Sobrang boring ng buong linggo ko. Dahil puro paghahanda lang naman sila para sa Intramurals namin at ang mga teachers ko hindi na nagtuturo dahil marami ring excuse na studiyante para makapag training.
Ang sched kasi ng practice para sa Mr. and Ms. Intramurals ay next next week pa. A week before start ng mismong Intrams.
Pero yung ibang ka kumpetensya ko na g na g manalo, nagpapractice agad sila para sa talent portion.
Susundin ko nalang yung sched na binigay school.
Advance reading nga para sa klase hindi ko magawa, advance practice pa kaya.
"Hoy Kyla i-attendance mo nalang ako sa mga susunod na subj ah!" Sabi ko sa katabi ko dito sa room.
"Huh? Ayoko nga! Baka mahuli pa tayo pag pineke ko yung pirma mo!"
"Sige na emergency lang! Bye!" Narinig ko ang pag tawag niya ngunit dali na kong umalis.
Napa singhap ako sa bagot dahil si Hedge at Crystal ay parehong sporty.
Si Hedge, cheerleader, si Crys naman, swimmer.
Pahirapan pa ang pag takas sa guwardiya sa gate dahil class hours pa at bawal pa magpalabas.
Kaya sa likod ako dumaan at nag over the bakod nalang. Muntikan pang sumabit ang skirt ko kung di lang ako nakatalon agad.
Khrea Thively: where are you?
Chinat ko ang plano kong pagkaabalahan.
Ark Aspire Eltramelbow: Somewhere you can't go.
Napairap ako.
Khrea Thively: where? heaven?
Ark Aspire Eltramelbow: Except from that.
Khrea Thively: boring dito. bring me somewhere.
Ark Aspire Eltramelbow: Do I look like your driver Ms. Alvieva?
That's his last chat at nag offline na. Gusto ko siyang singhalan kaso wala pala akong number niya para tawagan.
I tried to browse his MyDay but saw nothing. I swiped to see some other stories and saw ate Loraine's.
Nasa bar iyon at naka boomerang. Ang caption niya pa, "having fun with the gals."
Naningkit ang mata ko dahil may nahagip siya sa cam.
Napangisi ako. Gotcha Mr. Ark. Kaya pala "somewhere you cant go" dahil nasa bar siya.
Cinontact ko agad si ate Loraine dahil siya ang lagi kong kausap kapag may social gatherings. We're a bit close.
I phoned her to pull some strings.
"Hello ate!" I gladly greeted.
"Oh, Khrea, napatawag ka?" I heard party sounds in her background.
"I just want to ask if I can go to your bar? I just wanna hang out."
"Why? Wala ka ng school?"
"Wala na." I lied.
"Sige. Punta ka lang dito, lalagay nalang kita visitor's list ko. Take care." Nagmamadali ang bigkas niya.
She ended the call. Umuwi agad ako ng bahay para magpalit.
Nagsuot ako ng kulay itim na short dress at ruffled ang strap nito. Nagsuot na rin ako ng mababang heels at nag lip at cheek tint.
I curled the bottom of my hair and tie it.
Pagbaba ko ng hagdan, naabutan ko si mommy sa lamesa at busy sa kanyang laptop.