Chapter 6
Kakampi koI want you to know
The world could lie
And everything may die
Still you shouldn't cry
'Cause time may pass
And everything won't last
I'll be by your side
Forever by your side
Forever by your side
So you won't cryMalakas ang hiyawan ng mga tao matapos kumanta ni Hulyo. Dumilat ito, hindi pa rin makapaniwala na hindi na lang ang pamilya at kaibigan ang sumusuporta sa kaniya.
Ngumiti ito, umaasa na maipaabot ang pasasalamat. Ginulo niya ang kaniyang buhok at nahihiyang nagpasalamat bago tuluyan bumaba.
"Thank you for coming today and for cheering, mag-iingat kayo pag-uwi. Maraming salamat ulit!"
Si Hulyo ang pinakahuling guest para sa araw na 'yon, ngumiti ang host nang makasalubong niya itong papanik ng entablado. Nang makababa ay sinalubong siya ng mahinang suntok ni Raunce sa balikat at ngumisi.
"Habang tumatagal, mas lalo kang nakikilala ha?" Saad nito.
Hilaw na ngumiti si Hulyo at napailing na lang, inabot nito ang panyo sa gilid ni Raunce at nagpunas ng pawis. Huminto lang sa ginagawa nang mapansin ang isang babaeng papalapit. Mabagal ang lakad nito nang lumapit kay Hulyo, ang buhok ay maiksi na kulot habang ang mukha naman ay bilugan at ang mga mata ay may kasingkitan.
Nahihiya itong napatingin kay Hulyo at doon lang niya napagtanto na may kasama pa itong isang babae. May katangkaran ito at kumpara sa katabing babae ay nakangiti ito. Inabot niya ang kaniyang kamay kay Hulyo ng walang pag-aalinlangan.
"I'm Aira Fuerto, pinsan ni Joey Fuerto. Kilala mo naman siguro siya hindi ba?"
Napakamot si Hulyo sa kaniyang batok dahil sa biglaan pag sulpot ng dalawa, hindi inaasahan ang biglaang interaksiyon. Maliit itong ngumisi at sa huli ay tinanggap nito ang kamay ng babae.
"Hulyo, Hulyo Castilleja. Yeah, I've heard about her," mainam na sagot nito at bumaling sa babaeng tinutukoy. "You have a nice voice," aniya.
Mabilis na pinamulahan ng mukha si Joey nang tinignan siya ni Hulyo. Nanginginig niyang hinila ang pinsan ngunit hindi ito nagpatinag at kay Raunce naman bumaling.
"Hi, you must be Raunce!" Aniya.
Tumango si Raunce at pilit na ngumiti, halatang nagmamadali dahil sa kakatingin sa orasan. Sandaling tumingin si Raunce kay Joey, tila ba nagtataka sa nangyayari. Doon lamang yata natauhan ang babae at nagmamadaling hinatak palayo ang pinsan. Narinig pa nila ang pagrereklamo ni Aira kay Joey ngunit hindi na lang binigyan pansin.
Nang tuluyan na silang makaalis ay siya naman pagdating ng isa pang lalaki na nagpagulo sa lahat ng tao na naroon.
Pormal ang pananamit nito at iba ang tindig, halos lahat ay tumitigil para lamang panoorin ang pagdating nito. May katandaan na ngunit bakas pa rin ang kakigisan, malinis ang ayos ng buhok at maamo ang mukha. Patagong siniko ni Esperaunce ang kaibigan dahil sa pagkakabigla.
"Hulyo... 'di ba si Josephio Reyes 'yung dumaan?" Gulat na ani ni Raunce.
Ang tanging nagawa na lamang ni Hulyo ay ang tumango dahil miske siya ay hindi inasahan ang nangyayari.
Josephio Reyes is the known soloist who conquered the whole Philippines with his vocals and composition, hanggang sa pagtanda ay dala pa rin nito ang musika. Siya rin ang nagsisilbing ama ng 'Haraya', kung saan marami nang sumubok ang makapasok ngunit konti lang ang pinalad. Nakilala sa iba't ibang palahok ang miyembro ng Haraya, kadalasan ay sumasabak pa sa ibang bansa dahil sa angkin talento.
BINABASA MO ANG
Take the Sun with you
Fiksi UmumOur universe is composed of amazing galaxies, billions of stars and also Earth. Our home is made of sky to look up and a land for us to stand firmly. According to a survey, there are more than seven billion people in the whole world. Seven billions...