Chapter 8

2.9K 38 1
                                    

ALAS onse na ng makarating si Kace sa parking space sa condominium na tinitirhan. Kahit na dis-oras na ng gabi ay hindi siya nakadama ng takot na maglakad roon nang mmag-isa lamang. The parking spaces in their condominium unit are heavily guarded. May sumaludo pa sa kanyang security guard bago siya mag-park ng sasakyan.

She was tired. Late na nang mag-desisyon sila ng kaibigang si Alexis na umuwi. Nagtext ito sa kanya at nagyayang mag-dinner. Inaayos kasi nito ang reunion ng batch nila noong college at gustong makipag-coordinate sa kanya.

Nang makarating sa mismong palapag kung saan naroon ang kanyang condo unit ay nagulat siya nang makita si Zijhan na nakaupo sa labas niyon. From the looks of it, nakatulog na ito. Nakatukod ang ulo nito sa braso na siya namang nakapatong sa tuhod nito.

Kace smiled. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila nawala ang kanyang pagod nang makita si Zijhan. It was as if he can make her darkest room bright just with his presence.

"Hey, Z." bulong niya rito. Tinapik niya rin ito nang marahan na siya namang ikinadilat ng mga mata nito. He looked beat, too.

"Anong oras na?" Zijhan said huskily.

Kace looked at her watch. "It's eleven o'clock. Come inside, you look tired."

Walang sabi-sabi na tumayo ito at saka inantay siyang i-unlock ang condo unit. Nang magawa niya iyon ay dali-dali rin itong pumasok.

What's with him?

Pagpasok niya ay agad naghubad si Zijhan ng polo na suot at saka lang iyon iniitsa sa sofa. Agad din itong nagtanggal ng slacks na suot. He was only wearing his boxers. Seryoso pa rin ang mukha nito. Naninibago si Kace sa inaasal ng binata.

Kadalasan ay nakangiting magtatanong ito sa kanya kung kamusta ang naging araw niya. He would often hug her and ask her if she wanted something to eat. Ngayon naman ay parang wala itong pakialam sa kanya.

"You okay?" tanong niya rito habang inilalapag ang laptop bag niya sa mesa.

"Yeah," tipid na sagot nito.

Inalis ni Kace ang cardigan na suot at isinabit iyon sa isa sa mga upuan sa dining area. "Are you sure? You don't look like you are."

Tumingin ito sa kanya. "I'm fine, okay. How's your date, anyway?"

Date? Ano bang sinasabi nito?

"What the hell are you talking about?" Kunot-noong tanong ni Kace.

Umupo ang binata sa sofa. "Your date with that Alexis guy. How was it?"

"It wasn't a date, Z." mariing sagot ni Kace.

Mukhang hindi naman naniniwala si Zijhan sa sinabi niya. "Looked like it was. You were having wine and laughing with him. Sure looks like a date to me."

Manghang tinignan ni Kace si Zijhan. "You saw us?"

Tumayo si Zijhan at hinarap siya. Tila may pinipigil na inis. "Yes, I was also having dinner with friends within the area 'di ba? I was walking towards parking and I saw you two. You looked like you were really having fun."

Pumamewang si Kace, hindi makapaniwala sa mga naririnig kay Zijhan. "It wasn't a date, Z. You could've joined us para naipakilala kita sa kanya." Naiinis na siya sa inaasal nito. Bakit ba para itong bata kung umasta? Parang tampong-tampo pa sa kanya.

"Yeah, right. Ayaw mo nga magpa-istorbo. I kept on asking where you are and you wouldn't even tell me."

Ha. Teka lang. Is it what Kace thinks it is?

"Are you jealous?" seryosong tanong ni Kace sa binata. Nakita naman niya kung paano nanlaki ang mga mata nito at saka umiwas ng tingin.

"Ha! Ako magseselos? Bakit naman ako magse-selos?" kunwa'y hindi makapaniwalang tanong ni Zijhan sa kanya.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon