Chapter 3
©Zushie
Pagkatapos ng sinabi ko kay Matt, biglang dumating si Ciara. Ewan ko kung pinapanood niya ba talaga kami. Inalalaayan niya ako tumayo dahil hinang hina talaga ang katawan ko. At nagpaalam na si Ciara kay Matt na uuwi na kami, nang maka uwi kami. Wala na akong ibang ginawa kungdi umiyak.
"Crae kain na, dalawang araw ka ng iyak ng iyak. Tapos ayaw mo pa kumain. Gusto mo bang tawagin ko si Matt para siya ang pumilit sayong kumain?"
Agad akong napa upo mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi ni Ciara. Hindi ako nag iinarte o ano, talagang wala lang akong gana.
"Wag! Please wag."
Ngumiti ito ng napakalaki.
"O sige hindi ko tatawagin si Matt basta kakain ka kasabay ko."
Napa irap ako bigla, tss. Ayaw ko lang talagang makita ni Matt na ganito ako kamiserable dahil sa mga nalaman ko.
"Okay fine!"
Biglang tumalon si Ciara sa kama at hinila ang kumot ko.
"Halika na sa baba!"
Tsk. Dapat pala sinabi ko kay Mama na wag munang papasukin tong babaeng to. Grr.
***
"Eto, eto at yun pa. Kainin mo yan lahat."
Napatingin ako sa platong kong punong puno ng mga pagkaing nilalagay ni Ciara. Nilalaro ko lang ito at hindi kinakain.
"Ayoko nang kumain Cia."
Nilapag ko ang hawak kong kutsara at tinidor sa plato ko.
"Anong ayaw mo na? Ni hindi mo pa nga nababawasan eh."
"Ayoko talaga kumain."
Bumuntong hininga ito.
"Sige pero kahit tatlong subo lang. Kumain ka."
Kinuha ko ang kutsara at tinidor ko at nagsimulang kumain.
"Tatlo lang ha?"
Ngumiti si Ciara at tinuloy na muli ang kanyang pag-kain.
----
Nandito kami ngayon sa parlor. Ang mga broken hearted ay nagpapagupit ng buhok, shems! Kasama na pala ako sa samahan ng mga sawi sa pag-ibig.
"Alam mo gurl, ako ang nanghihinayang sa hair mo. 2 years mong hinintay na humaba yan ng ganyan tapos dahil lang kay Matt ipapaputol mo na."
Lumingon ako sa kanya at hinawakan ang buhok kong hanggang bewang.
"Etong mga buhok na to, ang nagpapaalala sakin nung mga panahon na naghihintay pala ako sa wala. Kaya mas mabuti nang ipaputol ko na to, isa pa mukha na akong matanda sa haba ng buhok ko. Medyo dry na rin, panget na."
Tumawa ako ng peke pero seryoso pa rin ang mukha ni Ciara.
"Parehas na kayo nung kapatid ni Eenna, sawi sa pag ibig."
Tumawa ito ng mahina.
"Hair cut po ba?"
Tumango ako sa manggugupit.
"Ano pong gusto niyong gupit?"
"Gusto ko sana hanggang balikat nalang yung buhok ko."
Nagsimula na siyang gupitin ang buhok ko. Sa totoo lang, nanghihinayang rin ako sa buhok. Pero eto first step para maka move on na ako.
.....