Chapter 4

30 2 0
                                    

Chapter 4

©Zushie

Lumapit kami sa higaan ni Eenna, si Eenna naman umupo ng maayos.

"S-sigurado ka?"

Tumango ako.

"P-pero d-diba-- Pano yung Matt?"

Umiwas ako ng tingin. Ayoko ng topic na yan. Pero kelangan kong sagutin.

"Y-yon ba? H-h-hindi ko na siya gusto."

Nagsinungaling ako. Gusto kong kami kami nalang nila Ciara ang may alam don, at masyadong mahabang kwento para ikwento pa kay Eenna.

"Ah ganon ba."

".....Tulungan mo yung kapatid kong mag move on. Tulungan mo siyang makalimutan yung yung pesteng babaeng nanggago sa kanya."

"Pano?"

Tumingin siya sakin

"Ikaw na bahala don I mean sariling paraan mo na yon kung pano mo siya matutulungan. Tsaka I change my mind, kung pwede sana wag mo siyang hayaang mafall sayo, tsk! Baka di ka mafall sa kapatid edi masasaktan nanaman yon tapos magrerebelde nanaman."

Tss. Tama ba tong pinasok ko? Mukhang papahirapan ko lang sarili ko.

"Ahm saan ko siya pwedeng mameet? Syempre kelangan namin maging friends, right?"

Tingin ko mahihirapan din ako maging kaibigan yung lalaking yun! Sa pagkakaalala ko kasi hindi kami magkasundo. At yon ang mahirap.

"Sa tingin ko, sariling paraan mo narin yan kung pano mo siya mamimeet. Halos di ko na nga nakakausap yon eh chaka di yon makikinig sakin."

Psh. Mahirap to! Pero teka, papahirapan niya ako tapos walang kapalit? Di ata pwede yon.

"Crae alam ko na yang nasa isip mo! Anong kapalit ng gagawin mo no?"

Wow! Hindi ko ata alam na may lahing mind reader tong si Ciara ah.

"Wag ka mag alala may kapalit naman yung gagawin mo."

Ano naman kaya yon? Pera? Ih! Kahit mahirap lang kami at inaamin kong kapos rin sa pera pero ayokong yon ang maging kapalit ng gagawin ko.

"Ano?"

Aba! Parang siya ang gagawa. Talaga tong si Ciara, siya pa ang nagtanong.

"Kahit anong hilingin mo Crae, ibibigay ko."

Hala! Edi kahit humingi ako ng house and lot? Good idea.

"...Pero yon ay kung magagawa mong tulungan ang kapatid kong mag move on. "

"Pano kung hindi ko magawa?"

Hala! Ang house and lot ko! Joke. Syempre hindi rin yon ang gusto ko.

"Imposible, kilala ko ang kapatid ko."

Ano ibig niyang sabihin don?

"Ha?"

"Basta"

"Ciara! Tulungan mo naman ako."

Kanina ko pa kinukumbinsi tong Ciara na tulungan ako don sa kapatid ni Eenna pero ayaw niya.

"Ayaw."

Argh! Naasakit na ang ulo ko kakaisip. Pano ko gagawin yon? Eh ni hindi ko alam kung saan nagpupunta yung lalaking yon.

"Okay! Sige sabihin mo nalang sakin kung ano yung pangalan non."

Tumigil siya saglit sa paglalaro sa phone niya.

Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon