Play this music for the beggining of the chapter. Enjoy reading! :)))
Jianna's POV
"Nandito na kami sa Nacpan Beach at sa sobra naming hot ay parang araw yung malalanay. Sa sobrang ganda dito, ipapakuha ko nalang yung bahay ko sa Taytay at manirahan dito. Charot lang. Tara dun tayo guys, magandang spot dun para sa selfies. Let's go!" Si Angel.
Nagsimula na kaming nag vlog kanina pa. Naka shorts akong maong at naka crop top na white, at naka tsinelas. Actually parehas kaming naka shorts lahat ng girls, pero iba-iba yung top namin. Si Angel at Joy naka sleeveless, si Ding at Charmine naka shirt lang habang si Drei naman ay topless at naka shorts lang.
"Ang ganda naman dito. Let's take a group pic first and then next destination." Si Charm. Alam mo yung nakakainis? Yung camera pa yung may ganang mamilit basta may picture lang? Hindi ako mahilig mag picture. Takot ako sa camera. Kung tutuusin, mahilig akong mag take ng pictures sa magagandang tanawin. Iyan lang din ang laman ng gallery ko.
"Jianna! Pwesto na, naka 5 seconds countdown to. Click ko na ha! 1, 2, 3..." Si Drei hinanda ang camera at dali-daling pumwesto sa amin at nag pose. Marami yung shots kaya tinitignan namin.
"Ang ganda ng kuha, bigyan mo kami ng kopya niyan Drei ha." Si Ding.
"Ang ganda mo dito Jianna!" Si Joy na namangha sa group picture namin. Para kasing stolen shot, nakahilig ako kay Drei, nakapikit at nakasmile.
"Baliw 'to. Hindi naman." Deny ko naman.
"Tara na at maglakad tayo papuntang Sunmai Sunset Restaurant. Kakain muna tayo ng lunch tapos deretso tayo sa Shimizu Island." Umuna si Angel naglakad at sumunod ang iba kong kaibigan.
Huminto muna ako at tinignan yung sugat sa ilalin ng paa. Walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko sa nangyari kagabi. Pinalitan ko ng band-aid kasi di na dumidikit yung una. Lalakad na sana ako ng biglang may humigit sa kamay ko.
"Kung hindi ka sana pumunta doon sa sulok. Hindi ka masusugatan." Nagulat ako nang makita ang mukha niya. Siya yung lalaki kagabi. Gwapo, tanned skin, matangkad, matangos ang ilong, yung buhok hanggang balikat.
"Sino ka ba? Bitawan mo nga ako!"Nagpanggap akong hindi siya kilala. Kinakabahan ako. Mabilis akong naglakad patungo sa mga kaibigan ko nang hinigit niya naman ako ulit.
"Aminin mo na kasi na ikaw yun." Mahinahon niyang sabi.
"Oo, ako nga yun! Eh ano naman ngayon? Kasalanan ko bang malakas ang pandinig ko?! May mga room naman, ba't dun pa? Alam mo bang malaswa ang ginawa niyo? Nakakadiri kayo!" Galit kong sabi.
Nabigla siya sa asta ko. Ang pagkabigla ay napalitan ng inis.
"JB! Sino yan? Halika na! Hinahanap na tayo ni Tita Clara." Sigaw ng lalaking nakatayo sa di kalayuan ng pwesto namin. JB ang pangalan niya? Napalingon ako sa lalaki at sa likod niya. Marami sila. Mga kamag-anak niya siguro.
"Hindi ko sasabihin sa iba kung ano yung nakita ko. Quits na tayo, okay. Wala akong atraso sayo kaya bitawan mo na ako." Inunahan ko na siya. Alam kong dun din naman patungo yung usapan.
Binitawan niya ako at tumango siya. Dali-dali siyang pumunta doon sa mga kasama niya. Habang ako ay naglalakad patungong restaurant.
Nagsimula na kaming nag-order. Maya-maya ay isa-isang inihanda yung mga order namin.
"Ayan na yung seafood nila, ang ganda nang presentasyon oh, mala hotel. I like it!" Nagtatawanan kami kasi yung pagsasalita ni Angel ay mala Alex Gonzaga. Gayang gaya niya talaga.
Nag-pray muna kami at nagsimula ng kukain. Kumuha muna ako ng pictures. Pang-instagram. Masaya kaming kumakain at pagkatapos ay nilibot pa yung restaurant.
Lumabas na kami at patungo kami ngayon sa Shimizu. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang biyahe.
"Nandito tayo sa Shimizu Island mga kapamilya, ang linis ng island, kulay asul ang tubig. Bakit Shimizu? Itanong niyo sa may ari ng Island na ito." Si Angel at nagpatuloy sa kanyang vlog.
Pagod akong umupo sa white sand. Nilabas ko yung cellphone, tinabunan ko ng iilang buhangin ang aking mga paa at kinunan ng picture.
'Sun, sea, the sand and me. -cto' caption ko at last post ko sa Instagram.
Tomorrow's gonna be the last. the best thing to do now is to enjoy. Tumayo ako at sa pagtayo ay muntik na akong mapaupo nang nahawakan niya ako sa baywang. Tumingin ako sa kanya.
"Ikaw na naman?!" Nakangisi siyang nakatitig sa akin. Agad ko siyang tinulak. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Ayoko ng ganito.
Play the music for the ending of the chapter. :)))
A.N: Happy talaga ako dahil kahit papano ay may iilan na bumasa sa story ko. Thank you po!