Four

20 0 0
                                    

(Khate's P.O.V)

Pagdating namin sa room ni Kevin dire-diretso lang kaming umupo sa kanya kanya naming upuan, wala kaming teacher nang dumating kami sa room

Agad namang lumapit sakin yung dalawang tukmol "Anong nangyare sayo teh?" tanong ni Clarisse

Sasagutin ko na sana si Clarisse nang biglang sumabat si John "Bakit ngayon ka lang?"

"E kasi-"

"Kung saan saan ka namin hinanap tapos makikita ka lang namin kasama mo si Kevin!" singhal ni John

Bigla naman akong pinalo ni Clarisse sa braso "Kayo ah! San kayo nang galing ni Kevin?" kinikilig na tanong niya

"Oo nga! At bakit kayo magkasama??" takang tanong ni John

"Huminahon nga kayo! Talo niyo pa si Boy Abunda sa dami ng tanong niyo ah!" sigaw ko sakanila

"Sagutin mo kasi mga tanong namin!" sigaw din ni Clarisse

At dahil nga makulit sila kinuwento ko yung nangyari kanina simula nung magkita kami ni Kevin sa grounds at kung pano ko nakilala ang mga kaibigan niya kanina

"OMG!!!! Ginawa niya talaga yuuuun? kinikilig ako para sayo prend!" tili ni Clarisse. Napailing na lang ako sa kabaliwan niya

Mahina naman akong tinulak ni John "Luma love life ka ah!" hirit niya

Binatukan ko sila "Issue kayo!" sabi ko pero patuloy parin nila akong inaasar kay Kevin

Nang tignan ko si Kevin natutulog lang ito sa upuan niya habang may mga babaeng nakapalibot sakanya

Kunot noo kong tinignan yung mga babae, kung makalapit naman sila kay Kevin akala mo close sila!

Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanila baka kasi tuluyan pakong mayamot at mahagis ko sila ng libro dyan!

"Bebe Khate!" tawag sakin nang kakapasok lang ng room na si Carlo kaibigan ni John

"Bakit Bebe ko?" natatawang tanong ko. sanay na kasi akong tinatawag niya ako ng ganyan kaya nakikiride nalang ako sa trip niya

Wala kaming gusto sa isa't isa ah! talagang ganito lang kami, wala kaming ilangan kahit naman kay Clarisse ay ganito rin siya minsan pero naiinis si John kaya natigil din. Marami ngang nagtatanong samin kung kami ba, tinatawanan na nga lang namin yung mga nagtatanong samin nun e

"Ayan na naman kayo, kapag kayo nag katuluyan talaga." asar samin ni John

Tinawanan lang namin yung sinabi ni John at Nag apir pa kami ni Carlo "Ano ka ba hubby hindi ka pa nasanay sa kaadikan nang dalawang yan." sabi ni Clarisse habang naglalagay ito ng lip tint sa labi niya

"San ka galing kanina bebe?" sabi nito at hinila yung upuan niya at pinuwesto ito sa tabi ko

"Galing akong clinic."

Nagtataka niya akong tinignan "Bakit?"

"Natapilok kasi ako kanina." paliwanag ko

"Weh? ang tanga mo naman," sagot niya, binatukan ko nga "ARAY NAMAN!"

Binelatan ko lang siya na ikinatawa nya naman

"Ang sweet nyo, sana lahat." biglang sabi nang kaklase kong si Jabine sa likuran namin kaya napalingon ako. nagkatinginan kami ni Carlo at sabay kaming tumawa ng malakas

Tila naweirduhan naman sya samin "Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?"

Umiling lang ako "Oo meron." sagot naman ni Carlo kunot noo nya kaming tinignan

Biktima nang taong Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon