Hindi na ako kumibo sa narinig ko at isinama na lang silang dalawa papunta sa port kung saan naghihintay ang yate. Chastity keep on talking about how excited she is for this trip and I'm also quite excited not until I heard and saw them talking to her Dad.
I know that's a normal scenario for the family pero ang sakit pala kapag isinampal sa 'yo ang realidad na nakikisawsaw ka lang sa kasiyahan ng iba – na ang tanging magagawa mo lang ay ang samahan sila at maging masaya sa kaonting oras na mayroon ka.
Yes, it's painful but somehow, being with Alivia and her child feeds my fantasies on having a complete family with her.
I smiled bitterly as the idea once again crossed my mind. I tried to ignore it for a few times but it was stuck inside my head; like a broken CD that keeps on repeating the same line.
Isang oras ang inabot ng byahe namin para lang makarating sa port. Nakadaong na doon ang yate at nag-iintay na ang dalawang crew sa pagdating namin.
"Wow!" tili ni Chastity sa loob pa lang ng kotse at dali-daling bumaba. Nagkatinginan kami ni Alivia at nangiti pareho dahil sa inasal ng anak.
Sinundan namin siya sa kanyang pagtakbo papunta sa harap ng yate. Dala ko na ang mga bags nila habang si Alivia ay nagpumilit na siya na ang magdadala ng kanya.
"Grabe... ang laki naman po nito Tito long legs!" sambit niya nang matitigan ang yate na para sa kanya ay malaki dahil bata pa lang siya.
"Mas magugustuhan mo sa loob."
"Pwede na po ba ako pumasok?" tanong niya sa akin at napansin ko ang pagka-excite niya kaya pinayagan ko na. Agad siyang tumakbo papunta sa ramp at inalalayan siya ng mga crew para maayos siyang makasakay doon.
Maglalakad na sana ako nang hagilapin ni Alivia ang kamay ko at pagsiklupin ito. Napako ang tingin ko doon ng ilang segundo bago ko siya tuluyang binalingan.
"Alam mong hindi mo na dapat ginagawa ito Leighton..."
Mapait akong umiling at ngumiti sa kanya. "The people that are important to you are important to me too. Hindi mo kailangan na mangamba pa dahil lang dito. This is the least I can do." Napakagat ako sa aking labi dahil muntik na akong madulas sa mga totoo kong gustong sabihin.
"The least you can do? Why?" tanong niya at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ko siya sinasagot. "Leighton, if you feel that Chastity is your responsibility then–"
"I know, Alivia. I know she's not my responsibility and I know she has a father to do these stuffs for her but can't you just let me? Kahit minsan lang ako naman ang pagbigyan mo."
Hindi ko alam kung bakit lumabas ng kusa ang mga salita sa bibig ko pero hindi ko na sila kayang bawiin pa. I've said what I said and the only thing left to do is to make a good excuse for that.
"I mean... I'm also enjoying this trip dahil babalik na din naman ako sa Manila sa loob ng isang linggo. I think my table is overflowing now with documents that need my approval." Nagkibit ako ng balikat saka nagpilit ng ngiti. "Let's go? Nag-iintay na si Chas..."
Ramdam ko ang paninimbang sa mga titig niya bago siya tuluyang tumango sa akin at nagpatianod na sa paghila ko sa kamay niya para makasakay na.
Nang makatapak kami sa loob ng yate ay kitang kita ko ang pagkamangha ni Alivia sa nakita.
The yacht was designed as a double deck. Sa first deck ay isang malaking sofa para pagpahingahan habang naglalayag; isang malaking table para pagpatungan ng pagkain at inumin; speakers for entertainment and a refrigerator where cold drinks are in. Sa likurang banda ng deck ay ang mini kitchen kung saan nakita namin ang chef na naghahanda na ng kanyang mga lulutuin. The kitchen was covered with a clear glass so we can see what he's cooking while the crews are behind the mini bar preparing some alcoholic drinks if we want to drink some. Sa pinakalikod ay ang kapitan na magpapa-andar ng yate na ito.
YOU ARE READING
Chasing That Holy Feeling
FanfictionA Ricci Rivero fanfic. This is a sequel of "The Mistress of the Game". The story is written in Leighton's point of view.