Chapter 5
©zushie
Nandito kami sa ngayon sa taxi, papunta kami ngayon sa bahay nila dahil medyo nabasa na rin kami. Walang nagsasalita saming dalawang. Ang awkward.
"Sorry"Ako na ang unang bumasag ng katahimikan. Napalingon naman siya sakin bigla.
"Para saan?""K-kase d-diba dapat may pupuntahan ka pero b-bumalik ka pa."
Sa totoo lang nahihiya ako sa kanya. Diba dapat pupunta siya kila Mey? Pero pinuntahan niya pa ako, at nagtataka talaga ako bakit mas inuna niya pa akong puntahan. Ang weird.
"Wala yon."Tumingin na uli siya sa bintana. Ako naman, hindi mapakale. Ay ewan!
Kinuha ko ang phone ko na nabasa sa bulsa ko. Aish! Wala pa akong pambili ng bago. Grr. Malas naman.
"Tom sa mall muna tayo."Napalingon ako kay Kobbie dahil bigla siyang nagsalita. Bakit sa mall niya pa ako dadalhin? Tss. Giniginaw na kaya ako!
"Saglit! Baba ako."Napalingon ako sa kanya. Bakit siya bababa? Bumaba na siya ng sasakyan ng walang pasabi. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta, nakatingin siya sa isang babaeng naka pink dress. Mag-isa lang ito at halatang may hinihintay.
"Manong baba rin ako."Bumaba na ako at nagtago muna sa isang tabi. Kinuha niya ang phone at mukhang mat tinawagan, mukhang yung girl nayun ang tinawagan niya dahil prehas na sila ngayong may kausap sa telepono. Pero si Kobbie dun sa babae lang nakatingin, para bang nakaglue na ang mata niya dun.
Hindi ko marinig ang sinabi ni Kobbie dahil medyo malayo rin ako sa pwesto niya. Si girl halatang inis na inis na, inis niyang in-end yung call at binalibang sa bag niya yung phone. Tinignan ko si Kobbie, malungkot siya. Naaawa nanaman ako sa kanya.
"K-kobbie!"Lumingon siya sakin, lumapit naman ako sa kanya.
"Bakit kaba bumaba?"
"Wala."Nauna na siyang maglakad patungo sa kotse. Malungkot talaga siya. Napalingon ako don sa babae at nakatingin siya samin, nang makita niyang napatingin ako sa kanya agad siyang umiwas ng tingin.. Siguro siya si Mey, maganda siya, matangkad at mukhang fashionista.
Sumakay na ako ng kotse, tahimik lang kami habang nasa biyahe.
"Ser pupunta pa ho ba sa mall?"
"Wag na, sa bahay na lang."Buti naman. Gusto ko na ngang umuwi eh kaso mukhang dadaan muna kami sa bahay nila.
------------------
Pinarada na ni Manong ang sasakyan. Isa itong malaking mansyon, halatang mayaman ang mga nakatira dito.
Nagtataka talaga ako, bakit kaya sa apartment lang nakatira si Eenna samatalang may bahay naman sila.
Pagpasok pa lang namin ng malaking pintuan, agad na yumuko ang mga katulong nila at sinabing,
"Magandang hapon Ser, Senyorita."Medyo napatawa ako sa isip ko. Mukha ba akong senyorita sa lagay na to? Daig ko pa nga ang basang sisiw eh.
May biglang humila sakin para umupo sa isang upuan. Pinunasan nila ako ng towel.
"Manang kahit ako nalang po."Pilit kong kinukuha sa kanya ang towel na hawak niya pero ayaw niya itong ibigay.
"Ako na ho, sumusunod lang ho kami sa utos ni Ser."Wala na akong nagawa, tinuloy na niya ang pagpupunas sa akin.
"Manang pwede ho bang maligo?"
"Oo naman, teka. Aayusin lang namin ang pampaligo niyo."Naghintay lang ako ng ilang minuto at maya maya ay pwede na akong maligo.
Ang laki ng banyo! Mas malaki pa to sa kwarto ko ah. Ang sosyal talaga! Pagkatapos ko maligo ay dumiretso ako sa sala. Wala don si Kobbie, nasan kaya yun?
"Hinahanap mo ba si Kobbie?" Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Isa siya sa mga katulong, maliit siya pero maitsura rin naman.
"A-ah o-oo, nasan ba---"
"Girlfriend ka ba niya?!" mataray na sabi nito. Bakit niya ba tinatanong? Chaka ganyan ba siya sa mga bisitang dumadating dito?
"H-hindi, hindi niya ako girlfriend."
"Mabuti kung ganon, akin lang si Kobbie! Ngayong hiwalay na sila ni Mey, sa tingin ko ay may pag-asa na ako sa kanya. Kaya wag ka ng umepal!" bigla itong umalis at nagpunta sa kung saan. Sa totoo lang, para siyang tanga. Hindi naman sa nangmamaliit ako pero si Kobbie at ang isang katulad niya? Hindi ko talaga ma imagine.
"Crae!"Tumingin ako sa sa hagdan kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Eenna.
"Eenna."Bumaba na ito ng hagdan at agad na tumakbo sakin.
"Ano ng balita? Sinundan mo ba siya? Or what? Dali na, magkwento kana."Dapat ko bang ikwento? Na binalikan ako ni Kobbie nung umulan o wag nalang? Baka kasi kung ano pang isipin nito.
"Oo pero biglang umulan kaya hibdi natuloy."A/N:
Walang kwentang chapter! Haha hindi ko nga alam kung may nangyari bang importante sa chapter na ito eh. Bawi bawi nalng nxt time.