Chapter 5

3.1K 37 0
                                    

"LET'S talk."

Nag-angat ng tingin si Zijhan nang marinig kung sino ang nagsalita. It was Mara. After almost three months of absence, naisipan na rin nitong makipag-usap sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa ba o maiinis sa sitwasyon.

"Para saan pa, Mara?" he spoke nonchalantly.

Isinara nito ang pinto ng opisina niya at saka huminga nang malalim, tila pinipilit na kalmahin ang sarili. Nangingilid din ng luha ang mga mata nito. He tried to look back at the report he was reading before she came in. Trying to calm his nerves down.

"I'm so sorry, Z."

Hindi makapaniwala si Zijhan sa narinig. Natawa siya nang mapakla habang napapailing. Mara is saying sorry? Hindi tipikal para kay Mara ang mag-sorry. Palagi nitong ipinaglalaban ang kagustuhan at sa palagian ay pinagbibigyan na lamang niya ang mga kagustuhan nito. Minsan gustong sisihin ni Zijhan ang sarili kung bakit niya masyadong ini-spoil ang dalaga. "Bakit mo ito ginagawa, Mara? All this time I was under the assumption that we're done. I don't see why you're saying sorry after what, almost three months?"

Unti-unting lumapit sa kanya si Mara. He sat still on his chair, looking at her intently. Hindi makatingin sa kanya nang tuwid si Mara.

"I-I don't know where to start... Fred and I... we're done. F-for good."

Gustong matawa nang malakas ni Zijhan – hindi mapaniwalaan ang rebelasyon ni Mara. Nagpatuloy ang dalaga sa pagku-kuwento. "I admit na noong muli siyang magbalik sa Pilipinas ay nagkita kami. For me the intention was to just get closure. So that we can finally move on with our lives. Pero hindi pala ganoon ang pakay niya sa pakikipagkita sa akin.

"When we met, he clearly stated that he wanted me back. Nalula lang daw siya sa bigat ng responsibilidad ng pagkakaroon ng isang long-distance relationship. He was willing to do whatever just so he can get me back. I told him about you. He was shocked to know I was already dating someone. Pinapili niya ako... I did not know what to say. Hindi ko sinagot ang tanong na iyon. He was begging for me to come back to him. Even if I told him "no" a thousand times, he still would not give up. Pero habang patuloy niyang ipinagsisiksikan ang sarili niya ulit sa buhay ko, bigla kong naalala ang mga pinagsamahan namin. Five years, Zijhan, limang taon ng buhay ko siya ang kasama ko. We built dreams together – hahayaan ko na lang ba iyon mapunta sa wala?

But my mind was always telling me I have you now. And that Fred was just a part of my life's history. I love you, you know..." Nakayuko na ito, habang kagat ang mga labi upang pigilan ang sarili sa tuluyang pag-iyak.

"You could've just told me to get gone, Mara." Wika ni Zijhan. "I like honesty in a relationship. Kung gusto mo talagang balikan si Fred, sana sinabi mo na lang." Tila kay dali lang para sa kanya sabihin ang huli niyang sinabi rito ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili at naikuyom niya ang palad sa sobrang galit. Ang ayaw niya sa lahat ay 'yung niloloko siya.

"I don't know what to do, Zijhan. I was confused. I don't want to let you go! Pero sa tuwinang magkasama kami ni Fred ay parang nanunumbalik lahat ng naramdaman ko para sa kanya noon. Hindi ko alam."

Pagak na natawa si Zijhan. Hindi mapaniwalaan ang sinasabi ng babaeng minahal niya. "So now are you saying you want to keep the both of us? Are you just being too selfish, Mara?"

Tila hindi nagustuhan ni Mara ang sinabi niya, ngunit nagpatuloy pa din. "Patapusin mo ako sa gusto kong sabihin. Nang iniwan mo ako noong huli tayong nag-usap, I took time off to think about what I really feel. Lagi at lagi pa ring lumalapit si Fred sa akin. Naisip ko na sa panahong magkalayo tayo ay ikaw talaga ang gusto kong makasama. Only you, Zijhan. Pilit ko iyong sinabi kay Fred ngunit hindi siya naniniwala. The only way I can think of to make him go away is to tell him we're getting married. He wouldn't believe me."

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon