Chapter 4
PretendKinaumagahan ay nag-empake na ako dahil uuwi na ako. Nawalan na ako ng gana na magliwaliw pa dahil sa insidenteng iyon.
“Uuwi ka na?” tanong ni Bry nang makita akong dala-dala ang malaking bag ko.
“Ay hindi. Kararating ko lang.” sarkastiko kong sabi sa kanya. Ewan ko na lang kung bakit pero talagang lumalabas ang pagiging maldita ko minsan.
“Oh! What's with the fierce attitude?” natatawa niyang tugon sa sagot ko.
“Wala. Sige, una na ako sa'yo. Ciao!” I winked at him at nagsimula nang maglakad.
“See you around, Nix. Don't forget our date. It'll be soon.” pahabol niya.
“Tingnan natin.” I whispered.
PAGKAAPAK na pagkaapak ko sa semento ng gate namin, sigaw na agad ni Daddy ang bumungad sa'kin.
“Cassandra! Bakit ngayon ka lang? Bakit wala ka man lang paalam sa akin? I was worried sick!” tss. As if you didn't hire someone to follow me. Di ko nga lang naramdaman kanina at noong isang araw. I wonder how he did it.
“I'm sorry, Dad. I'm tired po. I'm going to rest now.” dire-diretso kong sabi at umalis na ako sa harapan niya.
“Anak naman. Talk to me.” kausap niya sa'kin.
“Talk to your mistress, Dad. She's way better than I am. Mas masaya siya kausap, for sure.” malamig kong tugon.
There! I hit you, again. Galit na galit na ka na naman sa'kin. Magsama kayo ng babae mo!
“How dare you talk to me that way Cassandra! I am still your father!” galit na bulyaw niya sa'kin.
“Really, Dad? Pagkatapos mo akong ipagkasundo sa taong hindi ko naman kilala? Langya naman. Ang tunay na ama, Dad, ay hindi pinipilit ang anak niya na gawin ang bagay na di naman niya gusto! And you even took my Mom away from me! Para sa babae mo! Now, tell me, maliban sa genes at apilyedo, paano mo masasabing anak mo ako? Kasi ako Dad, di ko na alam kung ama parin kita.” I said it without hesitation. Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
“Ano bang gusto mong gawin ko, ha?” sumusukong tanong ni Dad sa'kin.
“Gusto ko? Cancel the marriage you arranged and send me back to my Mom. That's what I want Dad.” sagot ko at nagsimula nang umakyat sa hagdan. May naisip ako kaya bumaling ulit ako sa kanya, “And before I forget, I want your mistress gone, too. She's a devil, Dad. She's pulling you down. Please open your eyes.” at tuluyan na akong umakyat papuntang kwarto ko.
Humiga agad ako sa kama. Hay! Ang hirap talaga ng buhay na meron ako. Sabi nila, mahirap daw ang magkaroon ng hindi buong pamilya, broken family kumbaga. Pero sa karanasan ko, mas mahirap yung ang alam ng lahat, kumpleto kayo at masaya kayo pero ang totoo, sirang-sira talaga ang pamilya n'yo.
I grew up with a good family image. My dad, being the oh-so-perfect-husband, my mom, being the oh-so-understanding-wife and me being the oh-so-blessed-daughter. Pero sa totoong buhay, mom had to pretend to be happy with dad sa harap ng media tuwing may mga interviews sa kompanya namin.
Dad started having affairs when I was still very young. Mom endured everything just to save our family. When I grew up, I realized I was living in a dream. It was all a lie. I had no perfect family. My family was never complete. My dad cheated. We were broken.
To save my mother's face and my family's image, I had to pretend to everyone that we are truly happy. Noon, kahit ang sabihin man lang kay Dad na itigil na ang ginagawa niya kay Mom ay hindi ko magawa pero ngayon na talagang sagad na sa buto ang ginagawa niya sa'kin, di na ako mananahimik pa.
“So how is it to have such a blessed family?” a reporter once asked me.
“It's too overwhelming. Nakakataba ng puso.” kahit ang totoo, nakakabiyak ng puso ang pamilyang mayroon ako.“Mabuti pa si Cassy, ang perfect ng pamilya.”
“Hays, sana ako ka na lang Cass.”
“Kung ako ang may ganyang pamilya, ang saya ko siguro.”
“Sana ganyan din parents ko.”“Bakit ang Mommy mo lang ang nagpunta ng Europe, Cass? Bakit di kayo sumama ng Dad mo?” minsang tanong sa'kin ng kaklase ko noong high school.
“My Dad has an important business here. At ayaw din ni Mommy na mag-absent ako eh.” kahit ang totoo ay nag-away talaga sina Mommy at Daddy dahil nahuli ni Mom si Dad na may kahalikang babae sa office niya. Nagpanggap lang ang babae na kasosyo ni Dad sa negosyo pero ang totoo ay naglampungan lang sila sa loob ng opisina ni Dad.
I never shared anything to my friends. Well, people just fluck over me because I am rich and my family is famous. Hindi naman talaga ako judgemental na tao pero wala talagang naging totoo sa'kin maliban kay Adams. Si Adams na iniwan din ako. Sarap ipalapa sa aso ng g*go! Nagpunta ba naman ng Korea mag-isa. Di man lang ako sinama. Sana mabulunan siya ng chopsticks!
YOU ARE READING
The Flame
RomanceShe was the blame, I was the moth. We were pain for us both But I'm willing to pass through all the pain Because she's the only one who can keep me sane. She's my pain, my heartbreak, my life, my love But she's also the only wish, the only dream...