"Ang tagal mo talaga kumilos kahit kailan!" Singhal ko kay Yoongi. Napakakupad talaga kumilos. Sa bahay ko kasi sila natulog para daw hindi na mag-aantayan pa. Kaso itong si Yoongi, nalate na ngang nagising, ang tagal pa kumilos. Samantalang yung anim nasa van KO na. Oo van ko ang ginamit mga walangya talaga.
"AKO NA NGA! PUMUNTA KA NA DUN. ANG TAGAL TAGAL!" Nakakawala ng poise tong lalaking to.
At ayun nga. Nauna na siya sakin. Dinala ko na yung mga gamit niya. Yung maleta niya at yung backpack niya. Galing di ba?
Nakita naman ako ni Hobi na nahihirapan sa pagbubuhat kaya agad siyang bumaba galing sa van at tinulungan ako.
Bakit ba hindi na lang ako sa kanya nahulog..
"야 바보야! 가자!" (Hey stupid! Let's go!) Aba't gagu-- ako stupid?!
Nakita ko namang mapangisi ng pang-asar si Yoon. Humanda talaga siya Coron mamaya. Baka magdasal siya na umuwi na kami.
...
"HELLO CORON!" Sigaw ko pagkababa ko ng eroplano habang hawak hawak ang sombrero ko dahil sa lakas ng hangin.
"The f?! Ang init! Sana pala di na ko sumama dito!" Sino pa nga ba yun? Edi yung taong magilagid na yun.
Nagtawanan lang kami at naglakad na papunta sa loob ng airport. Hinanap naman namin yung sundo naming mini bus papunta dun sa resort na pagiistayan namin.
Isa-isa na kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkaupong-pagkaupo ko, sumunod agad si Yoon at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Hoy gilags, baka nagkakamali ka ng sinasandalan mo. Alis! Ang daming upuan oh."
Bigla naman siyang nag-angat ng tingin sakin. Ngumisi at niyakap ang braso ko.
"YIEEEEEE" huli na para makapagreact ako.
...
"Ano ba yan! Bat kasi tayo pa yung naging roommates pwede namang si Hobi. Ship ship pa kasing nalalaman eh." Sabi ko habang nag-aayos ng gamit sa loob.
"Arte mo ah! Akala mo ba gusto ko din? Tss.." Walangya talaga to.
Humiga ako sa kama ko at ganun din siya. Tahimik lang kaming dalawa.
Yung katahimikan hindi siya awkward. Tas ang lamig pa dito sa kwarto. Ang sarap matulog~
Papikit na ko ng biglang magsalita si Yoongi.
"Y/n?.."
"Hmm.." Nag hmm ako bilang sagot.
"Pwede bang iwasan na natin mag-away? Nakakasawa na eh. Atsaka ang ganda ng panahon oh? Di natin to maeenjoy lalo na kung isang linggo tayo dito." Mahabang litanya niya.
Hindi ko inexpect lalo na sa kanya na sasabihin niya yun. Napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya sakin.
Nakita ko namang ngumiti siya so I did the same.
"Deal." At lumabas kami sa kwarto namin na may ngiti sa labi.
...
Nakatingin lang silang lahat samin habang nakain dito sa hotel. Kakain daw muna kami bago maggala.
"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?" Tanong ni Yoongi sa kanila.
"Hyung.. Di na kayo nag-aaway?" Tanong ni Jimin
"Atsaka bat kayo tabi?" Tanong ni Jungkook
"Hmm.. Kasi napag-usapan naming magbati na kami at iwasan na naming mag-away para maenjoy tong bakasyon natin?" Sabi ko.