TWO WEEKS AFTER.
Napaungol si Kace sa ingay na nanggagaling sa cellphone niya. Kinapa-kapa niya ito at naunang sinilip ang oras. It's 11:58 PM, Saturday night. Ilang minuto pa lang siyang nakakatulog.
Hindi nakarehistro ang numerong tumatawag sa kanya. She thought maybe it was a phone call from their office. She decided to answer it.
"H-hello?" her voice coarse.
"H-hey Kace, its Zijhan."
Agad siyang napabangon sa gulat nang malaman kung sino ang tumatawag. Hindi niya alam bigla ang gagawin. She was dumbfounded. "H-how did you get my number?"
"Connections. C-can we talk?" wika naman ni Zijhan.
"N-no, I'm sorry I can't. B-bye." Iyon lamang ang nasabi niya saka pinatay ang tawag.
Napahawak si Kace sa dibdib, ibang klase ang pagkabog niyon. Kahit na tinapos na niya ang tawag ay nakaramdam siya ng excitement matapos marinig ang boses nito. Tila may binuhay itong kung anong natutulog na enerhiya sa katawan niya. Ngunit bigla niyang naalala ang atraso sa kanya ng binata.
Inilapag niya muli sa bedside table ang cellphone niya at wala sa sarili na tinitigan iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nagri-ring ulit iyon. The same unknown number was calling her. Patuloy ang pagri-ring ng phone niya ngunit hindi niya pa rin iyon sinasagot. Nang sa wakas ay tumigil ang pagtunog niyon ay siya namang pagtunog ng door bell niya. Bigla siyang kinabahan.
Is that him? What the hell is happening?
Agad niyang tinungo ang pintuan at tumingin sa peephole. Nahigit niya ang paghinga nang makita si Zijhan sa labas.
"Kace? Please open the door."
Hindi siya sumagot.
"I can see your shadow from the other side of the door. Come on, please? Let's talk."
Napabuntong hininga siya. Bakit nga ba ayaw pa niyang kausapin ito? Nagtatampo pa rin ba siya? Teka, bakit ba siya nagtatampo rito? Jowa ba niya ito?
Nang magkita sila sa restaurant ay hindi na halos naalis ang mga mata nila sa isa't-isa. Sa palagay niya ay wala sa kanilang dalawa ang nagkaroon ng lakas ng loob para pag-usapan ang nangyari sa pagitan nila at kung bakit hindi sila nakapag-usap matapos niyon. At isa pa, Zijhan was with a girl, while she was with Vik. Nagpapasalamat na lang siya at tila malalim pa rin ang iniisip ni Vik ng mga panahon na iyon kaya hindi nito napansin si Zijhan at ang kasama nito. Hanggang sa makaalis sila ng restaurant ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap. All they had shared that day were stolen glances at each other.
Hindi rin nawawala sa kanyang isip ang binata. Ipinagtataka niya iyon dahil hindi siya ang tipo ng tao na madaling magkaroon ng interes agad sa isang lalaki. Bakit niya ito hinalikan sa bar? Bakit niya ipinagkaloob ang sarili dito? Bakit hinahanap-hanap niya ito? Bakit nagtatampo siya dito?
Muli niyang sinilip si Zijhan sa peephole. Bigla itong nagsalita. "Please, Kace?"
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Kace tried to act casual kahit na kinakabahan siya. She swore she could hear her heart beating fast. Bakit ba siya hindi kakabahan eh nakaka-anak-ng-putsa ang kagwapuhan nito. Simple lang ang get-up nito. Nakapolo shirt lamang at pantalong itim. Napatingin siya sa dala nito. He brought flowers. She liked the gesture but then again she remembered something.
"I don't do flowers," wika niya nang habang nakatitig lang dito. Kace was one of those odd ones who did not like flowers. Kahit pa may nanliligaw sa kanya noon, hindi niya tinatanggap ang mga dala nitong mga bulaklak. For some weird reason, she felt like it was unnecessary.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me
RomanceThe confused woman looked pretty. Nakalugay ang wavy nitong buhok at nakabukas na nang bahagya ang ikalawang butones ng polo shirt na suot nito, partly exposing her breasts. Medyo maigsi din ang skirt na suot nito at bahagyang nakataas ang isang sid...