Chapter 2

37 2 0
                                    

Chapter 2

©Zushie

"Kamusta na nga pala yung kapatid ni Eenna?"

"Ok naman, nakalabas na siya ng ospital."

Biglang tumingin si Ciara sakin. Nandito ako ngayon sa bahay ni Ciara, niyaya niya kasi ako mag movie marathon.

"Alam mo bang nandito na s-si M-matt sa Pilipinas?"

Bigla akong napabalikwas sa sinabi ni Ciara.

"Nandito na siya?! O my gosh! Tara puntahan natin siya."

hinila ko yung kamay ni Ciara pero bigla niya itong hinila.

"Sira ka na ba? Gabi na oh! Pupuntahan pa natin siya? Bukas na."

Agad akong umupo sa sofa at kumuha ng popcorn. Gustong gusto ko ng makita si Matt! 4years din kaming hindi nagkita kaya sabik na sabik na akong mayakap siya.

"Sige na nga! Pero pupuntahan natin siya bukas ah?"

Kinuha ni Ciara yung unan at binato sakin.

"Oo na!"

Nginitian ko lang siya, at tinuon ko na muli ang atensyon ko sa pinapanood namin. Ngunit hindi talaga mawala sa isip ko na nandito na si Matt! Namiss niya rin kaya ako? Hihi siguro hindi rin ako mawala sa isip niya. Mas lalo akong kinilig sa mga naiisip ko.

"Uy! Inaantok na ako, tulog na tayo."

"Ah s-sige."

Tumayo na ako para mag inat at niligpit na ang mga kalat namin. Medyo inaantok na rin pala ako.

"Cia una na ako sa taas ah."

Tumango lang ito at umakyat na ako sa taas.

Excited na ako para bukas!

---

"Bakit sila lumipat ng bahay Ciara?"

Papunta na kami ngayon ni Ciara sa bahay nila Matt.

At ang sabi ni Ciara may nakapag sabi daw sa kanya na lumipat ng bahay sila Matt. Buti nalang at naitanong ni Ciara kung saan lumipat ng bahay sila Matt, medyo malayo pero okay lang.

"Hindi ko alam, baka ayaw na sa dati nilang bahay?"

"Pero one year palang silang tumira doon, sayang naman yung house."

Huminga ako ng malalim, nanghihinayang ako sa bahay nila Matt dati

"Ano ka ba girl! Sobrang yaman ng pamilya nila Matt, kahit bumili sila ng isang daang bahay, kaya nila. Chaka ibebenta din naman nila yung dati nilang bahay."

Sabagay totoo yan. Teka! Bakit ko ba iniisip ang mga walang kwentang bagay? Tsk. Dapat ang isipin ko makikita ko na si Matt.

"Teka girl! Kung sakaling sabihin ni Matt na may girlftiend na siya, ano gagawin mo?"

Ano nga ba? Hindi ko alam. Kaya sana hindi mangyari yon.

"Hindi ko alam eh."

"Pero girl kung ako sayo, wag ka magagalit kay Matt at dun sa girl kasi mag M.U. lang naman kayo eh. Oo, nangako siya na babalikan ka niya pero hindi ibig sabihin non na hindi siya maiinlove sa iba."

Hindi na ako sumagot pa. Maaring meron na nga siyang girlfriend ngayon pero pwede ring gusto niya parin ako. Pero sana, sana ako pa din ako gusto niya.

Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon