Chapter 1
"Mahal na mahal kita... Hihintayin kita Marco."
Lumapit siya dito at hinalikan niya ito sa labi.
"Hintayin mo ako.."
Umalis na ang lalaki at naiwang mag-isa ang babae.
"Kainis naman tong palabas na to!"
Pinatay ko ang T.V. at tumayo na para mag inat.
Wala man lang movie? Kainis ah! Inabangan ko pa naman sa T.V. yung VBM. Tinext ko si Ciara para yayain nalang na magmall.
Tok*Tok
Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan kung sino man ang nakatok.
"Kakatext ko pa lang sayo nandito kana?"
Pumasok na ito at umupo sa sofa.
"Actually papunta talaga ako dito, may sasabihin kasi ako."
"Ano?"
"Pwede ka naman makipag date diba?"
Ano?!
"Hindi! Pwera nalang kung si Matt yan, kaso diba nasa ibang bansa siya. Syempre kelangan naming mag aral para sa future namin. Alam--
Biglang naputol ang sinasabi ko dahil bigla siyang nagsalita.
"Pero ang pangako niya sayo 3 years lang siya don! 4 years na ngayon pero ano? Wala pa rin! At isa pa wag mo masyadong pangahawakan yung pangako niya sayo, baka masaktan ka lang."
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Totoo naman kasi, sabi niya tatlong taon lang siya don pero hanggang ngayon wala parin. Ni wala ring tawag o text.
"O wag kana malungkot! Kaya nga makipag date kana sa iba."
**
"Uy saan ba tayo pupunta?"
Saan kaya kami pupunta? Bigla nalang ako hinila ni Ciara papunta sa sasakyan niya dahil may pupuntahan daw kami.
"Basta"
Mas binilisan pa nito ang pagmamaneho. Halos liparin na kami.
Maya maya pa ay pinark na nito ang kanyang kotse tapat ng isang maliit na gate.
"Nandito na tayo."
Lumabas na ako ng sasakyan, sinundan ko lang siyang maglakad.
Tumigil kami sa isang green na bahay at kumatok siya sa pinto. Bumukas ito at lumabas ang isang magandang babae.
"Chayyy!! May nahanap ka na ba?"
"Meron."
Biglang tumingin sakin si Ciara.
"Siya ba?"
Lumapit sakin yung babae at tinitigan ako.
"Sana matulungan mo yung kapatid ko."
Ano bang sinasabi niya? Matulungan?
"Pasok kayo."
Papasok na sana si Ciara pero bigla ko siyang hinila.
"Ano bang meron?"
"Ipapaliwanag namin sayo."
Tuluyan na siyang pumasok sa loob. At pumasok na rin ako.
"Eto o, uminom muna kayo."
Naglapag siya ng juice sa lamesa.
"Salamat."