PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ako at Si Prinsipe Yago
Book 2
April 20, 2018
Part 3
Lumipas ang ilang linggo at dumating ang pinaka aabangang araw ng pista. Ang lahat ay abala sa pag hahanda para sa kani kanilang panauhin. At tulad ng napag planuhan, umaga palang ay inilabas na namin ang patron upang iparada sa buong lugar. Kasama na rito ang mga tao at ilang musikero na nag bibigay ng ibayong sigla sa aming ginagawang prosisyon.
Bandang tanghali noong matapos ang parada. Bago pa ipasok sa simbahan ang patron ay nag kagulo na sa buong paligid dahil dumating ang hari at ang kanyang anak na si Yago upang maki isa sa nagaganap na pistang bayan.
Ang lahat ng tao ay sabik na sabik sumalubong sa kanila upang makamayan o mag pakuha ng larawan. Kaibahan naman sa akin na pilit ikinukubli ang mukha sa sulok upang hindi nila ako makita. Kung sa bagay ay hindi ko rin naman alam ang sasabihin kung sakaling mag kaharap harap kami.
"Pare bakit hindi ka lumapit doon kila Prinsipe Yago? Grabe, ang gagarbo ng kanilang kasuotan. Lalo na yung hari, may diyamante pa sa kanyang damit. Yung Prinsipe naman ay mukhang mamahalin ang suot na kwintas." ang namamanghang wika ni Kenny habang itinuturo si Yago sa kalayuan. Naka suot lamang ito ng pantalong maong, sapatos at tshirt. Ngunit ang kanyang datingan ay dati pa rin, gwapo at mas lalo pang lumaki ang kanyang katawan.
"Natural ay magarbo silang manamit dahil nakatira sila sa palasyo at malaki ang ari arian nila doon. Halika na, umuwi na tayo dahil baka mag datingan ang mga bisita natin sa bahay." pag yaya ko naman.
"Pre bakit ba nag aapura kang umuwi. Sayang naman pa picture muna tayo kay Prinsipe Yago at sa Hari!"
"Huwag kana. Masama raw ang ugali ng Yagong iyan, baka ipapatay pa niya tayo." pananakot ko naman.
"Parang mabait naman siya pre."
"Hindi. Akala mo lang iyon!" pag pupumilit ko pa dahilan para matawa ito.
Katulad ng set up, agad kaming nag tungo pauwi sa aming bahay. Tiyak na nag hihintay na rin sa akin ang aking anak dahil pinangakuan ko siyang ibibili ng laruang de gulong. "Patay! Nakalimutan ko yung laruan ni Lucio."
"Nakup, bakit kasi nag aapura kang umuwi e. Lagot ka ngayon sa anak mo. Teka, gusto mo bumalik tayo doon sa plaza?" tanong niya
"Hindi na, heto na tayo sa harap ng bakuran. Isasama ko na lamang so Lucio mamaya doon upang makapamili siya ng laruang nais niya."
BINABASA MO ANG
Ako at si Prinsipe Yago BOOK 2 (2018)
عاطفيةMakalipas ang apat na tao ay muli kong bubuksan ang libro nina Yago at Ned upang ituloy ang kanilang kwento. Maaaring hindi ito ganoon ka kaperpekto ngunit siguro naman ako na mag bibigay ito ng mahalagang aral at inspirasyon sa inyong lahat. Sa lib...