PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
AiTenshi
April 22, 2018
Part 5
"Biruin mo hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na naka inuman natin si Prinsipe Yago. Hanep! Dugong bughaw iyon pero abot kamay natin noong gabing iyon. Siguro ay senyales iyan na mas magiging maswerte pa ang ating lupain sa mga susunod buwan at taon." masayang wika ni Kenny habang abala kami sa pag iikot sa bukirin.
Natawa ako "ang swerte ay wala sa kahit kaninong nilalang sa mundo. Ito ay nasa pag sisikap natin. Kung maalalagaan nating mabuti ang ating mga pananim ay tiyak na muli tayong aani ng maganda."
"Nag tataka lang ako pare, bakit parang matagal na kayong mag kakilala ni Prinsipe Yago?"
"Siguro ay lasing lang ako noong gabing iyon kaya hindi ko na napigilan ang aking dila na maging masungit sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay pinaplastic lamang niya tayo. Alam nyo naman ang mga dugong bughaw."
"Hindi naman siguro pare. Pero sayang hano, hindi man lang siya nag iwan ng kaunting kayaman sa atin." natatawang biro ni Kenny.
"Tado."
Tawanan..
Habang nasa ganoong posisyon kami ng aking kaibigan ay may napataan kaming apat na lalaki na nag lalakad rin sa bukid. At ang nakakabigla ay napansin naming tinatapakan nila ang aming mga pananim kaya naman agad kaming tumakbo upang suwayin ang mga ito. "Anong ginagawa ninyo?" sigaw ni Kenny
Noong maka lapit kami sa mga ito ay nakita namin na sila ay mga kawal ngunit ang kulay ng kanilang uniporme ay iba. "Ipinag utos ng hari na suriin namin ang lupaing ito" ang wika ng isang kawal.
"Mga tauhan iyan sa kaharian ng Beranda. Ang kulay ng kanilang kalasag ay berde at ginto." ang bulong ni Kenny.
"Bakit? Anong mayroon sa aming lupain?" ang tanong ko.
"Balak ng hari na kuhanin ang iyong lupain upang pag tayuan ng mga gusali. At upang mawala na rin ang mga bulok na pananim na ito." ang wika ng isang mayabang na kawal sabay sipa ang aming mga tanim.
"Hindi niya pag aari ang aming lupain kaya't wala kayong karapatang kuhanin ito!" ang sigaw ni Kenny
"Pwes ang utos ng hari ay hindi mababali. Mag paalam na kayo sa mga bulok na halaman ninyo!" ang wika pa ng isa sabay bunot sa aming mga tanim kaya naman nag dilim ang aming paningin sa matinding pag kainis.
"Itigil mo iyan!" ang sigaw ko sabay suntok ng malakas sa mukha ng kawal dahilan matumba ito. Si Kenny naman ay nakipag babag rin para protektahan ang aming mga gulayan.
Nakipag buno kami sa apat na kawal. Pilit namin silang itinaboy upang hindi nila masira ang aming mga pinag paguran..
Habang nasa ganoong pakikipag buno ay ay bigla na lamang may isang putok ng baril na umalingawngaw sa buong paligid at kasabay nito ang pag dugo ng aking balikat.
BANG!!
Tinamaan ako at napasadsad sa lupa..
"Tigas kasi ang ulo mo e! Sa susunod ay tutuluyan na kita! Wala kayong magagawa sa utos ng aming hari kaya ngayon palang ay mag balot balot na kayo ng inyong mga gamit!" mayabang na banta nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/148828813-288-k523990.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako at si Prinsipe Yago BOOK 2 (2018)
RomanceMakalipas ang apat na tao ay muli kong bubuksan ang libro nina Yago at Ned upang ituloy ang kanilang kwento. Maaaring hindi ito ganoon ka kaperpekto ngunit siguro naman ako na mag bibigay ito ng mahalagang aral at inspirasyon sa inyong lahat. Sa lib...