Part 2

4.3K 214 14
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ako at Si Prinsipe Yago

Book 2

AiTenshi

April 18, 2018

Part 2

"Araw ng linggo ngayon bakit hindi mo dalhin si Lucio sa plaza? Manood kayo ng mga palabas at mamili ng mga laruan. Matagal tagal na rin hindi nakakalibot ang bata doon." ang wika ni Beth habang abala ito sa pag hahanda ng pag kain.

"Masyadong matagal ang byahe patungo doon. At isa pa ay masyadong matao ang lugar na iyon dahil ang mga taga palasyo ay doon rin dumadayo para malibang." ang tugon ko naman.

"Kung sabagay nabalitaan ko na ang lupaing kinatitirikan ng plazang iyon ay pag aari pala ng kahariang Hokunya. Mabuti nalang at hindi sila pinag babayad ng buwis nina Prinsipe Yago at ng hari. Balita ko ay madalas rin doon ang prinsipe kasama ang kanyang anak."

"Nakalilibang kasi talaga ang circus at ibang palabas doon. Marahil ay pinag huhusayan nila ang pag eensayo upang hindi mapahiya sa kanilang espesyal na panauhin." tugon ko bagamat ang totoo noon ay ayoko nalang talagang mag tungo doon dahil umiiwas na ako kay Yago. Doon rin kasi kami muling nag kita makalipas ang ilang taong pag hihiwalay.

FLASH BACK

Ilang minuto rin akong nakaupo sa gilid ng kalsada hanggang sa mapadako ang aking paningin sa palasyo kung saan ako dating nakatira. Kitang kita ito mula rito sa aking kinalalagyan bagamat may kalayuan ay wala pa ring pinag bago ito. Muling nag balik sa aking ala ala ang unang beses na tumuntong ako sa lugar na iyon, para akong isang inosenteng bata na salat sa bagay bagay sa aking paligid. Muli ko ring sinariwa ang masasayang araw namin ni Yago na mag kasama. Bagamat nalimot ko na ang mukha nito ngunit ang pakiramdam ay ganoon pa rin. Kung sabagay 20 anyos pa lamang ako noon at labing walong taon na rin ang lumilipas. Marahil ay hindi narin nila ako naalala pa. Pero ayos lang, ang mga ala alang iyon ay nakaukit na sa aking puso at isipan.

"Anak halika na. Uuwi na tayo" ang sabi ko sabay buhat sa aking anak na si Yago at tinahak namin ang daan palabas ng tarangkahan nang hindi ko inaasahan na makita si Yago doon dala rin ang kanyang anak na lalaki at labis ko itong kinabigla. Bumilis ang tibok ng aking puso at tila huminto ang oras lalo na noong nakatingin ito sa akin at parang nangungusap. Walang nag bago sa itsura nito bagamat alam kong nasa 38 anyos na rin ito. Dati pa rin ang kanyang mukha na parang hindi tumatanda. At ang hubog ng kanyang katawan na mas lalo lang hinulma sa perpektong pag kakalilok sa pag lipas ng panahon.

Ako at si Prinsipe Yago BOOK 2 (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon