Chapter 3

3.5K 45 2
                                    

"SO it's really you," wika ni Zijhan na tila naaliw pa sa reaksyon ni Kace.

Napalunok si Kace nang makita ang kabuuan nito. Kung kaninang malayo ito ay para na itong naglalakad na Greek god mula sa Athens, paano kaya ngayong mas malapit ito sa kanya?

Hindi siya makapagsalita. Holy cow, say something, Kace! Come on, think!

Si Viktoria na ang nagsalita. "Hola, I'm Viktoria Endrinal, and this is my friend, Karmella Celine Del mundo. Kace for short. Nice to finally meet you." Inabot nito ang kamay ni Viktoria.

"Hi Viktoria, nice to meet you." Matapos makipagkilala kay Viktoria ay saka itinuon ang mga mata nito sa kanya. "Hi Kace, I'm Zijhan Martinez. Nice to finally see you again."

"I-I... n-need to go." Iyon lamang ang nasabi niya at saka litong-lito na tumayo palayo sa mga ito. Naririnig niyang tinatawag siya ni Viktoria ngunit hindi niya ito nilingon.

Hindi pa siya masyadong nakakalayo sa mga tao nang marinig niyang muli ang boses ni Zijhan. "Kace, wait!"

Hindi niya ito nilingon. Bagkus ay mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad. Malayo na sila sa mga kasama at medyo secluded na ang lugar na iyon. Naramdaman na lang niya na hinawakan nito ang kanyang braso.

"Let me go." Iyon lang ang nasabi niya nang hinarap niya ang binata.

He did what she asked and raised his hands as if he was conceding to her. "Sorry."

"What do you want? Do you want me to say sorry for kissing you that night?" Siya na ang nagpaunang magsalita. Pakiramdam niya ay gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa. Hiyang-haya na siya. Pero pilit siyang pinapatapang ang sarili, gusto na niyang i-settle ang lahat once and for all.

Zijhan smiled. "You look pretty when you blush," wika nito saka hinaplos ang pisngi niya. "And no, I don't expect you to say sorry."

She felt something unexplainable with the gesture. If it's possible to have butterflies in her stomach, then it perfectly described what she was feeling that time.

"Then what do you want?" kunwaring inis na wika niya.

"Hey, why are you upset? Ako na nga ninakawan ng puri dito, eh." There was a tone of amusement in his voice

Tumikhim siya. "Fine. I'm sorry. I didn't know what got into me that night. I-I..." hindi na niya maapuhap ang gustong sabihin. She felt helpless.

Paano nga ba siya magpapaliwanag? Sasabihin ba niya dito na simula nang una niya itong makita ay may kung anong magnet na sa mata niya na hinihila ang atensyon patungo rito? Can she tell him that he was the most gorgeous man she had ever seen? Na noong mapako ang mga mata niya sa labi nito ay may kung anong puwersa ang nagpapatindi sa pagnanais niyang halikan ito?

Naaliw lamang na nakatingin sa kanya si Zijhan. He seemed to understand her current predicament. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Kace suddenly felt warm inside. It seemed as if her hand belonged to his. Pilit na sinaway ni Kace ang sarili sa mga naiisip.

"It's fine, Kace. I'm sorry if I got you rattled and all. When I saw you kanina, matagal kong inisip kung ikaw ba iyong babae sa bar. Mahirap masabi kasi medyo madilim sa bar. Kaya nag-desisyon na akong lumapit sa inyo ni Viktoria. Your reaction confirmed it.

To tell you honestly, that was the first time I ever experienced that. A woman says 'sorry' then goes on to kiss me. Who does that? I was bummed out that night and the kiss that happened between us made my night really interesting. I was going to follow you pero naunahan na ako ng asar ng mga kabarkada ko. But yeah, it was an interesting night. Thanks to you."

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon