Two

38 1 0
                                    

(Khate's P.O.V)

"Khateeeee!!!" napalingon ako nang tawagin ako nila Cla at John

"Bakit?"

"Hintayin mo naman kami! Bakit ba napaka bilis mong maglakad!? Excited lang pumasok teh?" inis na tanong niya

Inirapan ko siya "Anong oras na kaya!" singhal ko sakanila

Napatingin naman si John sa relo niya "Eh 10 minutes pa bago mag time ah?"

Hinila ko silang dalawa "Sapat na ang 10 minutes para maglakad tayo papuntang school!"

"Okay fine!" sagot ni John tinignan ko lang siya ng masama, napasimangot nalang siya

Nang makarating kami ng school nagyaya yung dalawa sa canteen dahil may bibilin sila may 5 minutes pa naman daw bago mag time, bumili sila ng coke in can ako naman ay bumili lang nang mogu mogu

Pagdating namin sa room marami rami na ding tao pero wala pa si Kevin. The f!? Pakielam mo ba kung wala pa siya, hay nako Khate!

"Guys absent daw si Sir Figueroa pero may iniwan syang seatwork na ngayon ipapasa kay Jenny." pagpapaliwanag ng kaklase kong si Marvin

"Pinagmamadali mo kami kanina wala naman pala tayong teacher!" asar na sabi sakin Clarisse

"Malay ko ba! Hindi ko naman alam na a-absent pala si sir e!"

"Excuse me, kanino daw ipapasa to?" rinig kong tanong ni Kevin kay Margot. Nandito na pala siya hindi ko manlang napansin ang pagdating niya

"Hehe kay Jenny daw, gusto mo ako na mag pasa for you." sagot nito kay Kevin

Napangiti naman si Kevin sakanya "Sige salamat." sabi niya at ibinigay ang papel niya kay Margot masaya namang tumayo si Margot para ipasa yung papel nila kay Jenny.

Marunong palang ngumiti ang isang yun?

Bigla namang nagtama ang tingin namin ni Kevin, nawala naman yung ngiti nya at napalitan ito ng smirk

Ramdam kong nag init yung pisngi ko kaya umiwas agad ako ng tingin sakanya. Bakit ang gwapo niya pag nag smirk!?! Ay shet sinabi ko bang gwapo siya?! ERASE, ERASE!!

Tinuon ko nalang sa sinusulat ko ang atensyon ko hanggang sa matapos ko ito at ipasa sa kaklase kong si Jenny

Nang mag bell hudyat na recess na inaya ko na yung dalawa para kumain kaso hindi pa sila tapos sa ginagawa nila kaya mag isa ko nalang tinahak ang daan papuntang canteen

Bumili lang ako ng spaghetti, burger at coke in can. Gusto ko sana sa room nalang kainin to kaya lang baka mag time na, 4th floor pa kasi ang room namin e meron nalang akong 10minutes para kumain

"Pwede ba akong maki-upo." teka kilala ko yung boses na yun ah. Napalingon agad ako sa gulat

Nakatingin lang siya na tila naghahantay ng sagot mula sa akin

"Ah sure." sabi ko. agad naman syang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko

Tinignan ko sya nang may pagtataka, sa dami ng bakanteng table bat sa akin ka pa talaga naki upo ha!?!

"Bakit?" tanong ni Kevin

"Wala naman." sabi ko at itinuloy ang pagkain ko. Diko nalang siya pinansin hindi naman kami close para makipag kwentuhan ako sa kanya!

Tahimik lang din naman siyang kumakain ng burger at fries niya

"Sorry pala." napatingin ako sakanya nang bigla siyang magsalita

Biktima nang taong Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon