Late up! Enjoy reading. :)
_______Jianna's POV
2 months later
"John, ano ba?! Male-late na ako sa school! Bilisan mo nga diyan!" Sigaw ko sa kapatid kong nasa C.R. pa.
First day of school ngayon, nagmamadali ako dahil baka may klase agad. Alam niyo naman mga teachers ngayon, sobrang strict sa time, ma-late ka lang ng 5 minutes, OSA na ang punta para makakuha ng late slip.
"Maghintay ka nga, Ate Anna!" Sagot niya pabalik.
"Sapakin kita diyan eh!" Nanggigil na ako! Pigilan niyo 'ko!
After few minutes, I'm confidently prepared. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa sala at para kumain. Natapos ko na lahat ng morning routine ko. Time checked 6:50 AM. My classes starts at 7:30 AM.
"Ma, alis na po ako. Tawagan niyo po ako kapag may balita na kay Dada!" Sabay halik sa kanyang pisngi at nagmamadaling lumabas sa gate.
Tumakbo ako ng mabilis. FYI, hindi walking distance yung school namin. Tumatakbo ako palabas sa aming kanto para maabutan yung jeep na nag-aabang. Pumara ako ng jeep.
"Bilisan mo Anna, 10 minutes nalang!" Sabi ng Guard namin sa school pagkatapos chi-neck yung bag ko.
Nakarating na ako sa aming classroom. Wala pang Professor. Wala ring pinagbago ang mga kaklase ko. Block section kami kaya magka-klase pa rin kami hanggang ngayon. Umupo ako sa kung saan ang may vacant.
"Jianna, dito ka. Tabi tayo." Si Andy Lim. Isa rin siya sa mga close friends ko dito sa room. Umupo ako sa tabi niya. Nakaupo kami sa third row, hindi kalayuan sa teacher's table. Gusto ko dito.
"Will our Prof set a seat plan? Sana hindi na." Gusto ko kasing katabi si Andy.
"I hope so. First day of school means, 'introducing yourselves' at may ibang pakulo pa." Napatawa ako sa sabi niya. Kahit na kilala niyo na ang isa't-isa may mga Professor lang talagang mapilit.
The bell rang- it means magsisimula na ang klase. Nilabas ko yung notebook at ballpen. Nagsimula akong mag isip kung anong klaseng tula ang isusulat ko. Oo, nagsusulat ako ng iba't ibang klaseng tula. Sa sobrang lawak ng pag-iisip ko, 'di ko alam kung saan ko inilagay ang utak ko.
"College student?" Lloyd.
"Siya ba yung prof natin? OMG! Ang gwapo!" Sophia.
"He's too young to be our Professor." Juniel.
Bulong-bulungan ng mga kaklase ko. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa. Tinapunan ako ng papel, napalingon ako at sight na sight ko yung mukha ni Drei. Ngumuso siya sa harapan. Bago ako lumingon ay may nagsalita sa harapan.
"Sir Franco Rodriguez told me that I will be the one to handle your attendance today since wala siya. By the way, I am John Brian Gimena, his student and I am 4th year college. Okay, let's attendance, say present if your name is called."
Napalingon ako sa kanya. Obviously, dito siya nag-aaral. Hindi pa rin nag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. The last time we met was in the bar, umiiyak ako noon. And hindi ko akalain na dito pala siya nag-aaral. Nag flashback yung pangyayari 2 months ago.
"B-Brian?" Yumuko ako ulit. Ayokong makita niya yung mukha ko. Piniglas ko yung kamay ko sa kanya at umalis. Tumakbo ako palabas at pumunta sa room namin kung saan kami naka check-in.
I sent my message kina Joy na nandito na ako sa room. Huminga ako ng malalim. Past memories keeps hunting me until now. I don't what's the right thing to do. Back then until now, guilty pa rin ako. Pinipilit ko mang limutin pero sila yung kusang bumabalik. I'm scared to the point that I'm willing to kill my myself instead of suffering.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako. Kinaumagahan ay nakahanda ang lahat ng mga gamit dahil uuwi na kami. I told Andrei to shut his mouth about kay Brian. Siya lang ang may alam ng lahat. I told him the whole story kasi namimilit siyang alamin ang lahat.
My summer vacation went normal. As usual, every day kasambahay routines and every night, watching vlogs or movies. And sa every day and night routines ko ay nakalimutan ko na si Brian. It's not really hard to forget someone, lalo na kapag ilang araw mo lang siyang nakita at nakilala.
"Diaz, Jianna?"
I don't want to cross our paths again. It will be dangerous. Siniko ako ni Andy, at sinabing tinatawag na ang pangalan ko.
"Is she around?" Brian. Inangat niya yung ulo niya.
"Yes, I'm here." Napatingin siya sa akin. Yumuko ako para umiwas sa mga mata niya. Just act normal Anna. Nagpatuloy ako sa pagsulat ng tula. Saktong pagkatapos ng attendance ay nakagawa ako ng isang free verse poem.
"As of today, wala kayong gagawin. Enjoy your first day. See ya around." At lumabas siya sa aming classroom.
Mahinahon akong huminga. Nakalimutan na niya ako panigurado. It's okay for me. No hard feelings. You can not attached to someone na kakilala mo lang. You can not like someone na hindi mo pa sila kilala ng lubusan.
_________________________________________________________
Click niyo yung song sa taas for the ending part. :)))