Jianna's POV
Hapon na nang dumating kami dito sa Palawan Village Hotel. Naka pasok na kami sa aming room. Isang room lang kami kahit papano ay kasya kaming lahat. Nagsimula na kami sa pag aayos ng mga gamit habang abala naman si Angel sa pag v-video para sa kanyang vlog.
Nag volunteer si Joy na siya ang magluluto para sa dinner while the others are busy taking selfies. Habang ako ay nakahiga sa aming kama, busy rin. Hindi sa pag se-selfie, kundi busy sa pag s-surf sa internet. Facebook, Twitter, Instagram at ano pa. Always ako active dito, maliban sa pagbabasa, fan girl rin ako. Updated ako sa lahat ng nagyayari sa mga iniidolo ko. Authors sa Wattpad, Nicholas Sparks, Lauren Oliver, at iba pa. Sa dami ng mga iniidolo kong mga Authors? Hindi ko sasabihing hindi ko mabilang pero marami sila. That's why inlove ako sa mga fictional characters na mga kilala ko. Hindi man sila totoo pero sila yung nagparamdam sakin to the point na sana ililipat sila dito sa reyalidad. Sana totoo sila.
"Anna? Halika na, sabay-sabay na tayong kumain." Ani ni Ding. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Lumabas na ako at nagsimula na kaming kumain at pinag-usapan namin yung vlog para bukas.
"By the way, anong oras tayo bukas?" Tanong ni Joy.
"Mas nice siguro kapag aabangan natin yung sunrise, diba? At saka tuloy-tuloy ang ating plano kapag mas maaga tayo. Mas maaga, mas masaya!" Excited na sinabi Charmine. Nagsi-tanguan kaming lahat at pinaplano pa kung saang mga lugar ang pupuntahan namin.
Lumabas muna ako saglit para magpahangin. Dinala ko ang aking cellphone incase na tatawagan nila ako. Tinignan ko ang buong palibot. Pinapalalibutan ang Hotel na ito ng mga kahoy. Umupo ako sa may bench at dinama ang hangin. Aalis na sana ako ng may narining akong umuungol.
Sinundan ko ang boses na iyon hanggang sa nakarating ako sa may sulok. In-on ko yung cellphone ko at in-adjust yung brightness. HOLY! Nagulat ako sa mga nakita ko, nakadagan yung babae sa lalake. Dilat na dilat ang mga mata ko at hahakbang na sana ako pabalik.
"May tao ba diyan?" Boses ng babae.
Di ko namalayan na naapakan ko yung boteng basag. Ang harsh naman ng malas sa akin. Naku naman! Napa-face palm ako at hinay-hinay na naglalakad. Hanggang sa tumakbo ako ng mabilis papunta sa room namin. Pagpasok ko ay tulog na silang lahat.
"Aray..." Nasugatan yung paa ko. Ginamot ko agad para di lumala. Nagligpit ako at pumwesto na sa kama. Buti nalang nagtago ako, baka kasi mamukhaan nila ako. Takot pa naman ako.
Ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi naman ako inosente na di ko malaman kung ano yung ginawa nila. Nababasa ko yan sa mga libro pero kasi first time kong makakita ng ganun. In-off ko yung lamp shade at natulog.
Enjoy reading po! Thank you :))))
