D5

18 1 0
                                    

Parang nanginginig ang mga binti ko habang papasok kami sa entrance ng resort. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba o uuwi nalang pero nanghihinayang rin ako dahil nakaayos na ako!

I heard party sounds and chatter of different people.

I look so out of place.

Pagkapasok palang namin sa bungad ay nagsitinginan na saakin ang mga tao. Muka akong may birthday na nagpa pool party!

Si Mommy agad ang unang hinanap ng mga mata ko pagpasok na pagpasok ko palang.

"Kuya san si Mom?" Baling ko kay Kuya na nakikipag usap na sa isang balingkinitang babae na morena.

Ang bilis rin ng isang to!

Nagkibit balikat lang siya saakin dahil nga busy siya sa ibang bagay.

Bumusangot lalo ang kanina pang naka busangot kong muka.

Inis akong lumiko para hanapin si Mommy. Im so clueless on where she is right now. Ang alam ko lang ay kasama niya si Aunt Fides, her bestfriend.

Naglakad ako sa gilid ng pool dahil sobrang crowded sa mga cottages at maraming nagsasayawan sa kabilang dako.

Nagmamadali akong maglakad dahil muka akong out of place dito ngunit napahinto ako bigla ng may narinig akong isang malakas na tunog ng pool.

Senyales na may nag dive.

"Ooohh yari ka Sky!" Narinig kong nagbubulungan ang mga tao sa paligid ko.

Napabuntong hininga akong yinuko ang dress kong basa. Nagkalat ang tubig sa tela nito at nakitang may tumutulo-tulo pang tubig sa bandang ilalim.

I even took off my sandals because its also super wet.

"Well, all people should be wet in here right?" Rinig kong sabi nung Sky doon sa lalaking nanggagatong sa kanya. "Because this is a pool party, not a costume party." Nakita ko siyang nilingon ako at humalakhak.

"I just kinda helped her get wet." Dagdag pa niya na nagpakulo lalo sa dugo ko.

Lumingon-lingon ako sa paligid ko at nakitang pinagtitinginan na ako ng mga tao. Some looked at me with pity and some looked at me like there is something funny.

Kinuyom ko ang kamao ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at dumiretso na sa paglalakad para hanapin nalang si Mommy.

Ngunit nang marinig ko ang isang tinig ay napahinto ako.

"Hey. Do you have an extra neck?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nalaglag ang panga ko.

"What?" Litong tanong nung Sky.

"Because Im breaking yours right now." Gulat akong tumakbo palapit kay Kuya Dev ngunit huli na ang lahat nang tumalon siya sa pool para sugurin yung lalaking nambuyo saakin kanina.

"Kuya!" Tinawag ko siya ngunit tila wala siyang narinig at patuloy parin sa paglangoy upang tumungo doon sa lalaki.

"Kuya stop!" Nag aalala kong sigaw. Hindi para kay Kuya kundi para doon sa lalaki. 

Napapikit ako ng mariin ng makita kong hablutin ni kuya ang leeg nung lalaking nagngangalang Sky.

Narinig ko ang tilian sa paligid at pagpapakalma ng ilang kakilala siguro ni Kuya.

"Bro chill.." rinig kong pagtatangkang pigil nung lalaking kausap kanina nung Sky.

"What If I drown you so you can get soaking wet huh?" Nag aalab ang mata ni Kuya habang nakatingin sa lalaki.

Khrea's ArkWhere stories live. Discover now