Kevin's P.O.V
Mahimbing akong natutulog ng bigla akong maalimpungatan sa tunog ng alarm na galing sa phone ni Peter "Pesteng alarm yan o!" sigaw ko at binato ng unan si Peter. Nakita ko namang nasapul ko siya sa mukha kaya nakangiti akong bumalik sa pagkakatulog ko
"Tangina naman pare natutulog yung tao e! akala nakakatuwa!" sigaw niya
Tinignan ko siya ng masama "Gago panira kasi ng tulog yung alarm mo kanina pa tunog ng tunog nakakaloko yung ringtone!!"
"Kailangan mang bato ng unan??" inis niyang tanong atsyaka inoff yung alarm ng phone niya at bumalik sa pagkakatulog niya
Kaming dalawa lang ni Peter yung tao ngayon dito samin dahil yung apat ay nasa kani kanilang bahay dahil hinahanap sila ng mga magulang nila. May family gathering ata sila
"Dude!" tawag ko kay Peter
"Ano!?!" iritang tanong niya
"Hindi ka ba papasok?"
"Papasok ako."
"Good! pakibigay nalang kay Khate yung assignment namin sa math nandun lang sa desktop salamat." sabi ko at bumalik sa pagkakatulog
"Taena ka talaga!" sagot niya
***
Khate's P.O.V
"Argh!! nasan na ba ang lalaking yon!? bakit wala parin sya!?!" inis kong sabi
Napailing sila Clarisse at John sakin "Relax ka lang gurl darating din yon." sabi ni Clarisse
"Relax!? e malapit nang mag time at si first subj natin ay Math pano ako magrerelax!? na kay Kevin yung assignment namin at hanggang ngayon ay wala pa siya!" iritang sabi ko
"Okay, okay wag ka ngang sumigaw dyan!" nanlalaking matang sabi ni Clarisse
"Khate! may naghahanap sayo sa labas!" sigaw sakin ng kaklase kong si Martin
Tinignan ko siya at binigyan ko nang -sino yun look- he just shrugged his shoulders kaya tumayo nako sa upuan ko at nilabas yung taong naghahanap sakin but it turns out na si Peter lang pala ito
"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya
Napakamot siya ng ulo niya, halatang iritado siya ano kayang problema niya "Pinabibigay ni Kevin hindi kasi siya makakapasok ngayon." sabi niya at inabot sakin yung assignment namin sa Math
Nakahinga naman ako ng maluwag "Salamat." nakangiting sabi ko
"Welcome sige na late nako sa klase ko e." sabi niya
"Sige. salamat ulit" sagot ko tinanguan niya lang ako at umalis na
***
Mag isa akong kumakain ng lunch ngayon dito sa Canteen dahil may pinag kakaabalahan yung dalawa. Si John ay busy sa Banda niya sila kasi yung palaging tumutugtog dito sa school kapag may mga programs na ginaganap at si Clarisse naman ay sa School Publications namin kaya eto ako at solo flight ngayon na kumakain
Nagulat ako nang may biglang may lagay ng tray sa harap ko. Si Kevin lang pala at iritado itong nakatingin sakin. Akala ko ba hindi siya papasok!?
"Bakit nandito ka?" tanong ko sakanya
"Masama bang makishare ng upuan sayo?"
Umiling ako "Ibig kong sabihin di ba hindi ka dapat papasok?"
He shrugged "Boring sa bahay e."
"Woah ano to date? bakit magkasama kayong dalawa dyan?" tanong nang papalapit na mga kaibigan ni Kevin sa table namin. nakalimutan ko na ang mga pangalan nila
Sinamaan niya sila ng tingin "Bakit kayo nandito?" tanong ni Kevin sa mga kaibigan niya
"Ay sorry sorry balak mo bang masolo si Khate? o sige na, sige aalis nalang kami." natatawang sabi nila at dali daling umalis
I give him a puzzled look "Ano yun?" tanong ko
"Alin? hayaan mo na nga yon!" masungit niyang sabi
"Bakit ba ang sungit mo! nagtatanong lang naman ako!"
"Tsk."
Tumahimik nalang ako. nakakainis naman o! okay na e masaya na sana tong araw ko kung hindi lang sumulpot tong asungot na to e
Napansin kong nakatingin siya sakin habang nakapalumbaba pa. Problema niya
Sinamaan ko siya ng tingin "Tinitingin tingin mo dyan?"
Napangiti siya "Cute ka pala no?" mahina lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko parin. Ramdam ko namang uminit ang mga pisngi ko habang siya naman ay tila nagulat sa sinabi niya. He cleared his throat at umupo na siya ng maayos
"Ha? anong sabi mo?" tanong ko baka kasi namali lang ako ng rinig
"Wala! kumain kana nga lang dyan!"
O-kay? what was that?
***
Sabay kaming bumalik ng room ni Kevin at nakita iyon nila Clarisse at John
Nang makaupo na ako biglang nalang lumapit sakin yung dalawa. Napa face palm nalang ako sa dalawang ito. Kung ano ano na naman siguro ang iniisip ng mga to
"Akala ko ba hindi siya papasok?" tanong ni John
"Akala ko rin." kibit balikat ko na sabi
Nginitian naman ako ni Clarisse "Bakit kayo magkasama?"
Tinuktukan ko sila "Kayo kung ano anong iniisip niyo!"
"Aray ko naman!" daing ni Clarisse "Ano nga kasiiii!!!" pamimilit niya
"Wala. ano ba tumigil nga kayo." sagot ko she frown "Walang nangyareng kakaiba sainyo?"
Umiling ako. Wala naman kasing nangyre issue talaga tong dalawanf to e!
"Talaga? e ano yung nakita ko kanina sa canteen? magkaharap kayong kumakain? habang siya nakangiting nakatingin sayo ha?" sabi ng kararating lang na si Carlo
Simaan naman ako ng tingin nila John At Clarisse "Wala palang nangyare ah!" sabay nilang sabi
"Wala lang naman kasi yon." sabi ko
Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya hinanap ko kung sino iyon. Bigla namang dumako ang paningin ko kay Kevin at nagtama ang mga mata namin
Seryoso siyang nakatingin sakin pero agad din niyang iniwas ang tingin niya
Ano kayang nangyayare sakanya? he's really acting weird

BINABASA MO ANG
Biktima nang taong Pa-fall
Teen FictionPinakilig Pinasaya Pinakitang mahalaga ka Pinakitang mahal ka Pero ang lahat nang yon pala ay.... pakitang tao lang Dahil hindi mo alam nabiktima ka na pala ng taong PA FALL!!!