12;

406 22 1
                                    



jihoon's

Ang sakit, sa hindi ko alam na dahilan hiniwalayan niya ko bigla.

Wala naman ako ginawang masama at wala din akong ginawa na nakaka-turn off. Pero bakit ganun? Nag break na kami pero ni luha walang lumabas mula sa mga mata ko.

Masakit nga pero bakit parang hindi ko kayang umiyak sa pagkawala niya?

"Jihoon ko! Saan ka galing?" Tawag sakin ni Soonyoung na naka upo sa pwesto ko.

Kanina pa uwian pero dahil tinawag ako ni Cheol hyung kaya ngayon ko palang kukunin ang gamit ko sa klase.

Pero sa hindi inaasahan, iniintay pala ako ng ugok na to.

"Ahh wala jan lang sa tabi-tabi, nakikipag-usap sa mga halaman." Sagot ko dahil hindi ko padin makalimutan yung nangyari kanina.

Kukunin ko na sana ang gamit ko pero bigla niya akong inunahan.

"Ano nanaman ba!? Wala ako sa mood Soonyoung!" Hindi ko alam pero napasigaw na lang ako bigla sakanya.

Nagulat siya kaya kinuha ko na lang bigla yung bag ko at lumabas sa classroom. Syempre hinabol niya ko.

"S-sorry Jihoon." Tumigil na lang ako atsaka niyakap ko siya.

"Soonyoung bakit kaya niya ko iniwan?" Sa pagkakatanong ito may mga luha na lumabas sa mga mata ko.

Tahimik naman si Soonyoung, pero bigla ko siyang narinig na tumawa. Tinulak ko siya at hinampas.

Bwisit nagdradrama na nga ako dito, pinagtatawanan pa ko!

"U-uy! Hindi kita pinagtatawanan." Pinunasan ko naman yung mga mata ko.

"Eh bakit ka tumatawa!?" Tanong ko sakanya.

"Eh kasi akin ka na ulit." Hindi ko masyado na gets yung sagot.

"Ha??" Tinanong ko ulit, baka kasi mali rinig ko.

Bigla niya ko hinatak sa isang classroom at nagtago sa isang cabinet na masisilip mo ang labas.

"A-ano ba-" Hindi ko naituloy ang mga sasabihin ko ng makita ko si Cheol hyung at si Jeonghan hyung na nasa labas.

"Han, mahal na mahal padin kita. Maniwala ka naman sakin please."

Teka tama ba naririnig ko? Mahal pa niya si Jeonghan hyung??

"Cheol, alam mo ba sinasabi mo?"

"Han, wala na kami ni Jihoon. Ikaw padin talaga mahal ko, sana ako din mahal mo pa ko.."

Hinila ni Cheol hyung bigla si Jeonghan hyung at hinalikan niya toh.

Sa sakit bigla ulit may lumabas na luha sa mga mata ko.

"Shh." Bulong sakin ni Soonyoung.

"Kaya Jihoon, wag ka magtitiwala sa iba agad. Tandaan mo, nandito lang ako para sayo."

Hindi ko padin matigilan umiyak ng makita ko si Cheol hyung na may kahalikan na ibang tao. Kaya pala nung kami, hindi niya ako kayang halikan kahit ilang beses kong sinabi sakanya na okay lang.

"Jihoon, tandaan mo akin ka lang. Kaya wag ka na umiyak, kahit sino pa dumating sa buhay ko. Ikaw padin pipiliin ko."

-

yandere ⇝ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon