Jianna's POV
"Jia, ano ba?! Lalabhan mo 'tong mga damit o itatapon ko 'to?!" Ani ni Mama.
Umirap lang ako sa kawalan at nagpatuloy sa pagbasa. Oo, mahilig akong magbasa, simula ata noong grade school ako ay nagbabasa na ako ng mga libro. Nagbabasa din ako sa Wattpad, 'di ako hype at di ako nag co-comment, silent reader ako at tahimik ring ina-admire ang mga authors doon.
"Ano?! 'Di ka talaga bababa diyan?! Susunugin ko 'yang mga libro mo kung ganon!"
Lumabas ako ng walang pag-alinlangan at hinarap si mama.
"Mama naman eh! Ito na o lalabhan na. Yung puso, Ma."
Tumawa siya at nagpunta sa kusina para magluto ng almusal. Hindi mayaman, hindi rin mahirap. May kaya naman at nakakakain ng tatlong beses. Normal lang ang buhay namin. May negosyo ang Mama ko at nasa abroad ang Daddy. Dalawa lang kaming magkakapatid. Two years lang ang age gap namin ni John. 18 ako, 16 siya.
April 2018. Napahinga ako ng malalim. Nagsisimula na ang summer at tiyak na dito lang ako sa bahay buong summer. Eh, ano pa nga ba ang bago? Bahay lang naman talaga ako kada sasapit ang summer and as usual, nagbabasa ng mga libro kapag tapos na sa mga gawaing bahay. Believe me or not, minsan lang naman ako naglilinis sa bahay, kapag may gana, kapag di pagod at kapag di tamad.
"Ate, may naghahanap sa'yo,mga kaibigan mo daw!" Sigaw ng kapatid kong mula sa labas ng bahay. Ha? Alas nuebe ng umaga? Ang aga naman nila.
Lumabas ako at iniwan ang mga labahan.
"Ate, paki sabi kay Mama na sasama ako kina Gerald, pupunta sila sa sapa." Tumango ako at lumingon sa mga kaibigan ko. Ano 'to? Groupwork? Tapos na ang klase. -_-
"Oh? Charm? Ding? Drei? Anong ginagawa niyo dito? Pasok kayo." Sabi ko at pinapasok sila sa bahay.
"Andun sina Joy at Angel sa Mall. May binili lang. Pupunta din sila dito." Ani ni Charmine. Sila ang mga bago kong kaibigan at kaklase. Incoming next school year, grade 12 na kami.
"Nandito kami para ipaalam sa'yo na nagbalik na siya." Sabi ni Ding. Agad namang siyang sinapak ni Drei. "Alam mo Ding, panira ka eh." Tumawa si Ding at nag peace sign. Mukha mo! Sino bang tinutukoy ng babaeng 'to? Baliw.
"Nandito kami para di ka mabagot, Mads. Hahahaha!" Itong baklang to, sayang eh, gwapo na sana. Hays, mga tao nga naman ngayon, di mo alam kung babae o lalaki pa ba.
"Okay lang naman ako, Mads. Wait lang tatawagin ko muna si Mama sa kusina. Feel free guys." At pinuntahan ko si Mama at sinabing damihan ang almusal dahil nandyan ang mga kaibigan. Nasa hapag na kami at nagsimulang kumain. Kinakausap ni Mama yung mga kaibigan ko. Tahimik lang akong kumakain. Minsan ay napapatawa dahil sa mga jokes na sinasabi ni Drei.
Tapos na kaming kumain ng dumating sina Joy at Angel. May dala-dalang mga gamit. Wow, saan ang field trip mga te?
"Akala ko ba dito lang tayo sa bahay? Para saan yang mga dala ninyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"First time mo ba tong gagawin, Anna? Alam mo namang vlogger 'tong si Angel. May nag request sa kanya at tayo ang makakasama sa vlog niya ngayon." Si Joy.
"I planned for this and ako ang taya. Sinabihan ko na si Daddy na pupunta tayo sa Palawan. Pinuntahan ka namin dito para makapagpaalam ka sa Mama mo." Angel explained the whole story and I was like-- Wow? Papayagan ba ako? Medyo malayo ang Palawan at okay lang naman sakin pero ang tanong, okay lang ba kay Mama?
Hinanap ko si Mama at nagpaalam ng maayos. Pumayag naman siya at sinabi niyang siya nalang ang magtatapos sa mga damit na nilalabhan ko. Bumalik ako sa sala at nag like sign. Nagsisigawan ang mga kaibigan ko at sinabing mag pe-prepare na daw ako.
Naligo, nagbihis at handa na ang mga dadalhin ko. Tatlong araw kami doon. Naka long sleeves white at naka pants ako. Lumabas na kami at nagpaalam kay Mama. Sakto paglabas namin, nandiyan na yung sasakyan nila Angel.
Well, wala namang masama kung first timer diba? New memories, new experiences! Salamat naman sa mga kaibigan ko at nagyaya. Savior ko na sila dahil kahit alam kong first and last ko to. Well, I'm saved.
Vote and comment po! Thank you! 😘
