng video
Para lang masagot ka
Para lang tuluyang maging akin ka na
At nangako ako
Na sayo lang ako at wala nang iba
Mahal kita.
pero hindi dyan natatapos ang istorya
dahil ito'y gitna palang
Sa haba ng ating pagsasama
Madaming problema ang dumating
Ngunit ito'y nalampasan naman natin
Walang nagbago
Kinikilig parin ako
Lalo na nung naglevel up ang ating tawagan
Mula sa 'crush' naging 'mahal'
Kalain mo nga naman
Di lang pala mobile legends ang naglelevel up
Pati pala endearment
Naalala ko pa nung minsan kong pinagselosan
Ang mga laro mo
Pagpasensyahan mo na ako
naramdaman ko kasi noon na may mas importante pa pala sayo
Pero pinaramdam mo na mas mahalaga ako
Kaya kahit ayaw ko.
Tinigil mo ung paglalaro mo
Mahal ko, salamat sa pagintindi mo.
Pero dumating ang kinakatakutan ko
Nakipaghiwalay ako sayo
Dahil nakita ko ang ex ko
Di ko akalain na ganito ang epekto
Pero iyon ay pinagsisihan ko
At nakakaloka pa nga dahil isang araw lang ata tayo nagkahiwalay
Pero nagkabalikan na.
Nagtuloy tuloy tayo
Masaya lalo na't kasama kita
Pero may dumating na mas malaking problema
Pakiramdam ko lumayo ka na.
Dahil madaming nagsasabi na may pagtingin ka sa kanya.
Dalawang araw bago ang aking kaarawan
Tayo'y nagkahiwalay
Dahil sa hindi ko pagrinig sa mga paliwanag mo
Pasensya mahal kung nagbulagbulagan ako
Pero masisisi mo ba ako?
nasaktan ako.
2 buwan ang nakalipas
Nagkaroon ako ng nobyo
Di ko alam pero baka ito ang maging daan ng paglimot ko sayo
Pero hindi Ikaw parin pala ang laman ng puso't isip ko
Kaya inamin ko sayo na ikaw parin
At nanalangin ako s amga bituin
Na sana pati sa puso mo,
Ako parin
Di ako umasa na mabalik sa dati.
Pero yun parin ang nangyari
Salamat dahil sayo ko nalasap
Ang tamis, saya, at pait
Ng ating pagiibigan
Wala akong pinagsisihan
Tuwing kasama kita
Pakiramdam ko ako'y nasa kalangitan
anghel ba naman ang napusuan
Labing apat na buwan ang ating pagsasamahan
Ating pagiibigan
Na kailanman di ko pagsisisihan
Mahal na mahal kita
Ano man ang ating tawagan
Mapa 'crush' 'mahal' 'baby' o 'kamalahan'
Iisa pa din naman ang taong pinaglalaanan
At tinatawagan ng mga pangalan na yan
Ikaw pa din naman.
Di man ikaw ang una pero
Masasabi kong ikaw ay aking makakasama
Dahil panatag ako
Na ikaw lang at wala ng iba
Mahal na mahal kita.

Poetries Left Unsaid #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon