Tahimik ako sa buong byahe pero ang lahat ng atensyon ko ay nakay Alivia. Dinig ko ang hikbi niya habang nakayupyop sa sulok ng bintana. I know she doesn't want anyone to see her in her most vulnerable and low state but I just can't let her walk around the Metro finding a place for tonight.
Kumuha ako ng ilang piraso ng tissue mula sa dashboard at ibinigay iyon sa kanya. I don't need to say anything because my opinions don't matter at the moment. Mas importante na maging maayos ang pakiramdam niya ngayong gabi.
Hindi ko alam ang pakiramdam na mapagkaitan ng mga gusto kong bagay. Hindi ko alam ang pakiramdam na mapalayas sa bahay na tinutuluyan ko. At mas lalong hindi ko alam ang pakiramdam ng walang wala nang mapuntahan pa. Ang hirap siguro ng pakiramdam na wala kang matakbuhan dahil pakiramdam mo'y ang lahat ng pwedeng takbuhan na tao ay tuluyan ka nang itinaboy at inalis sa kanilang mga buhay.
Tumigil kami sa dalawang building na magkatabi. Hindi pa din nahupa ang ingay ng kalye ng Maynila. Ang mga busina at ang tunog ng mga sasakyan ay nanatili sa kalsada.
Narinig ko ang pag singhap ni Alivia sa gilid ko na siguro'y sinusubukan niya na kalmahin ang sarili niya.
Hindi ko alam kung gaano akong katagal na nakiramdam hanggang sa gumalaw siya sa pagkakaupo niya. Marahan niyang kinuha ang kanyang bag at isinukbit ito.
"Leighton, pasensya na talaga sa abala." Panimula niya na nagpabuntong hininga sa akin.
I thought I'm going to die because of her deafening silence. I like it more when she talks rather than seeing her sit and stay quiet all the time.
"Anytime." I smiled to assure her.
Mahina siyang ngumiti bago inalis ang seatbelt na naka-kabit sa kanya.
Sabay kaming lumabas ng kotse at kasunod na agad namin ang tatlong bodyguards ni Daddy na bitbit na ang kanyang gamit.
Pumasok kami sa lobby ng condo at naghuhumiyaw ito ng sobrang karangyaan. The lobby was filled with expensive kinds of tiles and furniture. The unusual design of the place reminded me of European designs when it comes to their lobbies and hotels.
"Good evening, sir!" bati sa akin ng lalaking receptionist na tinanguan ko.
"I'm Leighton Rivero, son of Ricci Rivero. Tumawag na ba ang daddy ko sa inyo about the unit?" tanong ko na agad tinanguan ng lalaking kaharap ko. Nanatili ang kamay ko sa kamay ni Alivia. Nakatungo siya at ni hindi man lang nag-angat ng tingin.
"Yes sir, it is ready po. However, Mister Rivero said that other appliances shall follow and be delivered tomorrow. You can rest in your penthouse, sir."
Pinasalamatan ko ang receptionist at agad na kinuha ang kamay ni Alivia para sumakay sa lift.
Tahimik siya sa buong panahon na magkasama kami sa loob. Her heavy breathing took me into a different level of pain. I can't even fathom how tired and hurt she is right now.
The familiar ping sound filled the lift, saying that we're on the right floor.
Bumungad sa amin ang malaking hallway na pinupuno ng ilaw na makulimlim. Ang patag na daan na gawa sa marmol ay talaga namang nagpadagdag ng karangyaan ng buong lugar.
Sa bawat paglakad namin ay siyang pagtunog ng takong ng sapatos ko at ang katahimikan ni Alivia ay dumagdag pa sa katahimikan na taglay ng buong lugar.
A large door made of oak wood welcomed us. There's an intrinsic design carved on it. Also, it has the unfamiliar smell of the woods that made it more mysterious to me.

YOU ARE READING
Chasing That Holy Feeling
FanficA Ricci Rivero fanfic. This is a sequel of "The Mistress of the Game". The story is written in Leighton's point of view.