(Khate's P.O.V)
"Ang sakit nyo sa mata, sa totoo lang." nakapalungbabang sabi ko kila Clarisse at John habang naglalandian silang dalawa sa harap ko.
Nandito kami ngayon sa canteen naghihintay ng flag ceremony, first day kase ng klase. Sa sobrang excited nung dalawang mag jowang pumasok, napa aga tuloy kami ng dating sa school. boset nga e sinali pako sa kaadikan nila. Maaga nila akong binulabog sa bahay namin para sunduin ako, leche lang
Btw ako nga pala si Khatelyn Fajardo, 17 years old kasalukuyang grade 12 student sa St. John Academy.
"Heh! ingget kalang e!" natatawang sabi ni John sakin. inirapan ko lang sya
"HAHAHA bitter kalang e. palibhasa wala kang lovelife, oks lang yan fren." sabi niya at nilagay ang dalawang kamay sa leeg ni John. Putek ang landi grabe! ang PDA talaga ng dalawang to
Hindi ba sila nahihiya sakin? Respeto naman o! may broken dito!!
"Oks lang yan Khate makakahanap ka rin ng bago no! maganda ka naman e maraming lalapit sayo. dont worry! yakang yaka mo yan!" sabi ni Clarisse at kinindatan ako
"Psh! ayoko na muna!" sabi ko at naghikab. Inaantok ako hays
"Why naman fren!?" tanong niya
"Wala." maikling sagot ko
"Huwag mo sabihing hindi ka parin over dun kay Jeric? jusko Khate move on na ha!" inis na sabi niya
"Akala mo ba madali lang gawin yon?" naiinis rin na sabi ko
"Oo naman, madaling gawin yon kung desidido ka talagang kalimutan siya." napairap nalang ako sa sinabi ni John
"Sabi ko naman kase sayo eh lolokohin ka lang nung kumag na yon!" gigil na sabi ni Clarisse. Napatango naman si John sa sinabi ng girlfriend nya.
"Oo na!" asar na sabi ko
"Well anyways ngayon alam mo na ha? wag ka nang magpapaloko ulit sa mga ganong klase ng lalaki. Yung mga pafall!" sabi niya at sinamaan ng tingin si John
Napansin naman ito ni John "Bakit? hindi naman ako ganon ah?" kunot noong tanong niya
"Wala naman akong sinabi na ganon ka ah?" balik tanong ni Clarisse sa jowa niya. HAHA!
"Ang judgemental kasi ng tingin mo eh." sagot niya
Inirapan niya muna si John at itinuon uli sakin ang atensyon niya. Bilis talagang mag bago ng mood nitong loka lokang to! Napakamot nalang sa ulo niya si John, napansin niya rin sigurong nasa moody stage na naman itong girlfriend niya
Magsasalita pa sana uli si Clarisse nang biglang mag ring yung bell hudyat na flag ceremony na kaya agad na kaming tumayo para pumunta na sa quadrangle.
Nakakailang hakbang palang ako nang may biglang may bumungo sakin mula sa likod na muntik ko nang ikatumba mabuti na lamang at nahawakan agad ako ni John sa braso
"Bro, mag ingat ka naman." sabi ni John sa lalaking bumunggo sakin
Napatingin lang siya sakin at agad ring umalis
Napasinghap ako, hindi man lang sya nag sorry?!
"Aba gago yun ah." sabi naman ni John
"My god walang manners! sayang gwapo pa naman siya." angal naman ni Clarisse na ikinataas ng kilay ko
"Hindi enough na gwapo siya! Antipatiko kaya!" gigil na sabi ko
"O chill lang kayo hayaan nyo na." sabi ni John sa amin ni Clarisse at hinila na kami papuntang quadrangle

BINABASA MO ANG
Biktima nang taong Pa-fall
Teen FictionPinakilig Pinasaya Pinakitang mahalaga ka Pinakitang mahal ka Pero ang lahat nang yon pala ay.... pakitang tao lang Dahil hindi mo alam nabiktima ka na pala ng taong PA FALL!!!