Chapter 4

9 0 0
                                        

John Brian's POV

"Oo, ako na naman." Nakangisi kong sabi sa kanya.

   Hindi ko akalaing magkikita ulit kami dito sa Shimizu. Siguro nagbabakasyon 'to tulad namin. Akalain mo nga naman? Parehas ata kaming naka book sa lugar dito. Sa room, Necpan beach at dito.

    Sa sobrang lapit namin ay kitang kita ko ang mukha niya. Konting ayos lang, matatawag mo na siyang maganda. Ang ganda ng mga mata niya, matangos ang ilong, mapupulang labi at chubby cheeks. Namumula siya ng tinitigan ko siya.

"Okay, bitawan mo na ako. Tama na yung pagnanasa mo sa akin. Bata pa ako." Sabi niya. Inayos ko siya patayo.

"Wala man lang 'thank you'? Bakit ilang taon ka na pala?" Alam kong bata pa 'to. I think she's a SHS student. Pinulot niya yung cellphone niya.

"Thank you po. Ewan ko sa'yo. Maiwan na kita kasi hahanapin ko pa mga kaibigan ko." Pilisopa niyang sabi sabay lakad palayo sa akin. Hinabol ko siya. Tatanungin ko lang naman kung ano pangalan niya.

"Wait, uhm... A-ano..." Nakataas yung isang kilay niya habang nag aabang sa mga sasabihin ko. Ba't ba ako nauutal? Shit.

"Ano?" Biglang nag ring yung phone niya. Hindi niya sinagot yung tawag.

"Wala. Ba't hindi mo sinagot yung tawag? Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Napa face palm nalang siya. Shit, ang cute niya!

"Jianna, kanina ka pa namin hinanap. Nandito ka lang pala..." Ani ng kaibigan niya at lumingon sa akin. "Sino siya? Magkakakilala kayo?" Dagdag niyang tanong.

"H-hindi ko siya kilala! Tara na Joy."

"W-wait lang! Anong hindi kilala? Edi magpapakilala ako sa inyo." Agad kong sabi. Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Jianna? Nice name.

"John Brian Gimena." Naglahad ako ng kamay.

"Joy, kaibigan niya." At siniko niya si Jianna. Nagulat siya sa inasta ng kainigan at napatingin sa akin. Kumunot ang noo ko na napagtantong nahihiya siya sa mga galaw niya. Mahiyain pala 'to?

"Jianna." Ani niya. Nilingon niya si Joy.

"Tara na, naghihintay na sila doon." Ba't parang mas lalong nairita siya? Una siyang naglakad.

"John, una na kami. Hintay Jianna!" Sabi ni Joy at sinundan si Jianna.

Naiwan ako dito na nakatayo. Bumalik ako sa mga relatives ko. Relatives at college classmates ang mga kasama ko dito. Humiga ako sa isa sa mga bench at napa isip. Bumalik sa akin yung mga ala-alang nangyari kagabi. Hindi ko girlfriend si Ally, ka fling lang. Hindi naman ako yung lumalapit sa kanila, sila yung kusang lumalapit sa akin. Pinagbigyan ko lang kung ano ang kailangan nila, kadalasan sa kanila. Hindi ko sinasabing lahat ng babae, baka issue na naman at kaming mga lalaki pa 'yong pagbintangan.

"Ang lalim ng pag-iisip natin, ah!" Si Justine. 

"Wala, pagod lang." Aalis na ako.

"Pagod dahil sa ginawa niyo ni Al-" Fuck! 

"Sige ituloy mo, Just!" Susuntukin ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo. Tumatawa pa ang gago! Tss.

Nag flashback sa akin yung mukha niya. Sarap iuntog 'tong ulo ko. Hindi ako pumapatol sa mga bata, I mean mas prefer ko pa yung mga ka-age ko. Mukha atang mapapasubok ako dito.

Jianna's POV

"Sa gilid ng mga mata tinitignan kita

Kahit saglit lang matanaw ang iyong mukha

Nakakainis ka kahit walang ginagawa

Para akong natunaw..."

Nandito kami sa Bavaria Club-54 KTV Resto Bar. Last night na namin 'to kaya dito namin napag-usapan na pumunta.

  "Walang makakaalam

Wala naman akong pagsasabihan

Walang dapat mangyare

Pero andito lang ako sa tabi." 

Kapag si Angel talaga ang kakanta, talagang mala-anghel ang boses. Bawal sa amin yung alcholic drinks kasi nga mga minors pa kami nina Charm at Angel pero sina Ding, Drei at Joy ay pwede na. Ang binili namin ay juice at mga junk foods. Silang tatlo naman ay beers. Hindi ko alam kung bakit pwede kaming tatlong pumasok dito. 

Tapos ng kumanta si Angel. 'Someday by Nina' yung nakita kong title sa screen at napagtanto kong ako na pala ang kakanta.

  "Someday you're gonna realize

One day you'll see this through my eyes

But then I won't even be there

I'll be happy somewhere even if I can't..."

"May pinaghuhugutan ang lola niyo mga mads!" Sigaw ni Ding. Tumawa lang ako at nagpatuloy sa pagkanta.

 "Cause, someday someone's gonna love me

The way I wanted you to need me

Someday someone's gonna take your place

One day I'll forget about you

You'll see I won't even miss you

Someday, someday."  

Damang-dama ko ang pagkanta. Habang binabalikan ang mga alaalang kasama siya. Aaminin kong isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Kaya nga ako nagpakalayo-layo. Gusto kong balikan ang nakaraan. Noong mga panahong nakangiti at masaya lang kayo palagi. Kung bibigyan man ako ng isang araw para itama yung mga pagkakamali ko...

"Jianna, ba't ka umiiiyak?"

Shit! Hindi ko namalayan. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi.

"CR lang ako guys." Tumakbo ako patungo doon. 

May nabunggo akong tao, nag 'sorry' ako at aakmang paalis nang hinigit niya ang kamay ko.

"B-Brian?"

---------------------------------------------------------------------------------------

    Author's Note:

     I'm so sorry for the late update and sa mga chapters na pinalitan ko. Actually guys, tinatry ko pang ayusin yung story na ito kasi tulad ng isip ko, magulo rin 'to. May POV na po si JB, I hope na magustuhan niyo. 

Playlists ng Chapter na ito:

Gilid- Moonstar88

Someday-Nina 

Enjoy reading! :)





Basiphobia (Dread Series #1)Where stories live. Discover now