Chapter 1 | Mahigpit ang hawak
Tahimik at payapa ang buong bahay, tanging ang tunog lang ng gitara ang maririnig mong ingay. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang masilayan niya ang babae. Tatlong araw na rin siyang hindi tinigilan ng utak niya.
Maraming tanong at halatang kuryoso sa katauhan ng babae sa ilalim ng araw. Talaga naman na misteryoso ito at nakakahumaling na kilalanin. Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na naging interesado sa babae si Hulyo, madalas ay nagkakainteres sa may mga hilig sa musika at sining.
Dalawang beses niya nang nakita ito sa kanilang lugar. Panigurado ay dito lang din nakatira, gustuhin man ni Hulyo ang magtanong ay hindi niya na lang din sinubukan. Wala rin naman siyang kakilala sa lugar na nilipatan.
Nagkibit-balikat ito at muling kinalikot ang hawak na gitara. After some time, he took his phone and checked his social media accounts, as expected his accounts were bombarded with different messages from netizens.
Bago lumipat ng bahay, Hulyo already reached eight hundred thousand subscribers on his YouTube account. He loves to cover other people's songs and he was known for it.
Binaba nito ang hawak na cellphone at kinalabit ang gitara sa pamilyar na tono ng Binibini. Magsisimula pa lang sana siya na kumanta nang may marinig siyang katok. Ngumuso ito at nagpanggap na walang naririnig, sa pag-iisip na kaibigan niya lang 'yon. Panigurado ay nakaluwas na ng Bulacan.
Matapos ang ilang sandali ay naiirita itong tumayo, ginulo ang buhok at binuksan ang pinto. Hindi kasi matigil sa kakakatok, parang naghahanap ng matataguan.
"Damn you Esperaunce," bulong nito.
Nang binuksan niya ang pinto ay sisinghalan niya pa lang sana ngunit mabilis siyang natigilan. The one who kept on knocking is the same girl he can't stop thinking about. Halatang nagulat din ang babae dahil sa nakaawang nitong labi.
Hulyo's eyes grew bigger when he realized that she's not a hologram or a fabric of his imagination. Mabilis din na nakabawi ang babae at nagsimulang magsalita.
"Good afternoon! Here's a cookie treat for you for having a wonderful day." She said in a low tone na aakalain mo ay nirecord ang kaniyang boses.
"Huh?" Hulyo uttered in shock.
The girl raised her hand showing a basket full of cookies, nang makitang nanahimik si Hulyo ay nilapit niya ito sa mukha kaya natataranta itong kumuha at hilaw na ngumisi.
"Uh, thanks." Aniya.
Tumango ang babae, "Welcome," ani nito sa patay na boses. Tatalikod na sana nang pinigilan siya ni Hulyo.
"W-wait Miss!"
"Bakit?" she asked back.
Ngumisi lang si Hulyo at nagmamadaling pumasok ng bahay para may kuhanin. Nang makita niya ang hinahanap ay mas lalo na lamang 'tong napangiti at tinago ito sa likod bago mayabang na humarap sa babae.
BINABASA MO ANG
Take the Sun with you
General FictionOur universe is composed of amazing galaxies, billions of stars and also Earth. Our home is made of sky to look up and a land for us to stand firmly. According to a survey, there are more than seven billion people in the whole world. Seven billions...