Chapter 7

42 3 0
                                    

Chapter 7
Ang kalawakan

Mabilis na umusbong ang ngiti sa labi ni Maximo nang sabihin ng kaniyang kapatid ang surpresa at dala nitong bisita na sina Raunce at Hulyo. Walang pagdadalawang-isip itong tumakbo at lumapit sa dalawa, niyakap ang binti ni Raunce kaya natigilan. He doesn't know what to react since he's not fond of kids. Samantalang ngumisi lang si Hulyo habang nakikita ang kaibigan na nahihirapan.

He noticed Esperaunce's awkwardness, he slightly tap his shoulder and whispered.

"Dude, there's nothing wrong with trying."

Hindi naman nakaimik kaagad ang lalaki dahil napansin nito ang titig ni Maxi. Esperaunce tried smiling but Maxi shyly ignore him.

Hulyo glance all over the place and noticed how simple the event. It's designed for a small gathering, intimate and comfortable. Napansin din nito ang mga batang naglilikutan at hindi magkanda-mayaw sa pagsilip sa mga handang pagkain. Mga bihis na bihis at may suot na party hat, may ilan pang may lobo na nakatali sa pulso.

Umupo ito sa maliit na upuan at tinignan na lamang si Raunce na nahihirapan makisalamuha sa mga bata. Either way, he thought that this is a good opportunity for Esperaunce to try again. Sobrang halata ang pagiging kabado at balisa ni Raunce dahil hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang mga mata.

Nahagip ng tingin ni Hulyo si Maxi hindi kalayuan, tahimik ito at parang bilib na bilib habang pinapanood ang kaibigang lalaki na pilit nakikisalamuha sa mga bata. Magaan ang mga mata at hindi mapigilan ang ngiti. 

Nang dumating ang magulang ni Maxi ay ito ang naging hudyat nang simula ng simpleng selebrasyon. Mabait at parehas na mukhang bata ang magulang ni Maxi, natutuwa at nagulat pa nga nang malaman na may imbitadong kaibigan si Maxi. Kung pagmamasdan, mas nakuha ni Maxi ang mukha ng kaniyang ama habang si Maximo naman ay sa kaniyang ina.

Tumabi si Esperaunce kay Hulyo at parang mga bata na nabibilib din sa magician na nagpapakitang gilas. Dumating si Maxi at nakangusong tumitingin sa relos, sumulyap ito sa pintuan na sinundan ng tingin ni Hulyo.

"You okay?" he asked, Maxi just smiled.

"Okay now kids! Gusto niyo bang makita kung paano magkaroon ng mga rabbit dito sa loob ng kahon?" Tanong ng magician na mabilis tinanguan ng mga bata.

"S'yempre, tatawag tayo ng tutulong sa atin!" Ani nito at hindi nag-atubiling lapitan si Esperaunce.

"Halika dito, kuya! Anong pangalan mo?"

Gulat at hindi mapakali si Raunce ngunit wala na siyang nagawa nang hinigit na siya ng lalaki doon. Little girls squealed while Maximo clapped hard. Nahihiyang kumamot sa batok si Esperaunce, at naggawad ng maliit na ngiti kay Maximo.

Mas lalo pang napuno ng kasiyahan ang tahanan ng Suarez habang pinapanood kung paano sundin ni Raunce ang bawat utos ng magician. Seryoso ito at mukhang desidido na maipalabas ang rabbit sa loob ng kahon. They all laughed in unison when Raunce managed to get something from the box but instead of a rabbit, he got a carrot.

Habang nagtatawanan ay dahan-dahan pumasok ang kanina pang inaantay na bisita sa loob ng bahay. Nakasuot ito ng kulay mustasa na damit habang hapit sa katawan nito ang itim na pantalon, ang buhok nito ay nakalugay at sabog katulad nang nakagawian. Mukha na sana itong normal kung hindi lang dahil sa paa nitong walang suot na sapatos o kahit man lang tsinelas.

Tahimik itong pumasok at pinagmasdan ang buong paligid, maliit lamang itong ngumisi sa nasaksihan. Umangat ang labi nito nang makita ang pamilyar na mukha ni Hulyo, nakatayo ito sa gilid ng lamesa at tumatawa. Ganoon na lamang din ang pagtataka ni Mercedes nang makilala niya ang lalaking nasa harapan. 

Take the Sun with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon