Three

30 0 0
                                    

(Kevin's P.O.V)

"Oy!" tawag sakin ng kaibigan kong si Marcus

"O bakit?" tanong ko dito

Pito kaming magkakaibigan, magkakasama kami sa iisang bahay lumipat kami dito nang mag highschool kami. Magkakaibigan din ang mga magulang namin kaya pumayag sila nung sinabi namin na gusto naming magkaroon ng sariling bahay at kaming pito ang magkakasama

May mga business sa ibang bansa ang mga magulang namin kaya nagagawa namin ang gusto namin dito, badtrip nga lang dahil hindi kami magkakaklase ngayon, hiwa hiwalay kami ng mga section. Pakana siguro ito ng mga magulang namin. Akala siguro nila puro kalokohan na naman ang gagawin namin, Hindi ba pwedeng mag bago?

Na kickout kasi kaming pito sa dati naming school dahil sa katarantaduhan namin, sa galit ni Mama muntik niya na akong pag aralin sa New york buti nalang at napilit ko siyang dumito nalang ako sa pinas, kaya lang dahil sa nangyari pinagaral ang isa samin sa ibang bansa.

"San ka ba galing kahapon? Tumawag si pareng Ric hinahanap ka nga e." sabi niya at kumuha ng cereal sa ref

"May ginawa lang sa school, bakit daw?"

"Uuwi na daw siya sa katapusan e."

Tumango tango ako "Okay yun."

"Onga e, teka bakit hindi ka pa nag aasikaso dyan? Hindi ka ba papasok?" takang tanong niya nang mapansin niyang chill na chill lang akong umiinom nang kape

"Hindi, tinatamad ako."

Napailing siya "Baliw ka talaga hindi kana nagbago. Magsama kayo ni Samuel hanggang ngayon tulog parin." sabi niya

"Wag ka na ring pumasok dude! Maginom nalang tayo sa bar nyo."

"Dimunyu ka! Bad influence!" 

Kinutusan ko siya "Kunware ka gusto mo rin naman!" 

"Lumayo ka sakin!!!"

"Bilis na ang KJ mo tanga." sigaw ko sakanya

"Heh! Wag mokong masali sali sa katamaran mo ah!" 

"HOY ANG AGANG LANDIAN NIYAN AH!" 

Gulat kami ng biglang may sumigaw sa likuran namin

"Langya kayo nagising ako sa ingay nyo!" sigaw ni Samuel. Nagising na pala ang isang to

"Eto kasing si Kevs e BI !" pagsusumbong niya

"Papasok ka ba Sam." Tanong ko dito

Umiling siya "Hindi. May lakad kami ng girlfriend ko e."

"Ayan Kevs sumama ka nalang sakanila tural tinatamad ka rin lang pumasok." pang aasar ni Marcus

"Tsk kailan ako pumayag maging thirdwheel?" inis na tanong ko 

"Ngayon lang!" nakangiting sabi nito 

"Kupal ka talaga." umakyat nako papuntang kwarto ko

 Papasok na lang ako!

***

Pagdating ko sa school ay nagrerecess na sila kaya marami ng tao sa grounds 

"Aray!" napatigil ako sa pag lalakad ng may bahagyang tumulak sakin

Nilingon ko yung babae "Bakit?" tanong ko

"Sorr- Kevin!" si Khate pala

"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya

Umayos sya sa pagkakatayo at tinanggal ang pag kakakapit sakin "Akala ko hindi kana papasok." 

"Nag bago isip ko. sige maiwan na kita." aalis na sana ako nang mapansin kong nakatayo parin si Khate sa likod ko. Ano bang problema ng babaeng to?

Biktima nang taong Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon